My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me(SPG)
Warning: Mature Content‼️
Iniwan ni Lalyn Valeriano ang nakaraan niya nang buong puso-kasama ang sakit, pagkabigo, at ang lalaking minsan niyang minahal.
Sa piling ng kanyang anak na si Lyra, ang kanyang “little cupid,” sinikap niyang bumuo ng tahimik at maayos na buhay. Wala siyang balak balikan ang nakaraan… lalo na ang lalaking minsang sumira sa kanyang tiwala.
Ngunit isang araw, muling nagkrus ang landas nila ng isang makapangyarihang billionaire.
Theo De Vera-Malamig, makapangyarihan. At hindi kailanman marunong magpatalo.Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan ni Theo ang isang sikreto na magpapaikot ng kanyang mundo.
May anak sila.
At ang batang iyon ang siyang unti-unting magdadala sa kanya pabalik sa buhay ni Lalyn. Galit, sakit, at mga sugat ng nakaraan ang pumapagitna sa kanila. Ngunit sa bawat titig, bawat pagkakataong magkalapit sila, muling bumabalik ang damdaming pilit nilang kinalimutan.
Hindi lang si Theo ang muling maghahanap ng katotohanan kundi pati ang puso niyang matagal nang itinago.
At ngayon, gagawin ni Theo ang lahat para mabawi ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Ang kanyang anak…at ang babaeng hindi niya kailanman tunay na binitawan.