Under My Father In-Law's Touch
Medyo malayo na kami sa karamihan ng mga turista, kaya unti-unting bumalik ang pamilyar at tahimik na kumportable sa pagitan naming dalawa.
"Ang ganda rito," mahinang saad ni Roxie habang nakatingin sa nagtataasang mga puno. "It’s so quiet. Walang ingay ng sasakyan, walang... pressure."
"Sinabi ko sa'yo, masarap mag-roadtrip, kahit for research lang" nakangiting sagot ko habang kinukunan siya ng litrato nang hindi niya napapansin. Pagkababa ko ng camera, nagtama ang mga mata namin. "Kumusta ka? I mean...maayos ka naman bang nakaalis kaninang umaga."