My nanny is my Real Mommy
Napatigil ako at nanigas ang buong katawan sa boses na narinig ko.
"4-400 million??" Ulit na tanong ko sa utak ko. Matagal bago na proseso sa utak ko ang sinabi nito. Kahit natatakot, napalunok ako sabay lingon.
"Yes! 400 million" Pakiramdam ko nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig at paulit ulit na naririnig ang sinabi nito. Gusto kong magwala at umiiyak ng malakas sa mga oras na ito. Alam kong lumaki akong hindi nararamdaman ang pagmamahal ni daddy dahil sa galit niya sa akin. Ayon sa yayang nagpalaki sa akin, ako daw ang dahilan kung bakit namatay si mommy kaya hanggang ngayon ako ang nakikita ni daddy na dahilan at laging sinisisi.