The Zillionaire's Abandoned Wife
Hindi man siya nagsasalita, palihim niyang sinusulyapan ang asawa tuwing tumatawa ito sa mga bata, at iyon na lang ang tanging musika na gusto niyang marinig, mas higit pa sa kilalang musical show ng Disneyland.
Sa sandaling nag-light dim na ang kulay ng kalangitan matapos lumubog ang araw, unti‑unting napuno ng maliliit na laser light ang langit, kulay pink, lilac, at champagne gold.
Sumayaw ito habang tumutugtog ang soft medley ng Disney love songs. “Can You Feel the Love Tonight,” “A Whole New World,” “Beauty and the Beast.”
Ang bawat nota ay tumatagos sa damdamin ng sinumang nangangarap ng isang puro at romantikong pag-ibig.