ACCIDENTALLY IN LOVE
"You have signature dresses, pero tingnan mo, pati damit nahirapan kang bagayan. Tingin mo bagay sa'yo yan?"
"Watch your words!" She shouted.
"Wag na wag mo akong ma watch your words Veronica," I said raising my right brow. Sobrang kalmado lang ng boses ko, hindi katulad niya na halatang inis na inis na. Sa totoo lang, kanina pa kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa sinabi niyang mas pinili siya ni daddy kaysa sa akin.Nagtitimpi lang ako dahil ayokong mag mukhang talunan. "Wag na wag mong gagamitin ulit saakin yang linya mong watch your words. Baka nakakalimutan mo, nung huling sinabihan mo ako niyan muntikan na kitang kinalbo."