CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW
Pumasok si Julienne sa cabin para ihanda ang bihisan ni Brayden. Tapos na itong maligo. Inaalalayan na lang itong umahon.
Noong unang makita niya ang itsura ng cabin na iyon, hindi mawala-wala sa kaniya ang matinding paghanga. Kumpleto kasi iyon. May malaking kama, built in cabinets, magarbong CR na may jacuzzi, at higit sa lahat, carpeted ang sahig. Sa TV lang niya nakikita ang mga ganoon dati, pero ngayon, nararanasan na niya. Ganoon nga siguro kapag pinagkakaitan ng maraming bagay, ma-a-appreciate talaga nang husto ang karangyaang tinatamasa.
Hot Chapters