Maid For You
" Uhm, hindi ba nakakahiya kung sasabay ako sainyo? "
" Naku, hindi po. Isa ngang karangalan na kumain kayo dito, Miss Azami, " halos mapunit na ang labi ni Anna dahil sa malaking ngiti niya. Hindi na nito maitago ang tuwa sa mukha kaya natataranta itong nilapitan si Azami upang makamayan. " Ah, hello po, ako po pala si Anna. Sorry kung hindi ako agad nakapagpakilala sainyo, hindi kasi ako makapaniwala na kasama namin kayo sa iisang sasakyan kanina tapos ngayon, ito kayo nasa harapan ko...sobrang ganda n'yo pala sa personal. "
Bab Populer