Billionaires True Love
Isa pa ayaw kong sirain ang bakasyon nila Mommy.
"Nakasunod lang ako kay Roldan hangang sa makapasok kami ng loob ng bahay. Katulad sa aming mansion, kitang kita ang kasaganaan sa loob ng bahay base na din sa mga dekorasyon na nakalagay sa loob. Kulay ginto ang mga nakadisplay. Sobrang ganda din ng kanilang chandelier. Kung maganda ang Villarama Mansion, tingin ko mas maganda ang bahay nila Ninong Roldan. Para akong nasa loob ng palasyo. Kahit saan ako lumingon puro kaalwan sa buhay ang aking nakikita. Sabagay nabanggit naman nila Mommy at Tita Roxie na mayaman naman talaga ang pamilya ni Ninong noon pa. May ibat iba silang hawak na negosyo at tumanda na sa pulitika ang Daddy nito.