Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)
"Hindi ko na alam kung ano ang tama. Hindi ko alam kung minahal niya ako, kung minahal ko ba siya. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon, ang sakit pa rin."
Tahimik lang si Nathan, halatang iniisip ang sinabi ni Thalia. Hindi ito nagbigay ng kahit anong opinyon o panghuhusga. Hinayaan niyang mailabas ng kaibigan ang kanyang kwento.
Maya-maya, bumuntong-hininga si Nathan. "Ang bigat pala ng pinagdaanan mo, Thalia."
Napangiti si Thalia, pero halatang pilit. "Sabi nga nila, hindi lahat ng kasal may happy ending, di ba?"