Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Fusion of Two Worlds

The Fusion of Two Worlds

Mathealogy
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam alam kung sino at nasaan siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpanggap at makisama sa mga mageno na napag-alamanan niyang may espesyal na abilidad. Namuhay siyang nagpapanggap na kabilang sa mga naninirahan sa Voreios, lugar kung saan nakatira si Ravus — ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang memorya. Nang sa gano’n ay makabalik siya sa totoong kanyang pinanggalingan, at hindi iyon Voreios. Naging matunog ang kanyang pangalan sa Voreios dahil sa kanyang pambihirang pisikal na abilidad na kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mga mageno kung kaya’t sa maikling panahon ay itinuring siyang isa sa mga mageno kahit walang taglay na espesyal na abilidad. Sa maikling panahon ay marami na siyang nagpadaanan sa loob ng Voreios at pakiramdam niya ay kabilang talaga siya dito. Kaya gumuho ang lahat nang bumalik ang kanyang memorya. Hindi siya si Sithya. Hindi siya taga-Voreios, at lalong lalo nang hindi siya mageno dahil siya si Seffyre Nicolisle Lestridge na isang tao. Siya pala ay mula sa mundo ng mga tao na kinamumuhian ng mga mageno. Nauunawaan niya na kung bakit kakaiba ang kanyang pisikal na abilidad. Iyon ay dahil siya ay hindi lang ordinaryong tao kundi isang agent na hubog sa pakikipaglaban. Ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang makabalik sa mundo ng mga tao na kanyang totoong kinabibilangan habang wala pang nakakaalam sa kanyang lihim. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao ay nabalitaan niya na ang mundo ng mga mageno ay nasa panganib. Pipiliin niya bang bumalik para tumulong? O manatiling mamuhay ng ordinaryo sa kanyang sariling mundo?
4.7K viewsOngoingAdded to Library 177 Times as pang-ukol example
Read
+Library
Married to the Wrong Man, Loved by the Right One

Married to the Wrong Man, Loved by the Right One

Ipinagkasundo sina Zoila Cortez at Genesis De Sandoval upang mas mapalawak ang kapangyarihan at kayamanan ng kanilang pamilya. Subalit hindi nila mahal ang bawat isa. Isa lamang itong bangungot para sakanila. May mahal nang iba si Genesis, at gagawin niya ang lahat mawala lang sa buhay niya si Zoila. Mas magiging komplikado pa ang sitwasyon sa pagpasok ni Jaxen Valviero. Isang lalaking makapangyarihan, mapanganib, at matagal nang lihim na nagmamahal kay Zoila. Para mapalapit kay Zoila ay nagtago siya sa pangalang Rico De Larna at nagtrabaho siya bilang personal driver nito. Sakanilang palagiang pagsasama mabubuo ang isang pag-ibig na tunay at dalisay. Subalit isang nakatagong sikreto ang nagpabago sa lahat. Isang lihim na kasangkot ang pamilya ni Zoila na naging dahilan upang dumanas siya ng masakit na nakaraan noong bata pa lamang. Namuo ang galit sa puso niya na nagtulak upang iwanan niya sa ere si Zoila, nang hindi man lang niya nalamang nagdadalang-tao ito. Sa paglipas ng limang taon, bumalik siya dahil hindi niya na makayanan ang nalamang kaawa-awang kalagayan ni Zoila sa kamay ng asawa nito. Sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaan pang mawala sakanya ang babae. Gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang babaeng pinaniniwalaan niyang sakanya lamang. Ano ang mangyayari sa muling pagpasok ni Jaxen sa buhay ng mag-asawa? Magiging masaya ba talaga si Genesis kung tuluyang mawawala si Zoila sa buhay niya? O gagawa siya ng paraan upang maibalik ang asawang natutunan niyang mahalin kung kailan huli na ang lahat? Maibabalik pa rin ba sa dati ang pagmamahalan nina Zoila at Jaxen na minsan nang winasak ng lihim at masakit na nakaraan? Sa magulong buhay pag-ibig na kinasangkutan ni Zoila, ang kasal ba sa lalaking walang pagmamahal o ang lalaking iniwan man siya pero hindi siya magawang pakawalan… SINO ANG PIPILIIN NIYA?
109 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as pang-ukol example
Read
+Library
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
1.9K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as pang-ukol example
Read
+Library
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
9.6K viewsCompletedAdded to Library 248 Times as pang-ukol example
Read
+Library
Let's Play Hide and Seek

Let's Play Hide and Seek

Reynang Elena
"Parang awa niyo na itigil niyo na to."- pagmamakaawa ng isang dalaga Ngunit wala man lang siyang ibang narinig kundi puro tawanan. Kitang kita niya sa mga mukha ng mga taong nasa harap niya ang mga ngisi sa kanilang mga labi. 'Kahit maubos pa ang boses mo kakasigaw Crystal walang makakarinig sayo dito hanggang sa mamatay ka."- nakangiting wika ng babae na nasa harapan niya. "Teka teka sandali! Sandali lang Yessie. Wala sa plano to."- pagpigil ng isa pang boses. Halos hindi na matingnan ni Crystal kung sino ito. 'And so? You think I care? She deserve it! Sge deserve to die!!."- puno ng kaseryosohan na saad ni Yessie. 'Sinusumpa ko maybabayad kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong to. Hindi ko kayo papatahimikin!'- nakakakilabot na sigaw ng dalaga kahit na nahihirapan na ito. 'Talaga? Sa tingin mo mangyayari pa yun? Sa tingin mo magagawa mo pa yun? Hahaha! Huwag kang magpatawa! Ito na ang huling gabing masisilayan mo ang mundo. Paalam Crystal! Rest well darling.'- ngising sabi nito at walang ka abog abog na hinampas ng kahoy ang kamay dahilan para mapabitaw ito at malaglag. Halos hindi ako makahinga sa nakita. I'm so sorry! Paano nga ba matatapos lahat ng to kung hindi nila alam kung sino ang totoong kalaban? Buhay ang kinuha at buhay din ang magiging kapalit. Pinaglalaruan ng isang tinig! Boses na nakakapangilabot. Paulit ulit na naririnig at kapag narinig mo ito magtago kana, dahil ikaw na ang susunod. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. isa, dalawa, tatlo. Pag nahuli ko ay papatayin ko" Pag narinig mo ang katagang yan ay magtago kana. Run and hide as fast as you can. Save yourself before it's too late. Killer is here, death is everywhere. Be careful who you trust. Tik tak Tik tak...
106.7K viewsOngoingAdded to Library 262 Times as pang-ukol example
Read
+Library
Muling ibalik

Muling ibalik

Memories
Sabi nila lahat ng bagay at tao my lugar may pwesto, may panahon at oras makakapagpasaya man sayo o hindi. Gaya na lang ng araw sa umaga bwan sa gabi, ang tubig sa ilog umaagos at ulan ay pumapatak, ang tao ay nabubuhay at namamatay... But Im not buying it kasi kung ganon? Bakit kinuha agad ang mahal ko? Ang lugar at pwesto pati panahon at oras nya ay dapat sa tabi ko. Kaya isa lang ang ibig sabihin LIFE IS A BIG BULLSHIT UNFAIR! Sandali ko lang syang nakasama pero kinuha na lang sya bigla. Marami pa kaming gustong gawin at puntahan. Marami pa syang pangarap na gustong tuparin. Kung maibabalik ko lang ang oras. Pero kahit anong gawin ko di na ko makakabalik sa oras na yon. Yong masaya at kasama ang mahal ko. *** Tumgin ako sa salamin at yuko. Tumingin uli ako sa salamin... Tingin sa likod.... Sa salamin uli.... "Oh jesus!!!!" "Waaaaaaahhhhhh..." Sigaw ko habang nakaturo sa salamin. Subra talaga ang takot ko kaharap ko ang bata kong pag mumukha! Sigaw pa rin ako ng sigaw buti na lang walang tao kundi para akong baliw. Totoo ba to? Kinurot ko sarili ko at pinag sasampal. "Aray! Putik ang sakit" "Ano bang nangyayari? Ganito ba sa heaven?" Lumabas ako hahanapin ko na si mahal walang duda patay na ko! As in dead. Pero pano si mommy? Hinihintay ako. "Bala na si batman basta mahanap ko si mahal." Napadaan ako sa labas ng at.. Ano ba showing nila mga luma na pang 2014 pa. sariwa pa sa akin ang mga taon ng nakilala ko si mahal. Teka? Parang may di tama. Kaya nag duda na ko nagtanong- tanong ako at sa 20 na taong tinanong ko isa lang ang sagut... Today is APRIL, 17,2014. Hindi pwede, 2055 na sa panahon ko.
1.9K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as pang-ukol example
Read
+Library
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
1022.5K viewsOngoingAdded to Library 584 Times as pang-ukol example
Read
+Library
Never let you go

Never let you go

Ms. Sagittarius
Minsan ng nasaktan si Axel at nangako na hinding-hindi na siya iibig ulit. Nagiwan ng malaking sugat sa puso ni Axel ang nangyari sa kanyang nakaraan na buong akala niya ay hindi na niya makakalimutan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala niya si Althea ang babaeng nagkaroon ng malaking impact sa buhay ni Axel. Simple lang si Althea, ordinaryo, may malambot na puso at gagawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay na kabaliktaran ni Axel. Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Axel na magmahal at magtiwala ulit pero hindi sang-ayon ang Papa niya. Ang tingin kasi ng Papa ni Axel katulad lang din si Althea sa mga babaeng Pera at kapangyarihan ang habol sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para paghiwalayin ang dalawa pero hindi makakapayag si Axel na muling manghimasok ang Papa niya kaya naman gagawin din niya ang lahat para protektahan ang taong mahal niya. Ngunit may dumating pa na isang pagsubok sa pagsasama ni Axel at Althea na talagang susubok sa kanilang dalawa. Bumalik ang nawawalang kapatid ni Althea na si Vivian na gusto ng Papa ni Axel para sa kanya. Dumating sa punto na kailangan pumili ni Althea kung ang kaligayahan ng mahal niyang kapatid o ang sarili niyang kaligayahan. Kung noon lagi na lang nagpaubaya si Althea para sa kaligayahan ng ibang tao ngayon hindi siya makakapayag na mawala sa buhay niya ang taong nagparamdam sa kanya kung paano mahalin at pahalagahan. Mahal ni Althea ang pamilya niya pero mas pinili niya ang taong mahal niya na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pang mangyari. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon ni Axel at Althea ay nagawa nilang lampasan ng magkasama. Pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at mas tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
2.2K viewsOngoingAdded to Library 84 Times as pang-ukol example
Read
+Library
Betrayed Wife, Claimed by the Heartless Billionaire

Betrayed Wife, Claimed by the Heartless Billionaire

Betrayed Wife, Claimed by the Heartless Billionaire Dalawang taon naging magkasintahan sina Leon Santillan at Gazini Fowler bago sila ikinasal. Akala ni Gazini, siya na ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Ngunit sa loob ng isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, minsan lang siyang naging asawa sa tunay na kahulugan nito—sa mismong gabi ng kanilang kasal. Habang walang sawang nagtatrabaho si Gazini, buong tiwala niyang ibinibigay ang bawat pisong kinikita kay Leon, naniniwalang magkasama nilang binubuo ang pangarap nilang kinabukasan. Hindi niya pinansin ang malamig nitong pakikitungo, ang mga gabing mag-isa siyang natutulog, at ang mga pangakong hindi kailanman tinupad. Para sa kanya, normal lang ang magsakripisyo kapag nagmamahal. Hanggang isang araw, hinarap siya ng kabit ni Leon. "Hindi ikaw ang babaeng minahal niya. Ikaw lang ang babaeng nagbayad ng lahat ng luho namin." Sa isang iglap, gumuho ang mundong maingat niyang binuo. Ang bawat sentimong pinaghirapan niya ay ginamit pala para buhayin ang marangyang relasyon ng asawa niya at ng ibang babae. Hindi lang siya niloko—ginawa rin siyang tagapagtaguyod ng pagtataksil sa kanya. Pinili ni Gazini ang diborsyo at iniwan ang lalaking sumira sa kanyang puso. Habang unti-unti niyang binubuo muli ang sarili, nakilala niya si Gabriel Medina—isang makapangyarihan, guwapo, at misteryosong billionaire na kilala sa pagiging malamig at walang pusong negosyante. Tahimik siyang pinrotektahan ni Gabriel, tinulungan siyang bumangon, at ipinakitang may lalaking kayang pahalagahan ang kanyang halaga. Ngunit may isang bagay na hindi kailanman maibibigay ni Gabriel—ang kanyang puso. At nang tuluyan nang tanggapin ni Gazini ang katotohanang iyon, bumalik si Leon, nagsusumamo ng isa pang pagkakataon. Dalawang lalaki. Isang pusong minsang nadurog. Sino ang pipiliin ni Gazini? Ang lalaking sumira sa kanya... o ang billionaire na inangkin ang kanyang buhay ngunit tumatangging ibigay ang kanyang puso?
10574 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as pang-ukol example
Read
+Library
PREV
1
...
282930313233
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status