Can't Be Tamed
Nanindigan naman ang ilan na manatili pa sa pag-asang magbabago ang desisyon ni Lake.
"Totoo po bang may dumating na mga kapulisan para pwersahang sirain ang ilang bahay dito sa'tin?" Ito ang kwento ni Mae kanina na tinanguan ni Nanay. "Nay, sa'n tayo titira kung mapaalis na tayo r-rito?" Gumaralgal ang boses ko sa sobrang pag-aalala dahil habang naglalakad ako kanina, may ilang sirang mga kabahayan akong nakita. Siguradong si Lake ang may pakana noon para pwersahang lumayas ang ilang kapitbahay namin.
"Baka kasi hindi sila sumusunod kay Sir Lake, anak. Ni hindi nga nila sinira ang bahay natin dahil alam nilang nagtatrabaho ka sa mansyon."
ตอนยอดนิยม