Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding The CEO'S Baby

Hiding The CEO'S Baby

Pagkatapos mamatayan ng kanyang fiance' ay halos malugmok sa lungkot at sakit si Timothy. Pero isang gabi na napagpasyahan niya na pansamantalang lumimot sa isang bar kung saan madalas niyang puntahan ay nakita niya ang mismong kakambal ng kanyang namatay na fiance' na si Heilena. Iniuwi niya ito sa kanila at sa labis na pagkasabik. Pero nang gabing pagkakamaling iyon ay kahit sa una at huling pagkakataon ay naramdaman niyang kailangan siya ng binata at may nangyari ngasa kanila. lena na lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon ay pawang pagkakamali lang. Lumuwas siya sa ibang bansa. Sa pagbabalik nila sa Pilipinas makalipas ng limang taon ay nagkita silang muli ni Timothy. Mabihag na kaya ni Heilena ang puso ni Timothy sa pagbabalik niya? Malaman na kaya ni Timothy na may anak sila ni Heilena? Paano kung bigla na lang nilang matuklasan na ang inakala nilang namatay nang kakambal ni Heilena na si Heilen ay buhay pa la?
Romance
10152.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.325.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
Romance
483 viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10893 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for a star

Falling for a star

Si Aliah fate Alcantara ay iniidolo ng lahat sa kan'yang talento sa pagkanta at pag sayaw. Bukod sa panlabas na kagandahan at maganda rin ang ka'yang kalooban na mas lalo siyang nagustuhan ng lahat. Bukod a diyan si Aliah ay matalino, mabait, at para sa kan'yang pamilya ay isa itong Prinsesa. Ngunit ang lahat ng 'yan ay biglang maglalaho sa kan'yang katauhan. Ang dating bituin na kumikinang ay nawalan ningning. May lihim na pagtingin si Aliah kay Kier Gavin Surez ang matalik na kaibigan ng kan'yang nakakatandang kaparid at dahil sa nakilala na niya ito ng lubusan ay minahal na niya ito. Sa kagustuhan niyang maghabol sa binata ng no'ng araw na nakatakdang umalis si Gavin upag magtuno sa America para puntahan ang kasintahan ay napahanak ito dahil nasaktak siya sa mga masasakit na salita na nasabi ni Gavin para sa kan'ya. At dahil sa pangyayaring 'yon ay nagpaka layo-layo si Aliah upang maghilom sa sakit ng nakaraan. Ito naman naman ay labis na pinag sisihan ni Gavin ng malaman ang sinapit ni Aliah ngunit huli na dahil hindi na niya ito nakita pa. Sa muling pagbabalik ni Aliah ay labis ang tuwang nadarama ni Gavin. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya ni Aliah at magawa siya nitong mahalin muli. Maibalik pa kaya ni Gavin ang kinang ng dating bituin na nagniningning na siyang tinitingala, at minahal ng lahat?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming The Heartless Racer (Gear Gods Series1)

Taming The Heartless Racer (Gear Gods Series1)

Reynang Elena
Raven Thaddeus is the older son of the Samaniego. Gwapo, babaero, at ayaw sa commitment. Lahat ng gusto niya ay nasusunod at nakukuha. Hanggang sa nakilala niya ang babaeng assistant at kaibigan ng kanyang kapatid na si Sienna. He hates her so much to the point na wala siyang ginawa kung hindi ay sigawan 'to at pagsabihan ng kung ano anong mga salita. Not until one steamy night happened na magpapabago sa kanilang buhay. When he finds out about her pregnancy, she asks Sienna to get rid of it. Bukod sa ayaw niyang magkaroon ng responsibilidad at masira ang kanyang iniingatan na pangalan ay mayroon pa siyang dahilan kung bakit ayaw niyang tanggapin ang dalawa sa kanyang buhay. Kahit na sobrang nasasaktan ang dalaga ay ginawa niya ang lahat para sa binata, para mahalin siya nito pabalik hanggang sa nalaman niya ang isa sa dahilan kung bakit galit 'to sa kanya. Her heart shattered into pieces knowing that the person she loves suffered too much. Will Sienna choose to stay by Raven's side or stay away from him? Kaya bang pawiin ng totoong pagmamahal ang sakit ng nakaraan? Will Raven find the true happiness he deserves after surviving his traumatic and painful past?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Romance

The Unwanted Romance

ol ni Samantha ang kanyang Tita Claudia. Bago ito nagsimulang maging manyakis at pasaway sa buhay. Akala mo naman mauubusan ng lalaki. At ayon sa kanyang tiyahin, ganun ang magiging peg niya pag hindi siya nag-effort na nahapin ang pana ni kupido habang bata pa siya at sariwa. Kaya nang mag alok ng business trip ang kanyang boss. Para pag aralan ang resort na pag-aari nito. Hindi siya nagdawalang isip. Sinungaban niya ito agad! Sa unang gabi palang niya sa Puerto, sa balwarte ng mga Adams ay nabulabog agad ang mahimbing na pagtulog niya. Malakas ang kabog ng dibdib na napabangon siya! Ayon kay Aldena, ang secretary ng boss niya, wala namang ibang tao sa resort maliban sa kanya! Matagal nang hindi pinansin ng mga Adams ang lugar. Kaya nagmistula itong itinakwil ng mahabang panahon. Kung ganon?. Sino ang lumikha ng ingay! Dalawa lang ang nasa isip niya. Kung hindi ito multo magnanawakaw! o di kaya’y rapest! mananakaw pa ata ang dangal niya sa lugar na ito. “Who are you?! Paasik ng lalaking nasa harap niya. Napapitla si Samantha sa lakas ng boses nito. “Ms.! Umalis kana sa resort ngayon din! Bago pa ako mawalan ng bait sayo! The man turns out to be Alfonso Son! Anak mg boss niya! Rafael Adams! Virus ata ang tingin nito sa pagkatao niya, kung ipagtabuyan siya nito para siyang may nakakahawang sakit!
Romance
10622 viewsOngoing
Read
Add to library
Mapanirang Pag-ibig

Mapanirang Pag-ibig

Yung bata na iniligtas ko noong maliliit pa kami ay lumaking isang possessive at obsessive na CEO. Sampung taon niya akong kinontrol, gamit ang sakit ng lola ko bilang pang-blackmail para pilitin akong magpakasal sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob ko—kahit anong paraan, ginawa niya,pero hindi ko siya kailanman minahal. Dahil sa sobrang galit, nakahanap siya ng babaeng halos kamukha ko para pumalit sa akin. Ipinagmalaki nila ang relasyon nila sa harap ng lahat, at may mga bulung-bulungan na natagpuan na raw ng CEO ang tunay niyang pag-ibig. Pero isang araw, dumating ang babaeng iyon sa villa kasama ang mga alipores niya, gamit ang atensyon at pagmamahal ng CEO bilang lakas ng loob. Isa-isa niyang binali ang mga daliri ko, sinugatan ang mukha ko gamit ang utility knife, at inalis ang damit ko para ipahiya ako. “Kahit nagparetoke ka pa para magmukhang ako, palalagpasin ko na ‘yun. Pero natuto ka pang magpinta nang kagaya ko? Grabe kang mag-aral! Tignan natin kung paano ka makakaakit ng mga lalaki ngayon!” Habang duguan na ako at halos mawalan ng malay, sa wakas dumating ‘yung obsessive na CEO. Hinila ako ng babae sa harapan niya at mayabang na nagsumbong, “Honey, itong babaeng ‘to ay nagtatago rito sa villa, tinatangkang akitin ka. Siniguro kong hindi siya magtatagumpay!”
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE TWIN'S EFFECT

THE TWIN'S EFFECT

Dahil sa matinding sakit at kahihiyan na inabot ni Daniela sa hindi pagsipot sa araw ng kasal nila ng groom niyang si Drewner Ramsel, ang batam-batang CEO ng Ramsel Business Conglomerate ay kaagad siyang nagtungo sa ibang bansa. Doon niya ipinanganak ang mga naging bunga ng minsan nilang pagtatalik ng binata. Ngunit sa unang kaarawan ng kanilang kambal ay kinidnap siya kasama ang isa sa kambal. Tinangka siyang patayin ngunit nakaligtas siya, iyon nga lang ay nasunog ang kalahati ng kanyang mukha. Magmula noon ay hindi na niya nakita pang muli ang isa niyang anak hanggang sa bumalik siya sa bansa ngunit sa ibang mukha at katauhan. Natuklasan niya na ang nag-iisang anak ni Drewner ay kamukhang-kamukha ng kanyang nawawalang anak kaya nagduda siyang ito ang may pakana sa pagdukot at pagtangkang pagpatay sa kanya. Ipinangako niya sa sarili na babawiin niya ang kanyang anak sa kahit anong paraan at papapagbayarin niya ang lalaki sa ginawa nito sa kanya. Ngunit paano kung malaman niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sinipot nito sa araw ng kasal nila noon at kung sino ang totoong may pakana sa mga nangyari sa kanya? May pag-asa pa bang madugtungan ang naudlot nilang kahapon lalo pa't may dalawang anak na sila at kambal pa?
Romance
1025.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Tatlong taon siyang naging mabuting asawa. Pero sa gabi ng pinaka madilim na sikreto, natuklasan ni Zoe Salvador na hindi pala siya ang mahal ng asawa niyang si Elijah Alcantara, kundi ang hipag pa nito. Sa halip na umiyak, tumalikod siya. Iniwan ang lahat—ang kasal, ang sakit, ang taong minahal. At sa paglayo niya, nakilala niya ang lalaking tunay na handang tumindig para sa kanya. Si Nathaniel Mendoza. Isang bilyonaryong lalaki… at sa kanilang pagkikita, nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Ngayon, habang siya’y nagdadalang-tao, bumalik ang ex niyang lumuhod sa harap niya. Ngunit huli na. Dahil ang babaeng minsang iniwan, ngayon ay may bitbit na bagong buhay at sa isang lalaking handang ipaglaban siya. Ngunit may pag asa pa kayang bumalik ang dati nilang pagsasama?
Romance
108.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status