Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
Romance
1024.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
THE HEIR'S OBSESSION

THE HEIR'S OBSESSION

"When you turn twenty-four, you will carry my first born. Mark my word, Ms. Gwyneth Clair Elizabeth Louise Garcia-Abernathy." Ito ang linya ni Ace Caleb Sansmith—ang nag-iisang tagapagmana ng Sansmith Innovation which caused Gwy na maging conservative sa kaniyang fashion choices just to avoid his obsession with her. Ang buong akala niya, madi-distract ito sa nerdy attire niya ngunit mas lalo pa nitong pinakita sa kaniya na disidido pa itong tuparin ang minarkahang linya. Okay lang sana kung sinabi nito na gagawin siyang asawa, papakasalan, baka kiligin pa siya ngunit pinaparamdam lang nito sa kaniya na isa lamang siyang babaeng target nito upang aánákan. At talagang pinaramdam sa kaniya ni Ace na gagawin nito ang lahat, maging ina lamang siya ng maging anak nito, at dahil sobrang ayaw niya, gagawin rin niya ang lahat upang maiwasan ito. Sino kaya sa kanila ang magwawagi? Gaano ba katigas ang isang Gwyneth Clair Elizabeth Louise Garcia-Abernathy, upang hindi lalambot sa karisma ng isang Ace Caleb Sansmith?
Romance
1024.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Can’t Let You Go

Can’t Let You Go

Warning ⚠️ Spg ⚠️ First year college pa lang si Neri ay secret crush niya na ang ngayo’y SSG President ng kanilang campus na si Eon. Pero hanggang tingin lang siya sa binata dahil napakasungit nito at batid rin niyang engage na ito at nag-aaral sa America ang fiancée nito. Si Neriah “Neri” Salvacion, ay lumaking mahirap. Siya ay laking isla at kaya lamang lumuwas ng Maynila, upang ipagpatuloy ang pagkokolehiyo niya matapos makakuha ng scholarship. Habang si Elleon “Eon” Ignacio naman ay lumaki sa marangyang buhay. Siya ay nag-iisang anak ng isang bilyonarya at businesswoman. Neri thought na hanggang tingin na lang talaga siya kay Eon. Ngunit nang mabalitaan niya na may leukemia ang bunso niyang kapatid, ay napilitan siyang tanggapin ang inaalok ng best friend niya, at iyon ay ang pagpo-prostitute. Ngunit lingid sa kaalaman ni Neri na ang taong pagbibentahan niya pala ng kan'yang katawan ay ang long time crush niya na si Eon. Matagumpay na nakuha ni Eon ang kanyang pagkababae at nakipag-deal ito sa kanya na simula sa gabing ‘yon ay si Eon lamang ang gagamit ng katawan niya. Sumang-ayon naman agad si Neri, dahil sasagutin ng binata ang chemotheraphy ng bunso niyang kapatid. Pero agad siyang binalaan ni Elleon na 'wag siyang mai-in love rito, dahil hindi siya masusuklian nito, at kung ano man ang magandang pagtrato nito sa kanya ay ‘wag niyang seseryosohin. Dahil kaya sa fiancee ni Elleon kaya niya iyon nasabi? I-le-let go na kaya ni Neri ang feelings niya for Elleon? o mas lalo lang siyang ma-fall dito dahil mas madalas na silang magkakasama dahil sa kanilang deal?
Romance
1025.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]

LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]

(Grant Saavedra's Story) Tanggap ni Kiara na isa siyang 'Single mother' pero hindi pala tanggap iyon ng kanyang anak. Naghahanap ng pagmamahal ng isang ama ang anak niyang si Kian, at isa lang ang nais nito maging daddy, walang iba kundi ang ex niyang si Grant! Paano niya matatanggihan ang kanyang anak kung pati si Grant ay nais din na maging ama para sa anak niya? Mahulog kaya ang damdamin niya sa binata na walang pinakita kundi pagmamahal sa kanilang mag ina? O masasaktan lang siya sa kasinungalingan na malalaman niya? Handa ba siyang sumugal at naisin na lumaban kung malaman niya ang tunay na dahilan sa pagbabalik ng binata sa buhay nila?
Romance
1020.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The CEO's Surrogate Second Wife

The CEO's Surrogate Second Wife

Walang-walang at walang mahingian ng tulong para sa operasyon ng ina na may sakit sa puso, kumapit si Heather sa patalim at pumayag na maging surrogate mother upang dalhin ang anak ni Xeron Montellano at Rubecka Corpuz, ang mag-asawang nagbayad sa kanya para magbuntis. Hindi magkaroon ng anak ang dalawa kaya siya ang susi para mabigyan ang dalawa ng supling. Pero hindi inaasahan ni Heather na sa desisyon niyang iyon ay magbabago ang buong buhay niya. Ang matres niya lang ang inupahan para magdala ng magiging anak ni Xeron ngunit bakit pati yata ang puso niya ay hindi sinasadyang makuha rin ng lalaki? Ngunit alam ni Heather na mali ang nararamdaman para sa lalaki. Mapaglabanan kaya ni Heather ang temptasyon ni Xeron o uunahin ang isip dahil simula pa lang, pag-aari na si Xeron ng asawa nito?
Romance
9.520.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Wife Is An Assassin

My Wife Is An Assassin

Labing walo taong gulang si Erica nang mabuntis siya ni Gregory Hans Miller dahil sa one night stand. Napilitan na pakasalan siya ni Greg dahil sa utos ng kanyang grandfather. Sinisisi siya ni Greg dahil sa pag hihiwalay nila ng kasintahan nito si Amira. Sinaktan at itinuring na katulong imbes na asawa. Nag offer si Greg ng sampung milyon kapalit na pipirmahan ang annulment papers at mawawalan ng karapatan si Erica bilang ina ni Greyson na kanilang anak. Nagmakaawa si Erica kay Greg kapalit ng magiging nanny siya ng kanilang anak sa loob ng isang taon. Pagkalipas ng isang taon. Kahit labag sa kalooban. Napilitan umalis si Erica para magpakalayo at kalimutan ang pagiging ina ni Greyson. Malaki ang pag sisi ni Greg dahil huli na ang lahat nang matanto niya na umiibig siya sa kanyang asawa. Hinanap ni Greg ang kanyang asawa subalit nawala na lang ito na parang bula. Pagkalipas ng anim na taon. Muli niyang nakita ang kanyang asawa. Subalit malaki na ang pinagbago ni Erica. Isang matapang at palaban na babae.
Romance
1024.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
I Love My Stepbrother

I Love My Stepbrother

Meet Sophia Isabella Sanchez, ang babaeng takot magmahal sa isang lalaki dahil sa pagtataksil ng kanyang ama sa kanyang ina. Ngunit ang buhay niya ay biglang nagbago nang magpakasal muli ang kanyang ina sa isang mayamang lalaki at makilala niya ang nag-iisang anak nito na si Magnus Adler. Ang cold, arogante, at possessive na kanyang stepbrother. Kung saan mamahalin niya ng higit pa bilang kapatid/kuya. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan? Susuungin ba nila ang bawal na pag-ibig at mapaghusgang mata ng mga tao? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan sa kanilang mga magulang? The characters and events of this story are just an imagination of the author. This story is Rated 18+ | SPG content | Read at your own risk |
Romance
1022.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Covetous Wife

His Covetous Wife

Lumaki sa napakayaman na pamilya si Krissy Parker. Siya ang nag-iisang anak na tagapagmana ng isa sa pinakamayaman at kilalang negosyante sa buong Pilipinas. Kaya naman kilala siyang maldita at spoiled brat, sanay na laging nasusunod at nakukuha ang anumang naisin niya. At nang umibig sa ibang babae ang lalaking kanyang minamahal ay ginawa niya lahat ng paraan para muling makuha ang puso at atensyon nito, kasama na ang paggamit niya sa half-brother nitong si Calex. Ngunit dahil sa pagiging desperada niya ay nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali. Dahilan para mapilitan si Calex na pakasalan siya At sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay isinumpa ng lalaki sa kanyang harapan na kailanman ay hindi siya nito magagawang mahalin. Na gagawin nitong masalimoot ang mala-prinsesang buhay na nakasanayan niya. Paano siya mamumuhay kapiling ang asawang araw-araw na nasusuklam at namumuhi sa kanyang pagkatao?
Romance
1023.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
Romance
1023.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3839404142
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status