Eternally
Nababasa niya ang nakaukit ngunit hindi niya naiintindihan ang latin words na nakasulat.
“Tempus et aeternum, per sanctum lumen transivi,
Apertum sit ianua aevi,
Ad praeteritum et futurum duce me,
In nomine Veritas, Fiat Lux, Fiat Tempus. Amen.”
Tila may mahinang bulong na sumasabay kay Jia habang binabasa niya ang nakaukit sa kwentas. Kinilabutan si Jia, mariing napapikit. Isang imahe ang lumitaw sa kaniyang diwa. Ang babaeng naka-blusa na madalas niyang makita sa panahon niya. Ang babaeng huli niyang nakita habang nakasakay siya sa bridal car.
Sikat na Kabanata