MULA SA SIMULA ng relasyon nila hanggang dulo, walang kakayahan si Bethany upang lumaban kay Albert gaya ng pagmamahalan nilang unti-unting naglaho at nawala. Nilingon niya si Albert gamit ang mga matang puno ng labis na poot. Binitawan na siya ni Albert.
“Gusto mong maka-close si Gavin Dankworth? May abilidad ka ba ha? Mataas ang standard niya pagdating sa mga babae at hindi siya mabilis ma-involve sa mga babae. At isa pa, naninigas ang katawan mo kapag n*******n ka. Matatagalan mo ba ‘yun lalo na kapag tatanggalan ka na ng suot niyang damit?”
Ayaw makita ni Bethany ang mukha ni Albert kung kaya naman pinanatili niya ang mukhang nakayukod dito.
“Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Wala namang kinalaman ito sa iyo, kaya wag ka na lang makialam.”
Mataman siyang tiningnan ni Albert.
“O baka naman hindi mo ako makalimutan kung kaya ginagawa mo ito? Intensyon mong makipaglapit sa future brother-in-law ko para lang makaganti ka sa akin? Sa tingin mo may pakialam ako?”
Umasim na ang hitsura ni Bethany, masamang tiningnan si Albert.
“Alam mo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito Albert! Kung hindi mo sana na-frame up ang Papa ko, sa tingin mo makikita mo ako dito? Wala akong pakialam kung sino pang mang babae ang pakasalan mo! Huwag ka ngang masyadong feeling diyan, Albert!”
Napaawang na ang bibig na tiningnan siya ng mataman ng lalake. Pinilit na ni Bethany ang sarili na titigan na sa mata ang lalake, ayaw niyang maging mahina sa paningin ng dati niyang kasintahan.
“Huwag ka ng magkaila, Bethany. Kilala kita. Alam kong ginagawa mo ang mga bagay na ito dahil gusto mo lang akong sundan. Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot!” pagkasabi noon ay padabog niyang binuksan ang pinto at saka umalis.
Ang marangyang pintong yari sa kahoy ay malakas na humampas ng bitawan niya na ‘yun. Nanghina na ang dalawang binti ni Bethany, napasandal na siya sa pader habang mabagal na bumabagsak ang luha.
Napakawalang hiya talaga ng dati niyang kasintaha. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa lalake, iyon lang ang igaganti sa kanya? Apat na taon ang relasyon nila, sa apat na taong iyon ay ginawa niya ang lahat tapos ito lang ang magiging balik? Sa mga sandaling iyon lang din napagtanto ng babaeng ginamit lang siya at pinaglaruan ng lalake. Wala naman talaga ang lalakeng planong pakasalan siya mula pa sa simula.
“Bethany…”
Marahas na pinalis ng dalaga ang mga luha sa mukha niya nang marinig ang tinig ng kaibigan niya.
“Ayos ka lang ba? Labas na diyan.”
“Hmmn, t-teka lang…”
Inayos muna ni Bethany ang hitsura bago siya lumabas at magpakita. Nakita niya doon si Rina at ang asawa nito, hindi lang ‘yun. Nasa labas din nito si Gavin Dankworth. Nakapagpalit na ng damit ang lalake sa navy blue shirt at bagong plantsang gray slacks. Ibang-iba na ang aura at itsura ng binata ngayon.
Bakas na ang takot at pag-aalala sa mukha ni Rina, subalit hindi naman niya mabanggit ang tungkol sa ex-boyfriend ni Bethany dahil naroon kasama ang asawa at ang abugado.
“Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi pwedeng maglaro.” anitong pilit na pinasigla na ang tinig.
“Oo, totoo ‘yun. Sa sunod na lang natin ituloy kapag may pagkakataon ulit.” sang-ayon ng asawa ni Rina, bumaling pa ito kay Gavin. “Attorney Dankworth, pwede bang sumabay na lang sa’yo si Bethany? May iba pa kasi kaming dadaanan ng asawa ko. Ayos lang ba ‘yun?”
Tiningnan na ni Gavin si Bethany, nakita niya ang bakas ng pamumula ng mga mata nito. Iginalaw niya ang dalawa niyang balikat at ngumiti.
“Sige, walang problema.”
Napahinga na ng maluwag si Rina. Gusto sana niyang isama ang kaibigan pero baka matagalan sila. Wala namang choice si Bethany kundi ang sumunod kay Gavin dahil nahihiya rin siyang maging abala sa kaibigang si Rina at sa asawa nito.
Malakas ang bugso at ihip ng hangin, panaka-naka rin ang kislap ng kidlat sa langit at mga pagkulog. Walang bubong ang parking lot at pumunta doon si Gavin para kunin ang dala nitong sasakyan. Pinili na lang niya na hintayin ang abugado. Ilang beses sinipat ni Bethany ang langit, kung gaano nito kainit kanina ay siya namang lakas ng ulan ngayon. Maya-maya pa ay huminto na sa di kalayuan kay Bethany ang sasakyan ng abugado. Kaparehong sasakyan ‘yun na naghatid sa kanya noon. Tumakbo na palapit doon ang babae habang nasa ulo ang dalawa niyang palad. Wala siyang payong at nahihiya naman siyang magsabi kay Gavin na sunduin siya sa tinatayuan. Unti-unting nabasa ang suot niyang damit ng malalaking patak ng ulan.
Hindi na mapigilan ni Bethany na makaramdam ng hiya pagkapasok ng sasakyan. Nag-aalala siya na baka magalit ulit sa kanya si Gavin. Ilang tingin lang ang ginawa sa kanya ng abugado at kapagdaka ay pinaandar na nito ang sasakyan.
Ang golf course na kanilang pinuntahan ay nasa tuktok ng bundok kung kaya naman ilang ikot ang ginawa ng sasakyan doon bago pa sila makarating sa pinakaibaba. Bukas ang aircon ng sasakyan kung kaya naman maya-maya ay hindi na mapigilan ni Bethany na ginawin, ilang saglit pa ay namutla na ang labi ng dalaga sa sobrang lamig dito.
Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Gavin. Habang naghihintay sila na maging green ang red light, kinuha ng binata ang jacket sa likod at inihagis na niya ‘yun kay Bethany.
“Isuot mo!”
Mahinang nagpasalamat si Bethany at nagkukumahog na sinuot na ‘yun. Mabilis iyong nagbigay ng init sa balat niya na nananayo na ang balahibo kanina. Hindi pa rin pinatay ni Gavin ang aircon. Nanatili lang ang mga mata ng lalake sa kalsada.
Lumakas pa ang buhos ng ulan kung kaya naman mas humaba pa ang traffic na kanilang naabutan. Hindi halos umusad ang mga sasakyan na patuloy na naliligo sa buhos ng ulan.
Dala ng pagka-bored ay kinuha ni Gavin ang pakete ng sigarilyo sa bulsa, kumuha siya ng isang stick, inilagay sa bibig at sinindihan ‘yun. Humithit na siya doon, ilang sandali pa ay ibinuga niya na ang usok nito.
“Gaano katagal naging kayo ni Albert?”
Bahagyang nagulat doon si Bethany pero nagsabi pa rin siya ng totoo.
“Apat na taon.”
Na-surpresa doon si Gavin, pahapyaw na sinulyapan niya ang mga hita ni Bethany. Makikita sa mata ng binata ang nakatagong pagnanasa sa makinis na kutis nito.
“Sa ganun katagal na panahon, ilang beses na kayong nagsiping na dalawa?”
BAHAGYANG NATAWA NA roon si Giovanni, somehow na-miss niyang may tumatawag sa kanya ng Governor Bianchi. Tumango lang siya at kinuha na rin ang pagkakataong mag-congratulate.“Thanks, Governor Bianchi. Sayang, hindi ka nakasama at ang mga kiddos niyo.” Muling naalala ni Giovanni ang kagustuhan niyang sumama ngunit hindi niya ipinakita sa mukha. Hindi naglaon ay nagpaalam na si Briel. Pinayagan naman siya ni Giovanni. Inisip niya na malaki ang tiwala niya kay Briel kaya ano ang ipinag-aalala niya? Dapat siyang mapanatag lang. “Marami pang pagkakataon. Pag-uwi mo dito sa bansa, pwede mong makita ang mga bata.”“Kaya nga, Governor Bianchi. O siya, maiwan ko muna kayo Briel at iikot lang ako.” Habang naroon si Briel sa Brazil ay nag-plano na lang si Giovanni ng maaari nilang gawin pagbalik nito ng bansa. Aayain niya silang umakyat ng Baguio? Tama, iyon na lang ang gagawin niya tapos bababa rin naman sila dahil magbubukas siya ng branch at opisina sa Batangas ng sa ganun ay maging mala
NATAWA NANG MAHINA si Gavin sa pagiging obsessed ng tiyuhin ng asawa sa kanyang kapatid. Napatingin na ang mga kasama sa kanya. Nakikita niya kasi ang kanyang sarili dito, late bloomer nga lang si Giovanni sa pagiging obsessed. Ganun pa man ay natutuwa naman siya sa nangyayari. Ibig lang sabihin ay mas nagmamahal ngayon ang dating Governor kumpara sa kanyang kapatid.“Hayaan niyo na sila, iyan ang gusto eh.” pagkunsinti niya dito na agad ikinatingin nang masama ng asawa niyang si Bethany sa kanya, may pag-irap pa nga itong nalalaman ng ‘di pagsang-ayon. “At kapag nagkasakit ka Tito pagbalik niyo? Sinong mahihirapan?” si Bethany na tutol din doon, kinakailngan niyang sabihin ang maaaring mangyari dahil mukhang hindi yata naiintindihan. “Marami pa namang pagkakataon upang makapamasyal kayong mag-anak. Hindi lang ngayon.” Napanguso na si Briel sa hipag sa ginagawa nitong pagtatanggol sa kanya. Iyon din ang pinapaintindi niya. Baka sa halip na maging masaya ang bakasyon nila, maging ma
HINDI NI BRIAN matandaan. Paano kasi naagaw ang buong atensyon niya ng pamilyar na imahe ng bata sa labas ng bintana ng kinaroroonan nilang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali. Parang iyon ang batang sinugod niya sa hospital na nabalian ng binti noong nasa Baguio sila. Iyong batang kinamumuhian niya nang sobra dahil sa inaagaw ang Daddy nila. Lingid sa kanyang kaalaman na si Ceska nga ang batang iyon, nasa Maynila na sila ulit na piniling doon na mag-aral ang bata habang nagpapagaling. Bumaba na sila ng Baguio at sa villa na ulit na binili noon ni Giovanni nakatira. Malapit lang iyon sa kanilang villa at nina Gavin.“Di ba? Hindi mo masagot dahil hindi ka naman talaga nakikinig!” akusasyon pa ni Gabe na biglang uminit na ang ulo, “Ano ba kasing tinitingnan mo sa labas ha? Ngayon ka lang ba nakakita ng maraming tao?” “Gavina?” saway agad ni Gavin sa anak na napakalakas mang-alaska, harap-harapan itong nangbu-bully. “Oh, I knew it! You must be looking at the pretty girl on the whe
WALANG NAGAWA DOON ang dating Governor kung hindi ang tumango bilang pagsang-ayon niya. Ang ending walang naging katabi si Giovanni dahil nang dumating ang extra bed na hiniling nila ay sumiksik si Gia sa kanyang ina at kapatid. Malungkot ang mga matang pinanood lang sila ni Giovanni habang nagre-ready na mahiga na doon. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Briel na lihim na nagdiriwang. Siya pa rin sa bandang huli ang nagwagi sa kanila.“Say goodnight na to Daddy mga anak.” himok pa ni Briel na agad naman nilang sinunod na magkapatid. “Ayaw ba talaga akong tabihan ng isa sa inyo?” ma-dramang tanong ni Giovanni sa mag-iina habang nakaupo pa rin sa ibabaw ng kanyang kama, pilit na pinapaamo at nagpapawa ng kanyang mukha.Sabay na umiling ang dalawang bata. “Si Mommy ang gusto naming katabi, Daddy.” si Brian na parang sampal sa mukha niya.Tumawa lang si Briel sa mas sumidhi pang panghihinayang sa mukha ni Giovanni. “Dapat pala mas malaking kama ang sinabi natin para diyan na r
NAPUNO PA NG tawanan ang loob ng silid. Namula naman ang buong mukha ni Briel sa hiya. Pagkaraan ng ilang oras ay nagpaalam na rin ang grupong bumisita na aalis na rin sila. Hinatid sila ni Briel sa may pintuan lang. Pagkatapos noon ay hinarap na niya ang mga naiwang kalat sa loob ng binagyo nilang silid. Syempre may dalang pagkain ang mga ito na kanilang pinagsaluhan na nag-iwan ng maraming mga kalat. “Brian, Gia? Gusto niyo ba ng fruits? Ipagbabalat ko kayo.” basag ni Briel sa katahimikan, matapos maglinis. Maligayang tumango ang dalawang bata kay Briel na nagagawa ng maghabulan paikot ng silid. “Ako Briel, hindi mo tatanungin? Gusto ko rin ng fruits.” pababe na sambit ni Giovanni na ikinatawa lang ni Briel matapos na lumingon habang naiiling sa kalokohan nito, “Biased ka ha!”Habang kumakain sila ng prutas ay dumating ang doctor upang i-check na naman ang lagay ni Giovanni.“Aba, mukhang bibilis ang paggaling mo nito Mr. Bianchi ah? Ang daming nagmamahal sa’yo.” biro nitong nabu
ORA-ORADANG INAMBAHAN NA ni Bethany ng sapak si Gavin na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi sa kanyang tiyuhin. Tumawa lang ang lalaki sa asawa na agad hinuli ang palad upang yakapin lang doon. Pumalag naman si Bethany na pinandilatan na ito ng mga mata. “Bakit ikaw? Sa tingin mo hindi ka rin tumatanda? Tumatanda ka na rin, hindi mo lang pansin.”“Kaya nga,” sang-ayon ni Briel na lumabas na naman ang pagiging maldita. “Kabayo lang kaya ang tumatanda. Masyado mong dini-descriminate sa edad niya ang ama ng mga anak ko ah?” Tumawa lang si Gavin na itinaas an ang dalawang kamay bilang pagsuko. Dalawang babae ang kalaban niya. Wala siyang back up kung kaya naman kailangan na niyang itigil ang panunudyo.“Oo na, baka mamaya patawagin mo na naman ako sa’yong Tita Briel.” Hindi na rin gaanong nagtagal ang mag-asawa doon na hinatid pa ni Briel sa may pintuan ng silid. Naiwan na naman sila ni Giovanni sa gitna ng katahimikan. Tulog pa rin ito. Tumawag si Conrad upang mangumusta lang.