Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
SECRET AND LIES WITH YOU

SECRET AND LIES WITH YOU

Paano kung ang dating conservative, probinsyana at mahiyain na dalaga ay naging palaban sa buhay para sa kanyang anak na may sakit sa puso. Dahil sa kahirapan ay tinanggap niya ang alok ng kanyang kaibigan na maging regalo sa stag party ni Randell Gomez. Kinuha ang serbisyo niya para paligayahin ang groom sa buong magdamag. Dahil sa kahirapan at bagong salta sa maynila ay tinanggap niya ang alok. Makalipas ang limang taon nagbalik si Quinette para mamasukan bilang personal nurse ni Don Miguel. At muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking ama ng kanyang anak. Paano kung malaman nito na may anak sila at ama nito ang kanyang amo. Ipapakilala ba niya kay Randell ang kanilang anak para hingian ng tulong upang maoperahan sa puso ang bata. Maniniwala ba si Randell at paano kung may asawa na ito. Muli man nagtagpo ang mga landas nila Quinette at Randell. Inilihim pa rin niya ang kanyang anak at nag makaawa siya na huwag tanggalin sa trabaho dahil kailangan niya makaipon ng pampaopera. Gumawa ng kontrata ang binata kapalit ng pagpapahiram nito ng pera sa dalaga. Paano kung malaman ng binata na anak pala niya ang ooperahan sa puso at matatanggap ba niya ang bata kung bunga ito ng kanilang pagtataksil noon sa dati niyang nobya. Kaya pa ba niya magmahal muli at mapapatawad din ba siya ni Quinette sa mga pagpapahirap niya sa dalaga. Lalo na sa paglalaro sa damdamin nito, na akala niya ay isang bayarang babae.
Romance
1027.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Accidentally carrying the billionaire's TWINS

Accidentally carrying the billionaire's TWINS

Isang surrogate mother si Tiffany at iniwan ang sanggol sa kaniya. Malalaman niya na ang nobya ni Seth(boss niya) ang siyang nag iwan sa kaniya ng sarili nitong anak. Nunit wala siyang kaalam alam na ang kambal na iyon ay sarili niyang anak sa boss na si Seth dahil pinagpalit ni Aurelia (nobya ni Seth) ang sperm nito sa kalaguyo para sa kanila mapunta ang kayamanan nito. Gagawin ni Aurelia ang lahat para lang mabura sa landas ang tunay na anak ni Seth ngunit hindi iyon hahayaan ni Tiffany. Ngunit hanggang saan niya kayang ipaglaban ang mga batang buong akala niya ay hindi niya anak? Hanggang saan din ang kayang ipaglaban ni Seth ang pagmamahal niya para kay Tiffany gayong ayaw siyang pakawalan ni Aurelia?
Romance
1013.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
Romance
1013.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Forbidden Love

The CEO's Forbidden Love

Si Dolly ay ordinaryong babae—breadwinner at pangalawa sa magkakapatid. Lumuwas siya sa Maynila para makahanap ng trabaho at tuparin ang pangarap niyang maging guro, dala ang bigat ng iniwang pamilya matapos talikuran sila ng ama dahil sa pangangaliwa. Hindi niya alam na ang simpleng buhay niya ay magtatagpo sa mundo ng kayamanan, kapangyarihan, at panganib.Si Harwinn Damonier ay mafia CEO at anak ni Ravazzo Damonier, ang founder ng Eclipsis Consortium—isang global empire na charitable sa publiko pero illegal sa likod ng mga pinto. Sa simula, wala siyang pakialam kay Dolly. Ang kanilang kasal ay kasunduan lang, pinilit ng ama ni Harwinn para mapanatili ang kapangyarihan ng pamilya at ang seguridad ng Consortium. “No distractions. Work is everything,” Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit si Dolly, sa kanyang stubbornness at matibay na puso, unti-unting binago ang malamig na mundo ni Harwinn. Mula sa asaran, ragebaiting, at matinding pagtatalo, napagtanto niya na may nararamdaman siya—isang damdaming hindi niya dapat aminin. Lahat ay maayos hanggang sa nalaman ni Dolly ang engagement ni Harwinn kay Natavalya Solaris, anak ng powerful Solaris family at intended bride para palakasin ang Consortium. Heartbroken, tumakas siya—hindi alam na buntis na pala siya. Sa dalawang buwan ng pagtatago at lungkot, napasakamay siya ng isang grupo na may utang na loob kay Jadraque Solaris, na plano gamitin siya para pilitin si Harwinn sa kasal kay Natavalya. Ngayon, nakatayo si Harwinn sa pagitan ng puso at kapangyarihan, habang ang kanyang mahal, si Dolly, ay nasa panganib. Isang mafia empire, isang forbidden love, at isang hindi inaasahang bata—maaaring magbago ng lahat.Makakaya kaya nilang labanan ang kasalanan, kapangyarihan, at dugo ng pamilya para sa kanilang pagmamahalan? O mawawala ang lahat sa dilim ng kanilang nakaraan at ng mundo ng mafia?
Romance
10140 viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Temptation

Dangerous Temptation

snowqueencel
Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod roon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kaniya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kaniyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot hanggang sa kasalukuyan. Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kaniyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kaniya. Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kaniya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kaniyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala. Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kaniyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito? Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kaniyang puso? O magsisilbi niya itong sandigan para sa mga paparating pa lamang na pagsubok?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Miren's Blood

Miren's Blood

Isang simpleng College Student at hindi naniniwala sa bampira, werewolf at iba pang lamang lupa si Miren. Para sa kanya isa lamang itong guni-guni o kathang-isip na lamang ng mga tao. Hindi siya naniniwala sa mga iyon. Nagbago ang lahat ng malaman niyang tinakda siyang maging katipan ng susunod na hari sa mundo ng mga bampira. Papayag ba siya ikasal sa Hari ng mga Bampira o gagawin niya lahat para maputol ang nasa propesiya.
Fantasy
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Solace in His Embrace

Solace in His Embrace

PortalMentis_
Kilalanin si Maria Gabriella “Gabby” Villa isang artista na namamayagpag sa kanyang karera. Sa kabila ng kanyang ngiti, nakakubli roon ang kalungkutan na hindi niya hahayaang makita ng iba. Ngunit paano niya ipagpapatuloy ang pagpapanggap na masaya kung madali iyong nasisilip kanyang mga mata? Nakasentro ang atensyon ni Conrad Javier Jinx sa kanyang pamilya at araw-araw na training sa MMA. Marami siyang pangarap na gustong matupad para sa kanila. Sa pagdating ni Gabby sa kanyang sa kanyang buhay, handa niya bang ipagpatuloy ang kanyang pangarap o kalilimutan ito para sa dalaga? Nang dahil sa isang aksidente, itinadhana na pagsamahin sila sa isang lugar sa loob ng ilang buwan. Makakaya pa ba nilang ignorahin ang nararamdaman ngayong nakita nila ang kasiyahan sa bisig ng isa't isa?
Romance
10921 viewsOngoing
Read
Add to library
Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion

Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion

She's willing to sacrifice everything for her father's freedom and safety. Kaya niyang suungin ang kahit na anong pagsubok upang maging masaya ang ama kahit ang kapalit niyon ay pagbaba ng kanyang pagkababae. Funny, but she's willing to be a whore para maging malaya ang ama. Ibenta man ang sarili sa kahit na sinong lalaki ay kaya niyang gawin. Her father committed a crime, it was self-defense, pero sa tulad nilang mahirap ay walang maniniwala sa bagay na iyon. Kaya naman ibeninta niya ang sarili sa isang abogadong nangakong tutulungan siya sa kaso ng ama. Handa siyang sikmurain na ipagamit ang katawan para sa kapalit nitong tulong, ngunit dahil sa sariling katangahan ay namali siya ng taong pinagbigyan ng sarili. Nakipagnaig siya sa estranghero na akala niya ay ang attorney. Ang tanging baraha niya para sa kalayaan ng ama ay naglaho na parang bula. Paano na niya maililigtas ang ama gayong ang kanyang kaberhinan ay wala na? And damn her for the second time, Six Castillion is the name of the guy na siya ring pinsan ng amo niya.
Romance
5.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Coldhearted Mafia and His Triplets

Coldhearted Mafia and His Triplets

Hindi kailanman inakala ni Sydney Mendez na mapipilitan siyang tumakas mula mismo sa pamilya niya habang buntis—walang pera, walang koneksyon, at may tatlong buhay na lumalago sa sinapupunan niya. Deceived and robbed of the inheritance that was rightfully hers, she must gather all her strength to survive and reclaim everything that was taken from her. Isang maysakit na anak, isang dating pag-ibig na muling nagbabalik, isang misteryosong estranghero, at isang pamilyang galit na galit sa kanya ang huhubog sa laban ni Sydney para sa hustisya at para sa kanyang sariling buhay. From pain and betrayal, her fight for strength and a new beginning will begin.
Romance
293 viewsOngoing
Read
Add to library
KISMET

KISMET

Sabi nila, may isang taong nakatadhana sa atin. Isang tao na siyang inilaan para makasama natin sa habang buhay pero hindi nila nabanggit na bago natin mahanap ang tamang tao para satin ay makakatagpo muna tayo ng mga tao na aakalain nating " siya na" peor hindi pa pala. Mga taong aakalain nating nakatadhana satin pero namamalikmata lang pala tayo pero kahit anong mangyari isang lang ang totoo....sa dinami-dami ng taong makikilala natin sa buhay natin, makikita padin natin kung sino talaga ang nakatadhana para sa atin.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status