Breaking His Law
“Siguradong mayaman ang secret admirer na ito, Madam, dahil galante siya. Isipin mo ba naman, ilang araw ka nang busy sa pag-aasikaso kina Farriah. Meron kang breakfast at dinner. Baka mamaya ay may lunch na rin! Naku, crush ko na yata ‘tong admirer mo, Madam! I’m sorry!”
Hindi ko na tuloy maiwasang matingnan ang kaniyang dala kahit hindi ko naman madalas na bigyan ito ng pakialam, pero napapansin ko na nga, mas napapadalas ang pagpapadala nito ng kung ano-ano.
Possibly, galing ito sa iba’t ibang tao. Pero ang hinuha nina Cameron ay iisa lang daw talaga ang nagbibigay.