Share

CHAPTER 3

Author: Rhyme
last update Last Updated: 2026-02-01 18:10:37

Kaelis POV

Tahimik ang control room. Sobrang tahimik na naririnig ko ang sarili kong paghinga, mabigat at mabagal, parang bawat hinga ay may kasamang kasinungalingang kailangan kong panindigan. Nakatitig ako sa mga monitor sa harap ko. Isa doon, malinaw ang mukha niya.

Amarielle.

Namumugto ang mata niya. Kahit sa CCTV, kitang kita ko. Hindi ko kailangan ng mataas na resolution para malaman kung gaano siya nasaasaktan. Alam ko ang itsura niya kapag umiiyak. Alam ko dahil taon ko nang kabisado ang bawat anyo niya kahit hindi niya alam na pinapanood ko siya mula sa malayo.

Pinilit kong huwag pisilin ang kamao ko. Pinilit kong huwag sumigaw. Hindi puwedeng makita ng kahit sino na humihina ako. Hindi ngayon. Hindi kailanman.

She hates me.

Paulit ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko na parang panalangin. Mas madali kapag galit siya. Mas ligtas kapag iniisip niyang ako ang kalaban. Kasi kung malaman niya ang totoo, kung malaman niya kung gaano kalalim ang galit ng mundo sa kanya, hindi niya kakayanin.

Lumipat ang camera sa hallway. Nakita ko siyang nakasandal sa pader, yakap ang sarili niya. Parang bata na iniwan sa gitna ng dilim. Parang ako ang nagtulak sa kanya roon.

Tumayo ako at nilapitan ang monitor. Hindi ko namalayan na inilapat ko ang kamay ko sa screen, eksakto kung saan ang mukha niya. Isang maling galaw lang, isang maling desisyon, at mawawala siya.

“Sorry,” bulong ko kahit alam kong hindi niya maririnig.

Akala ng lahat malamig ako. Walang puso. Walang konsensya. Hinayaan ko silang maniwala. Mas madali iyon kaysa ipaliwanag kung bakit kailangan kong maging halimaw.

Kinuha ko ang file sa mesa ko. Makapal. Mabigat. Hindi papel ang nagpapabigat dito kundi ang laman. Mga pangalan. Mga numero. Mga larawan.

Ang mga magulang niya.

At ang mga taong gustong bilhin siya.

Hindi ko malilimutan ang araw na nalaman ko ang plano nila. Ang gabing iyon, parang gumuho ang mundo ko. Amarielle ay hindi ikakasal para sa negosyo lang. Hindi iyon ang tunay na plano. Gusto nilang ipasa siya sa mga taong walang awa. Mga drug lord na hindi tao ang turing sa babae kundi gamit. Presyo. Laruan.

Nakita ko ang mga kontrata. Ang halaga ng katawan niya. Ang halaga ng apelyido niya.

Gusto kong pumatay noong gabing iyon.

Pero hindi puwedeng emosyon ang pairalin. Kailangan kong mag isip. Kailangan kong kumilos bago pa mahuli ang lahat.

Kaya ako ang umuna.

Pinutol ko ang deal. Binayaran ko ang mga utang nila. Tinakot ko ang mga taong kailangang takutin. At iniharap ko ang sarili ko bilang mas malaking halimaw kaysa sa kanila. Ako ang kinuha nilang kapalit.

Isang legal na kasal. Isang kulungan na ako ang gumawa. Isang kulungang may pader na bakal laban sa mundong gustong lamunin si Amarielle.

At ang kapalit.

Ako ang magiging kontrabida sa kuwento niya.

Bumukas ang pinto ng control room. Pumasok si Rowan, ang pinaka pinagkakatiwalaan kong tao.

“Sir,” sabi niya. “May movement ulit sa south side. Yung mga taong naka lista kahapon.”

Tumango ako. Hindi ko inalis ang tingin ko sa monitor. “Higpitan ang security. Walang lalapit sa kanya.”

“Opo. Pero sir,” nag alangan siya, “hanggang kailan niyo balak itago sa kanya.”

Sumara ang panga ko. “Hanggang ligtas na siya.”

“At kung kailan po iyon.”

Hindi ako sumagot agad. Kasi ang totoo, hindi ko alam. Ang alam ko lang, habang humihinga pa ako, walang kukuha sa kanya.

Lumabas si Rowan, iniwan akong mag isa ulit.

Sa isa pang screen, nakita ko si Selphira. Nasa guest wing. Nakangiti. Palakad lakad na parang siya ang may ari ng bahay.

Isang pagkakamali.

Pinayagan ko siyang pumasok dahil kailangan ko ang impormasyon niya. Isa siya sa mga taong may koneksyon sa mga sindikato. Akala niya ginagamit niya ako. Hinayaan ko siyang isipin iyon.

Pero ang hindi niya alam, bawat galaw niya ay naka record.

Pinindot ko ang intercom. “Bantayan niyo si Selphira. Huwag niyong hayaang lumapit kay Amarielle nang mag isa.”

“Opo sir.”

Bumalik ang camera kay Amarielle. Nasa kwarto na siya. Nakaupo sa kama. Nakayuko. Ang buhok niya nakatakip sa mukha niya. Parang gusto kong pumasok doon. Yakapin siya. Sabihin sa kanya na magiging maayos ang lahat.

Pero hindi puwede.

Hindi puwede akong maging mahina sa harap niya.

Kasi ang mundo ay hindi marunong maawa.

May kumatok sa pinto ng opisina ko. Pumasok ang isang tauhan, halatang kinakabahan.

“Sir, may kumpirmasyon na po. Yung grupo na kausap ng parents niya noon, active pa rin. Naghahanap sila ng paraan para makuha si Mrs Drevane.”

Mrs Drevane.

Masakit pa rin marinig kahit alam kong iyon ang tanging kalasag niya ngayon.

“Sino ang contact,” tanong ko.

Isang pangalan ang binanggit niya.

Napangiti ako. Hindi masaya. Hindi magaan. Ngiting alam mong may susunod na gulo.

“Sabihin mo sa kanila,” malamig kong utos, “na kung lalapit sila sa kanya, hindi na sila aabot ng bukas.”

Lumabas siya agad.

Bumalik ako sa upuan ko. Isinandal ko ang ulo ko sa likod. Ipinasara ko ang mga mata ko kahit ilang segundo lang.

Pagod na ako.

Hindi sa laban. Sanay ako doon.

Pagod na akong masaktan siya.

Biglang lumipat ang camera. Nakita ko siyang lumabas ng kwarto. Diretso ang lakad. Matigas ang mukha. Hindi na umiiyak.

May apoy na sa mata niya.

Alam kong ganoon ang itsura niya kapag hindi na siya biktima.

“Anong balak mo,” bulong ko.

Tumayo siya sa harap ng pinto ko. Huminga siya ng malalim. Kumakatok na ang kamao niya.

Pinatay ko ang monitor.

At sa unang pagkakataon simula nang ikasal kami, hindi ko alam kung alin ang mas delikado.

Ang mga taong gustong bilhin siya.

O ang katotohanang malapit na niyang malaman kung bakit ko siya kinulong sa isang pagmamahal na mukhang pilit.

Pero kahit ano pa ang mangyari, isang bagay lang ang sigurado.

Mas pipiliin kong kamuhian niya ako habang buhay kaysa makita siyang masira ng mga taong walang puso.

Hatinggabi na nang tuluyan akong tumayo mula sa upuan ko. Patay na ang mga ilaw sa hallway. Tahimik ang buong bahay, pero sa ulo ko, parang may sigawang ayaw tumigil. Hindi ko na binuksan ang CCTV. Hindi ko na kailangan. Alam ko kung nasaan siya. Alam ko kung anong itsura niya kapag tulog. Ilang taon ko nang kabisado kahit hindi ko siya kailanman hinawakan.

Tahimik akong naglakad papunta sa kwarto niya. Bawat hakbang ko mabigat, parang may kasalanang nakasabit sa bawat galaw. Ito ang oras na hindi ako dapat narito. Ito ang oras na dapat akong manatiling multo. Pero may mga gabi talagang hindi sapat ang paninindigan kapag ang kapalit ay ang babaeng mahal mo.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Natutulog siya.

Nakahiga siya sa gilid ng kama, bahagyang nakapulupot sa sarili niya, parang kahit sa panaginip ay nagtatanggol pa rin. Humigpit ang dibdib ko. Ang ilaw ng buwan mula sa bintana ay tumama sa mukha niya. Doon ko nakita ang bakas ng luha sa pisngi niya. Hindi pa rin siya tumitigil umiyak kahit tulog na.

Nilapitan ko siya. Mabagal. Maingat. Parang kapag nagkamali ako ng hinga, mawawala siya.

Lumuhod ako sa tabi ng kama niya. Iniangat ko ang kamay ko pero huminto ako sa ere. Ilang segundo akong nakatitig lang sa kanya. Ito ang babaeng sinira ko ang mundo para iligtas. Ito ang babaeng araw araw kong pinipili kahit araw araw niya akong kinamumuhian.

“Pasensya na,” bulong ko.

Hindi niya narinig.

Dahan dahan kong hinaplos ang pisngi niya gamit ang likod ng mga daliri ko. Mainit ang balat niya. Totoo. Buhay. Napapikit siya sandali pero hindi nagising. Parang sanay na ang katawan niya sa presensya ko kahit ang puso niya ay tumatanggi.

Pinunasan ko ang luhang natuyo na sa pisngi niya. Isa. Dalawa. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang hinlalaki ko ay nanatili sa balat niya nang mas matagal kaysa dapat. Parang ayokong bumitaw.

“Kung alam mo lang,” bulong ko ulit, mas mahina. “Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Yumuko ako.

Isang halik. Maingat. Magaang. Sa noo muna niya. Parang paalam. Parang pangako. Parang panalangin. Bumagal ang paghinga ko. Ang amoy niya. Ang init niya. Lahat iyon gusto kong ikulong sa sarili ko.

Lumipat ang labi ko sa pisngi niya. Isang halik ulit. Tapos isa pa. Parang tinatahi ko ang mga luhang hindi ko dapat pinahintulutan. Parang gusto kong burahin ang sakit na ako rin ang gumawa.

“Sa akin ka,” bulong ko. Hindi utos. Hindi pagmamay ari. Panata. “Habang humihinga pa ako, walang ibang kukuha sa’yo.”

Kung ang pagligtas sa kanya ay may kapalit na kamatayan, tatanggapin ko iyon. Walang pagdadalawang isip. Ang buhay ko ay matagal ko nang isinugal noong pinili kong maging halimaw para manatili siyang buo.

Hinalikan ko ang talukap ng mata niya. Pareho. Parang sinasara ko ang mundo niya sa gabi na hindi ako puwedeng maging bahagi. Bumaba ang labi ko sa ilong niya. Sa pisngi ulit. Hindi ko siya hinalikan sa labi. Hindi ko kaya. Hindi ko karapatan. Hindi habang tulog siya at galit sa akin.

Pinagmasdan ko siyang matulog.

Sa unang pagkakataon simula nang ikasal kami, mukhang payapa siya. Walang luha na tumutulo. Walang kunot ang noo. Parang bata na ligtas sa bagyo kahit sandali lang.

Ito ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat.

Hindi ang pangalan ko. Hindi ang kapangyarihan. Hindi ang negosyo.

Siya.

Tumayo ako nang dahan dahan. Inayos ko ang kumot niya, konting taas sa balikat niya. Isang huling tingin. Isang huling halik sa buhok niya.

Paglingon ko papunta sa pinto, bumigat ang dibdib ko ulit. Paglabas ko sa kwartong ito, babalik na naman ako sa papel na isinusuot ko araw araw. Ang lalaking kinamumuhian niya. Ang asawang parang kulungan.

Huminto ako sa pintuan.

“Matulog ka ng mahimbing,” bulong ko. “Ako na ang bahala sa bangungot.”

Isinara ko ang pinto nang walang tunog.

Sa labas ng kwarto niya, bumalik ang bigat. Bumalik ang galit. Bumalik ang responsibilidad. Pero kahit ganoon, may isang bagay na malinaw sa isip ko habang naglalakad ako palayo.

Hindi ako hihinto.

Hindi para sa galit niya.

Hindi para sa kapayapaan ko.

Kundi para sa araw na magigising siya at hindi na takot.

Hindi na umiiyak.

At hindi na kailangang kamuhian ang lalaking handang mamatay para sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Arrange Marriage With The Man Who Hated Me   CHAPTER 5

    Amarielle POVNagising ako sa umaga sa tunog ng aroma ng mainit na kape at pritong tinapay. Una, inisip ko na panaginip lang iyon. Pero habang dumadaan ang bawat segundo, naramdaman ko ang kakaibang init sa hangin ng kwarto. Ang bahay ay tahimik, pero may kakaibang presensya. At doon ko narinig ang malumanay na tinig ng maid mula sa kitchen.“Ma’am, breakfast na po.”Pinilit kong bumangon, medyo nahihilo pa mula sa sugat at sa nangyari kahapon. Pagdating ko sa dining room, hinto ang tibok ng puso ko. Ang nakalat sa mesa ay hindi pangkaraniwan. Mainit na tinapay, prinitong itlog na perpekto ang luto, bacon na mukhang maingat na inihanda, isang tasa ng mainit na kape, at isang maliit na plato ng prutas na parang iniayos isa-isa.Si Kaelis ay nakatayo sa gilid ng mesa. Nakatayo, pero hindi tulad ng dati—hindi rigid o parang laging nagmamanman. Naka apron siya, at may kaunting harina sa dulo ng manggas ng polo niya. Ang buhok niya, bahagyang gusot sa

  • Arrange Marriage With The Man Who Hated Me   CHAPTER 4

    Amarielle POVIsang linggo na ang lumipas mula nang ikasal ako sa lalaking hindi ko kailanman pinili. Isang linggo ng katahimikan na mas maingay pa kaysa sigawan. Isang linggo ng mga pader na parang unti unti akong nilalamon.Hindi ako sanay na ganito. Hindi ako sanay na bawat galaw ko may mata. Bawat hakbang ko may bantay. Kahit huminga ako, pakiramdam ko may nagbibilang.At ngayong araw na ito, napuno na ako.Hindi ito biglaan. Matagal ko nang iniipon ang lakas ng loob. Bawat gabi na umiiyak ako sa banyo. Bawat umaga na nagigising akong parang may tanikala sa dibdib. Lahat iyon nagtulak sa akin sa desisyong ito.Tatakas ako.Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatakbo. Ang alam ko lang, kung mananatili ako rito, tuluyan akong mawawala.Tahimik ang paligid. Tanghali. Oras kung kailan nagpapalit ng shift ang mga guard. Ilang araw ko ring pinagmasdan ang galaw nila. Ilang araw kong

  • Arrange Marriage With The Man Who Hated Me   CHAPTER 3

    Kaelis POV Tahimik ang control room. Sobrang tahimik na naririnig ko ang sarili kong paghinga, mabigat at mabagal, parang bawat hinga ay may kasamang kasinungalingang kailangan kong panindigan. Nakatitig ako sa mga monitor sa harap ko. Isa doon, malinaw ang mukha niya. Amarielle. Namumugto ang mata niya. Kahit sa CCTV, kitang kita ko. Hindi ko kailangan ng mataas na resolution para malaman kung gaano siya nasaasaktan. Alam ko ang itsura niya kapag umiiyak. Alam ko dahil taon ko nang kabisado ang bawat anyo niya kahit hindi niya alam na pinapanood ko siya mula sa malayo. Pinilit kong huwag pisilin ang kamao ko. Pinilit kong huwag sumigaw. Hindi puwedeng makita ng kahit sino na humihina ako. Hindi ngayon. Hindi kailanman. She hates me. Paulit ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko na parang panalangin. Mas madali kapag galit siya. Mas ligtas kapag iniisip niyang ako ang kalaban. Kasi kung malaman n

  • Arrange Marriage With The Man Who Hated Me   CHAPTER 2

    Amarielle POVMugto ang mata ko kakaiyak. Hindi na kailangan ng salamin para malaman iyon. Ramdam ko sa bigat ng talukap ko, sa hapdi tuwing pipikit ako, at sa paninikip ng ulo ko na parang buong gabi akong binugbog ng sarili kong isip. Hindi na rin ako nagulat nang hindi ako makatulog kahit isang minuto. Pumikit man ako, mukha pa rin ni Kaelis ang bumubungad. Ang malamig niyang boses. Ang titig niyang parang kaya akong durugin kahit hindi niya ako hawakan.Bangon. Iyan ang unang pumasok sa isip ko. Kailangan kong bumangon kahit ayaw ng katawan ko. Kahit pakiramdam ko wala na akong lakas para huminga.Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, bumungad agad ang dalawang kasambahay. Sabay silang yumuko na parang may kasalanan akong ginawa.“Good morning po, Mrs Drevane.”Tumigil ang mundo ko sa isang iglap.Mrs Drevane.Parang may sumampal sa akin. Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak. Kaya ginawa ko ang mas madali. Wala. Wala akon

  • Arrange Marriage With The Man Who Hated Me   CHAPTER 1

    Amarielle POV Hindi ako umiyak agad. Hindi dahil matapang ako, kundi dahil parang may humawak sa lalamunan ko at pinisil hanggang wala nang lumabas na tunog. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sarili kong paghinga na paulit ulit, mabigat, parang bawat hinga ay may kasamang paalam sa buhay na alam ko. “Hindi ako papayag,” sabi ko sa wakas, nanginginig ang boses ko. “Ma, Pa, hindi niyo pwedeng gawin sa akin ito.” Tahimik ang sala. Sobrang tahimik na parang naririnig ko ang tibok ng puso ko, mabilis at desperado. Nakaupo sila sa harap ko, magkatabi, tuwid ang likod, walang emosyon sa mukha. Parang nagdedesisyon lang sila kung anong kulay ng kurtina ang babagay sa bahay, hindi kung kaninong buhay ang sisirain. “Napag usapan na ito,” malamig na sagot ng tatay ko. “Ikakasal ka kay Kaelis Drevane.” Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya. Kaelis. Ang lalaking kahit anino niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status