Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband
Walong taong minahal ni Marielle si Ryan at buong akala niya ay ito na ang lalaking makakasama niya habambuhay.
Pero isang pagtataksil lang ang sumira sa lahat ng pangarap niya—kasabay ng isang lihim na kayang wasakin ang buong buhay niya.
Apat na taon na ang nakalipas, sa gabing lasing ngunit masaya ang puso niya, aksidente siyang napunta sa maling hotel room at nakasiping ang lalaking hindi niya man lang nakita nang malinaw.
Buong akala niya noon ay si Ryan iyon.
Ngunit nang makilala niya si Giovanni Armani—isang malamig, makapangyarihan, at mapanganib na billionaire—unti-unting nabuhay ang mga lihim na pilit niyang kinakalimutan.
Mas lalo siyang nagulo nang mapansin niyang tila may kakaibang koneksyon si Giovanni sa anak niyang si Mikayla.
Habang papalapit siya sa katotohanan, sunod-sunod namang misteryo, kasinungalingan, at panganib ang bumabalot sa buhay nilang mag-ina.
May mga taong desperadong itago ang nangyari apat na taon na ang nakalipas… at handang gawin ang lahat para manatiling lihim iyon.
Pero paano kung ang lalaking pilit niyang iniiwasan ang siya palang tunay na ama ng kanyang anak?
At paano kung ang gabing itinuring niyang pinakamalaking pagkakamali… ang siya palang magsisimula ng pinakamapanganib at pinakamalalim na pag-ibig sa buhay niya?