Savage (Tagalog)
Samarra Blairsavage pick up lines tagalogsavage pik up lines tagalogsanity in tagalogsassy tagalog
“I insist. Sa sitwasyon mo, mas malamang na madisgrasya ka pauwi. At konsiyensiya ko pa kapag nangyari iyon. Knowing na alam kong masama ang pakiramdam mo.”
“But…”
“Don’t worry about what others will say. Wala tayong ginagawang masama. Saka uunahin mo pa ba ang iisipin ng mga mapanghusgang tao kaysa sa safety mo?”
Hindi na ako nagsalita pa. Bukod sa alam kong hindi siya mapipigilan, natatakot din akong mag-drive pauwi. Maghapon na palaging masama ang pakiramdam ko. Baka mamaya, habang nagda-drive ako ay atakehin ako ng pagkahilo. Hinayaan ko nang ipag-drive ako ni Art pauwi. Iniwan ko na lang ang sasakyan ko sa parking lot; bukas ko na lang iyon babalikan.