Under My Father In-Law's Touch
Sumilip ako sa kama pero wala si Zaitan doon, sumilip rin ako sa cr pero wala rin siya…
San naman kaya yung taong yun?
Inisip ko na lang na baka hindi siya dito sa kuwarto dumeretsyo kaya naman nilibot ko na lang ang tingin ko sa buong kuwarto. Ngayon ko lang mapagmamasdan ito ng maayos. Tumayo ako at lumapit sa bar counter, hind ako pamilyar sa mga alak na nakadisplay kaya naman lumapit nalang ako sa bookshelf kung saan may iilang libro na nakadisplay. Inisa isa kong tinignan ang mga libro mula sa cover hanggang sa loob. Puro english novel, yung iba di ko alam kung para saan, hanggang sa may makita akong maliit na libro. Na-curious ako kaya binitawan ko ang hawak kong isang libro nang hilai