Josephine's Pov
"Lumayas ka dito!!! Ayoko nang makita pa ang mukha mo dito sa pamamahay ko!" Ipinagtatabuyang sigaw ng nanay ko sa akin. Walang bahid ng pagsisisi ang mababakas sa kanyang mukha.
"Mama! Maawa ka sakin, wala akong mapupuntahang ibanv lugar..."
"Sana naisip mo 'yan bago ka gumawa ng milagro sa likod namin ng Papa mo!"
"Mama naman... Pano ko bubuhayin 'tong batang 'to? Maawa naman kayo ni Papa....."
"Alam mong ayaw namin ng kahihiyan ng Papa mo pero ginawa mo pa rin! Magdusa ka ngayon!"
"Mama, Papa, please let me stay.... Apo nyo 'tong dinadala ko.... Maawa naman kayo sa amin... Kawawa yung anak ko kapag nagkataon..."
"Sorry, Josephine. Ayoko sanang magsalita para tumutol sa ginawa mo pero mukang kailangan ko ngayong magsalita. Nag-iisang anak pa naman kita binigyan mo pa ko nang kahihiyan! Ano na lang ang magiging tingin sakin ng mga tao?? Walang kwentang ama sa kaniyang anak na may anak na bastarda? Paano na lang 'yung matagal ko nang pinangalagaan na reputasyon knowing na Mayor ako rito sa bayan natin." walang emosyong sabi ni Papa saka ako tinalikuran.
"Mas uunahin nyo pa yang walang kwentang reputasyon nyo kaysa sa amin ng apo nyo? Anong kwenta mo at naging magulang pa kita!" Alam Kong Mali ngunit dala ng bugso ng galit, nagsisisi pa rin ako pagkatapos Kong masabi iyon.
Masyado nang masakit eh, hindi ko na kinaya pang magpigil pa. Oo, hindi nila ako pinalaking palasagot sa kanila kasi nga napakabait nila, napakahuwarang magulang sa lahat ng magulang dito sa bayan namin. Ngunit iyong ipagtatabuyan kami ng anak kong walang muwang? Ibang usapan na 'yan kahit nga ba sabihin pang 'isang disgrasya' lang ang lahat...
Napatungo na lang ako sa kawalan.
Manhid sa mga salitang ibinabato sakin nila Mama at Papa.
Hindi ako ganito. Kahit kelan hindi ako naging manhid. Ngayon lang.
Manhid lahat lahat ng parte ng katawan ko. Halos ayoko nang tumayo mula sa pagkakaupo ko sa magarbo kong kama..
Kaya kong iwan ang lahat nang rangyang 'to para sa kinabukasan namin ng baby ko.
Napahawak na lang ako sa ulo kong tinamaan ng isang bag pack.
Ibinato sakin ni Papa yung bag na 'yan. Damit ko siguro ang laman.
Masakit ah. Kasing sakit ng nararamdaman ko ngayon.
"Ayan! Baunin mo na 'yang mga damit mo para may magamit ka kahit pang ilang araw lang. Marunong ka namang maglaba dahil ikaw ang naglalaba nang damit mo kahit ayaw ko." Napalingon ako kay Mama at piping nagtanong ng 'pano mo nalaman 'yon eh itinatakas ko yung mga damit ko kapag nagpapalaba kayo?'
Nakipagtitigan sakin si Mama habang lumuluha. Alam ko na hindi niya kayang makita na umaalis ako nang bahay namin na walang kahit na anong baon mula sa kanya. Mahal na mahal ako nyan eh. Sadya lang talagang mas makapangyarihan si Papa pagdating sa pagdedesisyon sa bahay.
"Alam ko ang lahat nang ginagawa mo noon, Josephine. Ang pagtakas mo sa mga damit mo para ikaw mismo ang maglaba, ang pagtakas mo para dumalo sa mga kasiyahan na hindi ka namin pinapayagan ng Papa mo, ang pagmamakaawa mo sa Yaya Aning mo para payagan ka na kadalasan ay sumasama pa para masiguradong ligtas ka... " tumulo pa lalo ang mga luha ni Mama. Mahina kasi talaga yan pagdating sakin. "San kami nagkulang ng Papa mo? Saan kami nagkamali nang pagpapalaki sayo? Ibinigay namin sayo ang lahat lahat ng kaya naming ibigay pero ganito pa ang isusukli mo? Kahihiyan?"
"I'm sorry Ma. Alam kong hindi sapat ang sorry lang. Tama kayo, dapat nag-isip muna ako bago ko ginawa ang lahat. Pero huli na. Hindi ko na maibabalik pa 'to. Nandito na eh. Ang magagawa ko na lang ay alagaan ang anak ko." Tumayo na 'ko at dinampot ang bag pack saka humarap kay Papa habang nanggigilid ang luha sa mga mata.
"I'm sorry Pa. Siguro nga kailangan kong harapin 'tong mag-isa. Panahon na para magsarili ako. Panahon na para maging bukas sa realidad na pilit kong tinatakasan." Saka ako lumakad palabas nang kwarto. Naiwan silang natitigilan. Akala siguro nila hindi ako aalis at ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanila kahit ayaw na nila akong manatili pa rito.
"Saan ka pupunta, Josephine?" napahinto ako sa tanong ni Papa at lumingon. Naluluha na siya. Handa na akong tanggapin. Ngunit kailangang manaig ng tama.
"Sa pwedeng pansamantalang tuluyan, Pa. Mauna na 'ko."
Habang pababa ako nang hagdan ay naririnig kong naghihisterya ang Mama. Lalong tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil Ang pagtulo sa aking pisngi. Napakahirap palang umalis sa poder nang mga magulang lalo na kung sila mismo ang nagtulak sayo para gawin mo 'to.
Nasalubong ko si Yaya Aning. Niyakap nya ako nang mahigpit. Ang yakap kong hinihintay na gawin ng mga magulang ko bago ako umalis na hindi naman nangyari.
"Mag-iingat ka, anak. Tawagan mo ako kung may kailangan ka." Umiiyak na sabi ni Yaya sabay abot ng kapirasong papel.
"Kayo rin po." Inabot ko ang papel saka Hindi na muling lumingon pa.
Walang katumbas na sakit Ang dulot sa akin ng lahat. Mula sa paghihiwalay namin ni Lemuel--ang tatay ng anak ko.
Hindi niya alam na buntis ako ng isang buwan nang makipaghiwalay siya sa akin. Mahirap ipilit ang sarili sa taong ayaw na sakin kaya bakit ko pa sasabihin na magkakaanak na kami? Hindi na rin naman magbabago ang isip niyang Iwan ako kaya anong magiging saysay ng lahat? Magsasayang lang ako ng laway sa pagpapaliwanag at pagmamakaawa.
Nang unti-unting lumalabas ang sintomas ng pagdadalang tao ko--mula sa paghahanap ng grape juice sa umaga hanggang sa pagsusuka ko kapag nakakaamoy Ng bawang at suka--saka nagduda ang Mama sa akin.
Sino ba namang magiging isang ng ganap na ina ang hindi gustong maging tapat sa mga magulang?
Ngunit pagkalipas lang Ng dalawang araw na pag-amin sa kanila ay ganito na ang nangyari...
Medyo malayo na ako sa mansyon namin nang magpasya akong lumingon sa huling sandali.
Kahit malapit nang pumutok ang haring araw sa kalangitan ay hindi pa rin naisasara ang hindi mabilang na mga ilaw sa aming bakuran.
Ito na siguro ang magiging huling pagtanaw ko sa aming bahay. Ang huling pagtapak ko sa marangyang bahay at ang huling pagkikita namin ng aking mga magulang.
Sana kapag dumating ang araw na mauna akong mawala sa kanila, maisipan naman nilang hanapin ang kanilang apo na ipinagtabuyan nila palayo bago pa maisilang...
Chapter 1Josephine's PovNakarating ako sa isang bangketa na may mga batang lansangang natutulog sa sahig na walang sapin na kahit ano. Naaawa ako sa kanila. Hindi ko na kaya pang magbigay nang pagkain sa kanila o magbigay ng saya sa mga mukha nilang yayat na. Hindi katulad nang dati na nagagawa ko ang lahat...Sa tantiya ko ay malapit nang mag alas kwatro ng madaling araw. Saan kaya ako pwedeng matulog kahit ilang oras lang?Saan kaya ako kukuha nang makakain ko bukas? Namin pala ng anak ko. Hay, napakaraming problemang dapat kong gawan ng paraan. Masakit sa
Chapter 4Lucilla Angela Iarna Atlantica's Pov"Ahaha!. Wala siyang tatay.... Hahahaha!"'Yan ang sumalubong sakin sa unang araw ng eskwela. Hindi ko akalaing ganito kawalanghiya ang mga magiging kaklase ko. Biruin mo iyon, papasok pa lang ako sa room namin iyan agad 'yung sinabi? Hahaha tawa lang kayo, darating din ang araw at ako naman ang tatawa sa inyo.Iniharap ako ni Mama sa kanya. "Wag mo silang pansinin, Lai. Kahit wala kang Papa nagagampanan ko naman diba? Basta tatandaan mo, mahal na mahal ka ni Mama, ha? Sige na, pumasok ka na at magsisimula na ang klase nyo. Susunduin ka ni Mama mamayang uwian. Wag kang aalis agad. Hintayin mo ko, ayos ba?"
Chapter 3 Anita Allen Asisitio's Pov (Mama ni Jed 'yan) Napangiti ako pagkakita sa padating na anak ko na kasama si Lai. Ang sarap nilang titigan. Di nakakasawa. Buti na lang at kampante ako na dadalo rin si Josephine sa hapunan namin dahil nga natanawan ko na yung anak nya. Lumapit si Lai sakin. Nakipagbeso-beso saka nagmano sakin. "Magandang Gabi po, tita Ana." Saka ngumiti nang pilit. May problema yata sila ni Jed... "Jed! Pumarito ka nga at may itatanong ako!!" sumisigaw kong sabi. Nasa hagdan pa lang siguro 'yon at papanhik sa itaas nang bahay.
Chapter 4 Lucilla Angela Iarna Atlantica's Pov "Ang sarap talaga nang luto mo Tita Ana. Turuan mo naman ako kung paano lutuin 'tong paborito naming adobo minsan." "Oo ba, Lai. Basta lagi kapag sinusumpong itong si Jed eh ipagluluto mo ha?" "Yes, Tita." Parang may mali. Bakit mugto yung mata ni Mama? Bakit parang nanghihina sya? At si Tita Ana parang nagbibilin na sakin? Wag nyo naman pong bayaang mangyari ang iniisip ko, Lord. Kailangan kong makausap si Mama tungkol sa nao-obserbahan ko sa kanya. Baka kasi may sakit na sya ay hindi pa nya alam. "Jed, bakit ang tahimik mo?" <