Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)
Manghang-mangha si Desiree, hindi niya inaasahan na ganito kayaman ang pamilya ng napangasawa.
Nag-umpisa sa papasok nila sa malaking gate ay de remote control na. Ang malawak na lawn ay napapalibutan ng bermuda grass at class na class ang desenyo. Sa garden ay isang babaeng may flower crown na may dala-dalang jar kung saan pumupuslit ang tubig ng fountain sa gitna. Parang golf course ang lawak ng lawn din ng mga ito.