After a One-Night Stand
Ang ibig niyang sabihin ay mayaman siya at kaya niyang bumili ng ganoong klaseng pagkain, na may mamahaling ingredients, at may magandang service.
"I know. I'm just thinking about the people who don't get enough food on their plates."
Tumawa si André. Napatingin ako sa kanya. Halos malademonyo ang tawa niya. "What do you want? I sell all my stocks to feed the poor? Nagtatrabaho ako ng maayos. I'm paying my taxes. It's up to the government kung paano nila ihahandle ang pinapasok kong pera sa kaban para matulungan ang mga taong nangangailangan. I'm a businessman so I can pay for my own bills, live my life... I am here to raise the employment rates, pay my taxes, and in exchange of that I get t