Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
THE TWIN and The Chaos

THE TWIN and The Chaos

Isinilang na magkadikit. Paghihiwalayain Ng Kapalaran. Pagtatagpu-in ng Ibang kata-uhan. Saan hahantong Ang dalawang Kambal. Sa muli nilang pagkikita. Makikilala pa kaya nila ang isat isa. Paano kung Hindi na nila makilala ang isat isa at ang lalaking Nagpatibok sa puso ni Dennes ay Naging Siya rin ang dahilan ng pagbabago ni Maria. Ang Dating Maria Gonsales Ay mapapalitan Bilang Eloisa Chin. At si Mayra naman ay mabubuhay sa kata-uhan ni Luisa Chua! Muling magtatagpo ang landas ng Kambal at sa iisang lalaki lang sila iibig! Sino kina Eloisa Chin At Luisa Chua Ang Magpaparaya para sa kanilang kaligayahan. "Paano kung iisang babae lang ang mahal na mahal ni Dennis Duatin At siya ang hinahanap niya buong buhay niya!'' Magpaparaya kaya ang isa o mananatili silang magbabangayan sa pag-ibig.
Romance
10725 visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
Langit Sa Piling Mo

Langit Sa Piling Mo

(WARNING: MATURED CONTENT!) Buong akala niya ay nagawa niya nang kalimutan ang kanyang ex boyfriend nang iwan niya ito para makipag sapalaran sa ibang bansa. Ngunit nang hindi sinasadyang magkita sila ulit ay hindi na niya nagawa pang pigilin ang sarili nang minsang may mangyari sa kanila, isang gabi lamang noong una, hanggang sa sumunod na gabi, namalayan niya na lamang na ang bawat gabi sa piling nito ay unti-unti niya nang nakasanayan. Ngunit paano kung isang araw, malalaman nila pareho na nakatakda na palang ikasal ang kanilang mga magulang? Paano kung isang araw ay malaman niyang nakatakda silang maging magkapatid? Magagawa niya kayang patuloy na mahalin ang lalaki, gayong sa mata ng lahat ay bawal ang relasyong namamagitan sa kanila?
Romance
104.0K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Love is Sweeter the Second Time Around

Love is Sweeter the Second Time Around

Reianne M.
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is our greatest enemy. Parang lahat kasi ng mangyayari sa buhay natin, nakatadha na-at wala kang magagawa kundi tanggapin ito. I have always been on top. All the people I know are proud of me-look up at me because I am good at everything. Pero tama nga silang hindi ka laging nasa taas. Sino bang mag-aakala na isang beses lang akong babagsak pero sobra iyon? Sobra-sobrang nahatak ako sa baba ng malaking trahedya sa buhay ko at hindi ko alam kung paano ako aahon. Mabuti na lang, bumalik siya. Siya ulit. Siya lang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin nang lubos kahit iniwan ko. It's always him. Walang iba.
Romance
4.7K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
BROKEN SERIES 2 FREYA SANDOVAL [SINNER]

BROKEN SERIES 2 FREYA SANDOVAL [SINNER]

Mhiekyezha
Ellie and Elia Madrigal are identical twin sisters. Despite their different personalities, they love each other and support their parents. Their life is like a fairy tale book that everyone dreams of. Money, fame, power, and a pretty face. Ngunit nagbago ang lahat ng mamatay ang magulang nila sa plane crash at tangkain silang patayin ng matalik na kaibigan ng ama na si Don Faustino. Napilitan na magtago at magpakalayo-layo sina Elia at Ellie. After eight years napagpasyahan ni Ellie na bumalik sa Pilipinas bilang Freya Sandoval na isang sikat na top model sa ibang bansa, para alamin kung bakit ninais na kitlin ng kaniyang kakambal na si Elia ang buhay kaysa sa gamutin ang sakit nito. Magagawa pa kaya ni Ellie ang misyon kung ang lalaking napangasawa ng kakambal niya, ay ang lalaking nakaniig niya eight years ago?
Romance
2.2K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Sinful Secrets of the Billionaire

Sinful Secrets of the Billionaire

Napilitan si Amélie na bumalik ng Pilipinas nang mabalitaan niyang ikakasal na ang kanyang kapatid. Laking gulat niya dahil ni minsan ay hindi nabanggit nito na may fiancé na pala. Naghanda siya para sa araw ng kanilang pagkikita, ngunit tila nabura ang lahat ng ingay sa paligid nang makita kung sino ang lalaki. Si Riguel Morel, isang kilalang multi-billionaire. Tall, dangerously charming, almost flawless, and most of all, the man she once loved but chose to leave behind in pursuit of her dreams abroad. Para sa kapakanan ng kapatid, pinilit ni Amélie na magpanggap na tila wala silang nakaraan. Ngunit hanggang kailan niya mapapanindigan iyon kung sa tuwing wala ang kapatid niya ay mas lalo namang nagiging mapanganib ang bawat paglapit at tingin ni Riguel sa kanya?
Romance
351 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

Plano lang ni Helga Louisse Palma na ipamukha sa ex niya na okay na siya — kaya nag-hire siya ng escort para plus one sa party. Simple, di ba? Pero hindi niya inasahan na ang “escort o gigolo” ay si Damian Caius Avelino, isang bilyonaryong CEO na hindi lang gwapo, kundi sanay din sa drama at sinabayan pa ang plano niya. Bigla rin silang naging trending online bilang new couple, at kahit ang pamilya ni Damian kumbinsido na sila nga. Wala na si Helga choice kundi sumabay sa palabas at maging fiancée ni Damian. Ang problema? Habang tumatagal ang palabas, hindi na acting ang kilig na nararamdaman ni Helga. Pero handa ba siyang magtiwala ulit, o isa na namang heartbreak ang naghihintay sa kanya?
Romance
104.0K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)

NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)

"Marry me and I'll pay you ten million pesos." Kaya mo bang mahalin at pakasalan ang matalik na kaibigan ng iyong ama? Isang elementary teacher si Thea Faith Ferrer. Masaya siya sa propesyon at buhay na pinili niya. Ngunit may isang pangyayari ang magbabago sa kanyang buong buhay. Nang biglang magkasakit ang kanyang ama at palubog na sila sa utang kaya nawala na sa kanila ang kanilang kumpanya. Balak siyang ipakasal ng kanyang stepmom sa isang mayamang matanda. Ngunit nang malaman ito ng kanyang ninong ay inalok siya nito. Ito ay si Noah Villamor, isa sa pinakamagaling at pinakamayaman na businessman buong bansa. Ang mag-aalok kay Thea ng isang kasunduan. Ang kasuduan na mag-uugnay sa kanilang dalawa at ito ang KASAL. Mamahalin niya kaya ito o mauuwi lang silang dalawa sa hiwalayan.
Romance
10149.0K visualizaçõesCompleto
Show Reviews (22)
Ler
Adicionar à biblioteca
Gene Darden
Ang ganda ng story na to... recommended ko sya sa mga taong nawawalan ng pag asa sa buhay... magaan ang pagkawento hinde nakakastress. sobrang bait pa ng bida pero hinde nagpapaapi. Alam ko na may masayang ending ito as trade mark ni Ms. Callie♡♡♡
Nimpha
thank you so madam Ang bait nyo pinag bigyan nyo Ang kahilingan ko na mag update kayo sa kuya Raleigh god bless madam enjoy your vacation kahit paisa isa Ang update nyo sulit nman po dahil mahaba nman makuntinto muna kmi sa pa isa isa thank you and God bless you more readers to come
Read All Reviews
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
Romance
4.2K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

Isang babaeng nagtrabaho sa isang Casino na nangarap yumaman , ngunit nahulog ang loob nito sa isang lalaking anak ng bilyonaryo pero badboy , nabuntis ito at iniwan sya ng lalaki. Matapos s'yang nanganak nangako s'yang hindi na babalik pa sa Casino na kanyang pinagtatrabahuan dahil kinasusuklaman n'ya ang lalaking nang iwan sa kan’ya. Subalit dumating sa puntong hindi na n'ya alam kung paano bubuhayin ang anak kaya namasukan ito bilang katulong subalit hindi nito alam na doon pala nakatira ang lalaking kanyang kinasusuklaman. Mahigit limang taon din hindi sila nagkita at hindi din alam ng lalaki na may anak sila, madami narin ang nagbago nagkaroon na ito ng nobya at malapit na silang ikasal ng babae. Habang nagtatrabaho s‘ya sa bahay nila Gabriel Bustamante ang lalaking kinamumuhian nito ang ama ng anak niya. Si Samantha naman ay pinipilit na hindi ipahalata ang kanyang nararamdamang galit. Dahil nakatira sila sa isang bahay hindi maiwasan ng lalaki na lumapit sa kanya sa tuwing sila lang ang nasa bahay, dahil sa galit ni Samantha kay Gabriel kahit anong pilit nitong paglapit sa kanya ay hindi nya ito kinakausap, dahil sa araw araw nitong kinukulit si Samantha ay malapit na syang madala ng charisma ni Gabriel, isang araw ay hindi na nito napigilan ang sarili ng lumapit ito at hinalikan s'ya sa labi ng lalaki ay biglang dumating ang kasintahan nito at muntikan na silang mahuli. Araw araw kinakausap nito ang kanyang anak na si Mika sa pag-uusap nila ng anak ay narinig ito ni Gabriel napatanong ito kung may anak na s'ya subalit hindi nya sinabi na anak nila. Araw araw din inaakit ni Gabriel si Samantha dahil hindi pa naman sila naaaktuhan ng nobya nito, hanggang sa isang araw may napansin na ang live in partner nito na kakaiba sa kanila.
Romance
1041.4K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.5K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
ANTERIOR
1
...
3233343536
...
50
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status