Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Tahimik, hindi matao, at sobrang linis ng paligid.
“Beach?” gulat na tanong ni Veronica habang bumababa ng kotse.
Ngumiti si Eros habang naglalakad papunta sa reception area. “Sabi ko sa’yo, relaxation trip ‘to.”
Napatingin siya sa paligid. Ang ganda ng lugar—may mga cottage sa gilid, tahimik ang alon, at presko ang hangin.
Hindi niya napigilang mapangiti. Kahit gusto pa sana niyang magpigil, hindi niya kayang itanggi—ang sarap ng hangin, ang gaan ng pakiramdam.