That Summer...the Rain Pours
Kung kaya, iginapos muna siya nito at binusalan ang bibig.
Maaga pa naman at sikat na sikat ang haring araw ngunit wala pang tulong na dumarating. Pagkatapos ng lahat lahat ng hirap na ininda niya? Apat na taong nag-aral sa kolehiyo upang magpakadalubhasa sa kursong kanyang kinuha, halos isang taon na nag-review, kumuha ng Licensure Examination for Teachers(LET). Nang makapasa ay nagpa-ranking, katakot-takot na proseso ang pinagdaanan niya, may interview, may demonstration, may validation of skills, may English Proficiency Test at pagproseso ng mga dokumentong kinakailangan upang makapagpasa ng lahat ng requirements upang makapasok sa isang public school at upang maging isang ganap na guro.
ตอนยอดนิยม