The End Of Us (Taglish)
Dahan-dahang pinakalma ni Serene ang sarili at pinunasan pa ang mga mata dahil sa sobrang pagtawa niya ay muntikan na siyang lumuha.
They are really total opposites, masiyahin at madaldal si Serene habang si Calista naman ay tahimik at hindi madaldal sa iba kapag hindi niya ito kaibigan. Nagkakilala lang naman sila noong first day of class nila as freshmen in architecture, parehas silang late at hindi alam kung saan ang room 13, Serene approached her first at tinanong siya about dito at nagulat na lamang sila parehas nang malaman na same pala sila ng room, kaya ang ending sabay nilang hinanap iyon, at kalaunan ay naging magkaibigan.
ตอนยอดนิยม