Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving the Zillionaire

Loving the Zillionaire

Para kay Vivianne Loresco, ang makilala si Zeke Connor ang pinaka kasumpa-sumpang pangyayari sa buhay niya. Kahit hindi niya pa nakikita ito sa personal, alam niya nang magiging miserable ang kaniyang buhay sa oras na maitali siya rito. Pero wala siyang ibang mapagpipilian kung hindi ang magpakasal sa kaniya, alang-alang sa kaniyang Lola na may sakit. Kailangan niya ng malaking halaga para sa operasyon nito, at mangyayari lang 'yon kung magpapakasal siya kay Zeke Connor—known as the ruthless and merciless Billionaire. Ngunit isang buwan bago ang kanilang kasal, sa kaniyang trabaho, nakilala ni Vivianne ang isang CEO na walang ibang ginawa kung hindi ang i-pamper siya. Pilit niyang nilalabanan ang tukso na huwag mahulog ang loob sa CEO na ito dahil kahit hindi niya mahal ang kaniyang fiancé, nakatakda pa rin silang ikasal sa isa't isa. But what if THIS POSSESSIVE CEO IS THE PERSON SHE'S GOING TO MARRY?! Her future HUSBAND?! Alam niyang malaki ang galit ni Zeke sa kaniya dahil magpapakasal lamang siya para sa pera. Ngunit bakit ngayon ay pinagkakagastusan pa siya nito sa kahit ano'ng layaw niya? Hindi ba alam ni Zeke na si Vivianne ang taong pakakasalan niya? O pinaglalaruan lang siya nito?
Romance
10439 viewsOngoing
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1020.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
CAPTIVATED: AKIHIKO HARU CANTILEJO

CAPTIVATED: AKIHIKO HARU CANTILEJO

D_NABANANA
Dion Clamente is a simple girl. She's in between of being an introvert and extrovert. She likes watching k-drama and anime. Pero sa lahat ng hobby niya sa buhay, ang panonood ng tiktok videos ng paborito niyang creator ang isa sa pinakapaborito niyang gawin. Wala siyang oras na pinapalagpas para makanood lang ng tiktok vids. Sa dinamidami ng creator at voice actors na naglipana sa buong social media ay isa lang ang nakakuha at nakaangkin ng interes at damdamin niya. At yun ay si Aki Hitoko. Pagkadinig pa lang niya sa boses nang lalaki ay may naramdaman siyang emosyon na di niya maipaliwanag. Sa baritono nitong boses ay para siyang hinihipnotismo. Sa bawat bigkas nito ng mga salita ay parang mawawalan siya ng diwa na para bang papanawan na siya ng ulirat. Di niya pa ito nakikita at tanging boses lang ang kilala niya pero isa lang ang alam niya, she's already into him. She's been captivated.
Romance
838 viewsOngoing
Read
Add to library
It's Always Been You

It's Always Been You

Wala sa plano ni Francyn na pumayag sa pustaan ng mga kaibigan niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya napapayag ng mga ito gayong hindi naman niya ugaling manloko ng tao para lang makaganti ang kaibigan niya sa lalaking nangloko dito. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana sa kaniya. Kung si kupido nga nagawang panain ang puso ng mga sawi siya pa kayang ni minsan hindi pa naranasan paano ang magmahal. Paano kung siya mismo ang mabiktima ng kalokohan ng mga kaibigan niya. Paano kung siya mismo ang mahulog sa lalaking akala niyang nanakit sa kaibigan niya. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para sa isang kaibigan? O susugal siya sa pag-ibig na ngayon lang niya naramdaman.
YA/TEEN
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ZARCHX MONTENEGRO

ZARCHX MONTENEGRO

[𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐋𝐓𝐎𝐍 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 2] Natashira Amary Fuentabella, is a kind, soft-hearted lady who love her parents to the moon and back. She's a good daughter would do everything for her family even to marry the hottest, heartless, CEO of the Montenegro Corporation named; Zarchx Montenegro. Hindi madali para sa kaniya ang kanilang pagsasama dahil palaging ipinaparamdam sa kaniya ni Zarchx kung gaano siya nito ka hindi gusto at sa mata nito isa siyang daga na hinain ang sarili sa isang mabangis na Leon. Suntok sa buwan para kay Amary na ibigin siya ng isang Zarchx Montenegro ngunit sinong mag-aakala na ang pagmamahal niya sa asawa ay kaya nitong suklian ng higit pa. Ngunit paano kung dumating ang isang trahedya na magpapabago sa kanilang buhay? Ang pusong nagmamahal ay hindi madaya. Ngunit paano kung nakalimot ang isipan ay tinatraydor na ng mga alala? Minsan may mga taong pinipilit na maging madaya para sa pagmamahal na hindi na tama. Ngunit paano kung sa tagal na panahon ang lumipas muling magtagpo ang landas niyo ng taong inakala mong patay na at may sarili ng pamilya. Ano ang kayang gawin ng dalawang taong nagmamahal?
Mafia
1015.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

MissKeunna
Damon Hidalgo, marinig pa lang ng tao ang pangalan nya ay alam na agad nila kung ano ang kayang gawin ng lalaki. Matalino, magaling sa negosyo, at halos lahat ng kababaihan ay nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon ng lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat na kabila ng magandang reputasyon nito ay ang lihim na pagkahumaling nito sa isang babae. Czariyah Ladesma, ang babaeng sumusubok sa kanyang prinsipyo. Hindi din lubos maintindihan ni Damon kung bakit sa dinami dami ng babae ay sa step sister pa nya sya nahihibang. Alam nyang mali pero hanggang saan ang kaya nyang tiisin para hindi maangkin ang babae?
Romance
564 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
Romance
10733 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status