Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
101.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 35 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
9.675.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.0K Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
Tempting My Billionaire Kuya

Tempting My Billionaire Kuya

Nang mawala ang mga magulang ni Eliana, parang nawala na rin ang buong mundo niya. Pinagtabuyan at tinalikuran siya ng mga taong tinawag niyang pamilya, kaya wala siyang ibang nalapitan kundi si Gabriel Alvarez—ang makapangyarihang billionaire CEO na matagal na niyang lihim na minamahal. Pero para kay Gabriel, isa lang siyang responsibilidad. Isang pangakong iniwan ng kanyang ina. Isang babaeng kahit kailan ay hindi niya dapat angkinin. Ngunit sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nababasag ang malamig na distansiyang pilit niyang binuo sa pagitan nilang dalawa. At habang mas lumalalim ang kanilang pagsasama, mas lalo namang nagiging determinado si Eliana na patunayang hindi lang siya mananatiling isang responsibilidad sa buhay nito. Pero nang tuluyan nang mawalan ng kontrol si Gabriel at mahulog sa bawal nilang relasyon, bumalik ang dating fiancée nito na handang gawin ang lahat para sirain si Eliana. Kasabay niyon ang pagdating ng isang mapanganib na lalaking gustong angkinin si Eliana para lang pabagsakin si Gabriel. Sa mundong puno ng tukso, kapangyarihan, at pagtataksil... hanggang kailan kayang protektahan ni Gabriel ang babaeng hindi niya dapat mahalin?
151 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
Bound by Contract, Tied by Fate

Bound by Contract, Tied by Fate

Sa makintab ngunit mapanlinlang na mundo ng kapangyarihan sa Metro Manila, dalawang magkaibigang babae ang hindi sinasadyang nahulog sa gitna ng impluwensya ng makapangyarihang Monteverde Group. Si Arabelle Rivera, isang simpleng community development consultant, ay kontento na sana sa tahimik na buhay. Ngunit isang gabi, nang iligtas niya ang isang sugatang estranghero sa loob ng convenience store, nabago ang lahat. Ang lalaking iyon ay si Rafael Monteverde—isang malamig at kilalang bilyonaryong CEO. Dahil sa utang na loob at presyur ng pamilya, nauwi ang kanilang pagkakakilala sa isang kasunduang kasal—isang marriage of convenience na itinayo sa obligasyon, hindi sa pag-ibig. Sa likod ng matigas na anyo ni Rafael ay isang pusong sugatan, takot muling magtiwala. Samantala, ang matalik niyang kaibigang si Margaux Reyes ay napilitang pakasalan si Lucas Monteverde, ang pangunahing tagapagmana ng imperyo. Sa araw ng kanilang kasal, tahasan nitong sinabi na hindi siya ang babaeng mahal nito. Ngunit pinili ni Margaux na panindigan ang kasal—hindi para sa pag-ibig, kundi para sa dignidad at sariling prinsipyo. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nabasag ang pader sa pagitan nila, at natutunan ni Lucas na pahalagahan ang babaeng hindi sumusuko. Habang nasasanay sina Arabelle at Margaux sa marangyang ngunit mapanubok na buhay ng mga Monteverde, lumalalim ang intriga. Bumalik ang dating kasintahan ni Lucas, handang bawiin ang nawala sa kanya. Sa likod ng lahat, lihim na nagmamaniobra si Adrian Monteverde upang alisin ang mga bagong asawa na itinuturing niyang banta sa kapangyarihan. Sa gitna ng selos, lihim, at ambisyon, masusubok hindi lamang ang kanilang mga kasal kundi ang kanilang pagkakaibigan. Mananatili ba sila sa isang kasunduang walang katiyakan, o lalaban para sa pag-ibig na unti-unting nabubuo?
291 viewsOngoingIdinagdag sa Library 6 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
Night Under the Mask

Night Under the Mask

Sa malamig na lungsod ng New York, nagsimula ang kakaibang kwento ng isang simpleng Filipina na si **Azia Montenayor** at ng isang mayamang CEO na si Edward Falcon. Isang aksidenteng banggaan sa loob ng kumpanya ang naging daan upang alukin ni Edward si Azia ng isang hindi pangkaraniwang kasunduan—isang one-year contract marriage kapalit ng malaking halaga ng pera. Para kay Azia na may pamilyang tinutulungan sa Pilipinas, tila praktikal itong desisyon. Ngunit hindi niya inaasahan na mas magiging komplikado ang lahat nang malaman niyang siya ay buntis. Unti-unting nabunyag na bago pa man ang kasal, may koneksyon na pala sila sa isang gabing may maskara—isang charity event kung saan nagtagpo ang kanilang mga landas sa ilalim ng emosyon at kahinaan. Mula sa isang lihim na alaala at hindi planadong pagbubuntis, nagsimulang mabuo ang isang relasyong higit pa sa kontrata. Habang hinaharap nila ang selos mula sa dating kasintahan ni Edward at ang mga pagsubok na dala ng kapangyarihan at impluwensya, mas tumitibay ang kanilang samahan. Sa bawat problema—mula sa aksidenteng pinaghihinalaang sabotahe hanggang sa panghihimasok ng nakaraan—pinatunayan nilang ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat ng pera o pirma sa papel. Sa huli, ang flash marriage na nagsimula bilang isang kasunduan ay nauwi sa isang totoong pamilya. Sa pagitan ng tawanan, selos, panganib, at lambingan, natuklasan nina Azia at Edward na ang pagmamahal ay maaaring magsimula sa maling oras at maling paraan—ngunit kung ito ay totoo, ito ang magiging pinakamatibay na pundasyon ng kanilang bagong buhay bilang pamilya Falcon.
10185 viewsOngoingIdinagdag sa Library 7 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
The Chase: The Billionaire’s Game

The Chase: The Billionaire’s Game

The Chase: The Billionaire’s Game is the story of Celestine Vera Elsher, a woman who was forced to leave the city—and her best friend—when she was just twelve years old. Dahil sa biglaang pagkalugi ng negosyo ng kanilang pamilya, napilitan silang lumipat sa probinsya. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong magpaalam kay Percival Ford Ramirez, ang lalaking matalik niyang kaibigan—at ang tanging taong lihim na pinili ng puso niya. Labinlimang taon ang lumipas bago muling nakabalik si Fannie sa Maynila, dala ang pag-asang makita at makausap muli si Kane. Ngunit tila yata nawala na ito sa mundo—walang may alam kung nasaan siya, kung nag-asawa na ba, o kung babalik pa ba siya kailanman. Habang muling binubuo ni Fannie ang kanyang buhay, natanggap siya bilang sekretarya ni Mrs. Pamela Ramirez, isang kilalang businesswoman sa lungsod. Sa paglipas ng panahon, naging malapit sila sa isa’t isa—at dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, napilitan si Kristin na bumitiw sa puwesto. Ang pumalit? Isang pangalan na matagal nang laman ng kanyang mga panalangin—Percival, ang lalaking iniwan niya nang walang paalam. Pero ang Percival na kaharap niya ngayon ay malayo na sa Percival na naalala niya. Malamig, mailap, at punung-puno ng galit. At sa muling pagtatagpo nilang ito, mas lalo pang lilikha ng tensyon ang pagbabalik ng isang tao mula sa kanilang nakaraan—dala ang mga lihim na maaaring tuluyang sumira sa kanila. Magagawa pa kaya ni Celestine na ipaliwanag ang kanyang naging dahilan sa biglaang paglisan? Matutunan pa kaya ni Percival na patawarin ang kaisa-isang babaeng minahal niya? At kung tuluyan na silang harapin ng nakaraan, sapat pa rin kaya ang pag-ibig... this time?
10173 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
My Contract Wife is the Billionaire’s Weakness

My Contract Wife is the Billionaire’s Weakness

Si Elena Marquez, isang simpleng physical therapist, ay namumuhay nang tahimik at malayo sa mundo ng mayayaman. Ngunit nagbago ang lahat nang dumalo siya sa isang charity gala ng hospital kung saan siya nagtatrabaho. Doon niya nakilala si Dr. Alexander Villareal, isang malamig ngunit makapangyarihang billionaire neurosurgeon na kilala sa kanyang talino at intimidating na presensya. Ang isang gabing hindi inaasahan ay nagdulot ng matinding attraction sa pagitan nila—isang bagay na hindi nila kayang ipaliwanag. Ilang linggo matapos ang gabing iyon, kumalat sa media ang isang scandal na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Upang protektahan ang kanyang reputasyon at negosyo, nag-alok si Alexander ng isang contract marriage kay Elena. Dahil sa problema ng kanyang pamilya, napilitan siyang tanggapin ang kasunduang iyon. Habang nakatira sila sa iisang bubong at nagpapanggap na masayang mag-asawa sa harap ng publiko, unti-unting lumalabo ang linya sa pagitan ng pagpapanggap at tunay na damdamin. Ipinakita ni Alexander ang isang side na walang ibang nakakakita—protective, intense, at possessive—habang si Elena ay unti-unting nahuhulog sa lalaking hindi niya dapat mahalin. Ngunit ang kanilang marupok na relasyon ay nanganganib nang bumalik si Veronica Alcantara, ang mapanganib na ex-girlfriend ni Alexander na determinadong sirain ang kanilang kasal. Sa gitna ng mga lihim, iskandalo, at matinding emosyon, kailangang piliin ni Elena kung lalayo ba siya… o ipaglalaban ang pag-ibig na nagsimula lamang bilang isang kontrata.
10285 viewsOngoingIdinagdag sa Library 8 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
The Billionaire's Personal Slave

The Billionaire's Personal Slave

Si Alexandra Lewis ay lumaking spoiled, mayaman, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Ngunit may isang taong hindi kailanman nagpasakop sa kanya, si Rhenan Castillo, ang anak ng kanilang labandera na matalino, masipag, at puno ng pangarap. Habang tumatagal, unti-unting nahulog ang loob ni Alexandra kay Rhenan. Ngunit hindi niya matanggap na may mahal itong iba, si Maui. Dahil sa matinding selos at obsession, gumawa siya ng kasalanang sumira sa buhay ng binata. Pinaratangan niya ito ng panggagahasa upang mapilitang pakasalan siya. Ngunit mas pinili ni Rhenan ang makulong kaysa mapunta sa kanya. Pagkalipas ng maraming taon, bumaliktad ang mundo nila. Bumagsak ang pamilya Lewis habang si Rhenan naman ay naging makapangyarihan at kinatatakutang Mafia boss na kilala bilang “El Diablo.” Upang mailigtas ang natitirang ari-arian ng kanilang pamilya, napilitang maging personal slave ni Alexandra si Rhenan. Sa loob ng mansyon nito, araw-araw niyang mararanasan ang malamig na paghihiganti ng lalaking minsan niyang sinira. Sa bawat utos at bawat gabing magkasama sila, unti-unting bumabalik ang damdaming pilit nilang tinatakasan. Ngunit habang mas lalo siyang nahuhulog kay Rhenan, mas lalo rin niyang nararamdaman na si Maui pa rin ang tunay nitong mahal. At nang mabuntis siya ng lalaki, nagsimula ang pinakamahirap niyang desisyon—manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin, o tumakas kasama ang batang bunga ng isang pag-ibig na nagsimula sa galit at paghihiganti.
10849 viewsOngoingIdinagdag sa Library 19 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Sa likod ng nagniningning na ginto at karangyaan ng Golden University, isang mapanganib na laro ng panlilinlang ang nagaganap. Si Laria, isang elite spy, ay bihasa sa pagiging anino. Upang matagumpay na maisagawa ang kanyang misteryosong misyon, pinili niyang itago ang kanyang tunay na ganda sa likod ng isang pangit at hindi kapansin pansing anyo makapal na salamin, pekeng dungis sa mukha, at isang mahiyain na personalidad na madaling balewalain ng mapanghusgang lipunan ng unibersidad. Sa paningin ng lahat, siya ay isang hamak na iskolar na walang puwang sa mundo ng mga elitista, ngunit sa likod ng maskarang ito ay isang matalas na isipan na nagmamanman sa bawat kilos ng mga nasa paligid niya. Ngunit ang katahimikan ng kanyang pag iispya ay magugulo sa pagdating ni Professor Drake. Sa umaga, siya ang misteryoso, malamig, at nakakalunod ang presensya na guro na kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Ngunit sa ilalim ng kanyang mamahaling suit at matatalas na titig, si Drake ay isang mafia billionaire na may mas malalim at madugong agenda. Pumasok siya sa unibersidad hindi upang magturo, kundi upang bawiin ang isang mahalagang pag aari ng kanyang pamilya at lipulin ang mga traydor na nagtatago sa loob ng akademya. Ang bawat leksyon sa loob ng silid aralan ay tila isang interogasyon, at bawat titig niya kay Laria ay tila unti-unting nagbabaklas sa pader na itinayo ng dalaga. Habang nagtatagpo ang kanilang mga landas sa gabi bilang mga estrangherong magkalaban sa misyon, at sa araw bilang guro at estudyante, isang matinding tensyon ang mabubuo. Sa unibersidad na binuo ng mga lihim, kailangang mag ingat ni Laria dahil ang lalaking nagmamasid sa kanya mula sa unahan ng klase ay ang siya ring lalaking maaaring maging pinakamalaking hadlang sa kanyang misyon o ang tanging makakapagligtas sa kanya.
182 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

Si Eloise Odette Biazon ay isang tahimik ngunit matatag na babae na buong pusong naglilingkod sa kompanya ng kanyang ama. Simple lang ang pangarap niya, isang lalaking magmamahal nang tapat at isang pamilyang mabubuo sa pundasyon ng tiwala. Ngunit sa gabing akala niya’y simula ng forever niya, naging bangungot ang lahat. Ipinagkanulo siya ng lalaking minahal niya at ibinenta ang kanyang virginity kapalit ng promosyon. Isang pagkakamali sa suite ang nagdala sa kanya sa ibang lalaki… kay Locklan Reed Herrera, isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto, maliban sa pag-ibig. Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang buhay ang nabuo. Nang gipitin ng mga utang ang kanyang kapatid at manganib ang kalagayan ng kanyang amang may sakit sa puso, napilitan si Eloise na harapin muli ang lalaking nais na sana niyang kalimutan. Ngunit si Locklan ay may sariling problema rin - kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana upang masiguro ang kanyang pamana at mapanatili ang kanyang business empire. Isang kasunduang may katapusan. Isang kasal na walang damdamin. Isang taon upang gampanan ang papel ng ‘perfect marriage’. Ngunit paano kung ang galit ay maging pagnanasa? Paano kung ang pagpapanggap ay mauwi sa tunay na damdamin? Sa likod ng malamig na kasunduan at mapait na nakaraan, maaaring ang puso rin ang tuluyang sumugal. At kapag dumating ang oras ng pagpili, kalayaan o pag-ibig? Handa ba silang sirain ang kontrata… para sa isa’t isa?
104.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 139 Beses bilang sa malamig sa malamig
Read
+Library
PREV
1
...
2829303132
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status