เข้าสู่ระบบTila halos hindi na humihinga ang dalawang partido sa paghihintay sa sasabihin ng doktor, tanging ang matandang Hawthorne lang ang kalmado."Doc, ano po ang resulta? Bilis! Sabihin n'yo na agad. Huwag n'yo na kaming paghintayin pa!" excited na wika ni Vanessa."Huminahon ka nga, Nessa..." awat ng kanyang ama. "Sigurado namang sa atin papabor ang resulta."Humigpit ang pagkakahawak ni Leon sa kanyang cellphone. Halos gusto na n'yang sunggaban ang resulta na nasa kamay ng doktor. Inayos-ayos muna ng doktor ang kanyang salamin. "Well, it's a 99.9% positive match."Nagbunyi sina Vanessa at ang kanyang mga magulang, habang tila nagmistulang Mahal na Araw naman ito para kay Leon. Nagkaroon ng pag-aasam kay Layla. Kung anak ni Leon ang bata, ibig sabihin ay lola na s'ya at may apo na rin siya. Meron na ring isinilang na sanggol para sa ika-apat na henerasyon sa kanilang pamilya.Hindi makapaniwala si Leon. Ang cellphone sa kamay niya ay halos durugin na niya sa sobrang higpit ng kanyang
Napasinghap ang mga bisita at nagkaroon ng bulungan lalo na sa mga tsimosa at tsimosong empleyado."Omg! Breaking news! Totoo ba ito? Si sir Leon, nakabuntis?""Ngayon lang nangyari ito, ah? Hindi siya gumamit ng proteksyon? Paano na 'yan, edi goodbye bachelor's days na?""Si Vanessa na kaya ang magiging Mrs. Hawthorne? Naku, ayaw na ayaw ko pa naman sa babaeng 'yan. Akala mo kasi ay kung sino, eh. Pabida pa.""Akalain mo, sinuwerte ang bruha?""Nakakainis! Bakit naman kasi pinatulan ni sir Leon ang babaeng 'yan, e, hindi naman maganda. Malaki lang naman ang dyoga."Natahimik ang mga nag-uusap-usap na mga empleyado nang biglang sumingit si Wendell. "Mga tsimoso at tsimosa! Wala pa ngang sinasabi si boss, mga nakahatol agad kayo diyan. Manahimik muna kayo at hintayin niyo kung ano ang sasabihin niya." Katulad ng ibang kababaihang empleyado ay ayaw din niya kay Vanessa. 'Sana ay hindi totoo, sana ay nag-iilusyon lang ang haliparot na babaeng ito,' panalangin niya."Bullsh*t! You're
Matapos maligo ay bumaba na rin sina Kiera at Leon para sa pagsisimula ng banquet. Mabuti na lamang at may back-up outfit silang dala na hindi nalalayo sa gara at rangya ng nauna nilang suot.Nasa banquet hall na ang mga bisita at si Leon na lang ang hinihintay, kaya nakatunghay ang mga ito sa pagbaba nila sa engrande at malaking hagdan. Tila nasanay na rin si Kiera sa atensyong natatanggap niya kaya hindi na siya masyadong naiilang pa.Nang makita ni Vanessa na nasa dalawa ang atensyon ng lahat ay nagngitngit siya. 'Ako ang dapat nariyan, at hindi ang babaeng 'yan! Dahil ako lang ang nababagay kay Sir Leon!'"Vanessa, 'yang babae na 'yan na kasama ni Leon, 'yan ba ang tumulak sa 'yo sa pool?" tanong ng kanyang ina."Yes, Mommy. Tandaan n'yo ang mukha ng babaeng 'yan.""Hmp! What a seductress, maganda nga siya. No wonder, nagawa niyang akitin si Leon. Pero kumpiyansa ako na hindi siya tatanggapin ng mga Hawthorne."Napalingon si Kiera sa direksyon ng mag-ina nang maramdaman niya
"Habang pinag-uusapan namin ng assistant ko ang tungkol sa pagbibigay sa kapatid mo ng posisyon na pangalawa sa iyo, ay nagpunta sa opisina ko si Manolo, ang ama ni Vanessa. At narinig niyang lahat."Kumunot ang noo ni Leon. "Balak ninyong bigyan ng mataas na posisyon si Marcus? At ang pumapangalawa pa sa akin, ha? Alam na po ba ito ni Daddy?""Alam na niya. Pero ang Mommy mo, hindi. Alam mo naman siguro na hindi niya magagawang tanggain ang kapatid mo sa labas, dahil iyon ang bakas ng pagtataksil ng ama mo sa kanya, hindi ba?" Bumuntong-hininga ang matanda. "Kaya nga, walang puwedeng makaalam ng tungkol doon. Dahil kapag nakarating iyon sa Mommy mo, alam mo na siguro kung ano ang mangyayari.""Mukhang nakuha ko na po, Lo. Dahil nalaman ni Manolo ang tungkol doon, iyon ang ginamit niya para makapag-take advantage siya sa inyo, tama po ba?""Um. Tama ka.""I see. No wonder malakas ang loob ni Vanessa. Grandpa..." Tumayo si Leon at inayos ang kanyang suit. "You can please them or gr
"Grandpa, what is going on? Kilala mo si Vanessa?" tanong nang may pagtataka ni Leon."Hindi mo alam kung ano ang koneksyon ng ama ni Vanessa sa Hawthorne Global Enterprises? What a disappointment! Well, listen. Siguro ay masyado ka ngang abala kaya hindi mo ito alam. Isa sa mga shareholder natin ang daddy ni Vanessa, at aprubado ko rin ang posisyon niya bilang Chief of Staff. Kaya bakit mo siya sinisante for some irrelevant woman?" Sumulyap siya kay Kiera sa tabi ni Leon. Doon niya ito napagmasdang mabuti, at hindi niya maikakailang maganda nga ito. 'No wonder.'"Leon, hinahayaan kitang maglibang, pero hindi ba ang turo ko sa iyo ay huwag mong hahayaang manaig ang pagnanasa mo para lang sa isang babae na papalitan mo rin naman agad, kaysa sa kapakinabangan natin?""Grandpa, ang tinutukoy niyo po ba ay si Vanessa? And what benefits does her dad being a shareholder do to our company? For sure, maliit na shareholder lang siya kaya nga siguro hindi ko siya maalala," walang pakialam n
"Mr. Hawthorne, ayos lang po ba kung maghintay muna kayo sandali? Kukunin ko lang po ang private collection catalog namin sa archive room namin."Sinenyasan ito ni Leon na puwede na itong umalis, ngunit bago pa ito makalabas ay tinawag muna niya ito. "You can take your time. Hindi n'yo kailangang bumalik agad, hintayin n'yo na lang na ipatawag ko kayo. Just hang the private tag on the door on your way out.""Sige po." Paglabas ng seamstress ay nilagyan niya ng 'Private fitting in progress' tag ang labas ng pinto.Nang maiwan silang dalawa sa fitting suite ay niyakap ni Leon si Kiera sa likod. "I'll buy you the most exclusive and limited-edition masterpiece."Ngumiti si Kiera at niyakap ang bisig ng lalaki na nakapulupot sa kanyang bewang. "There's no need to spend that much, an ordinary gown will do.""But I want you to be at your best on the day of the event... Kiera, hindi ko pa nasasabi sa 'yo, pero sa araw ng event ay tiyak na may pupunta na isa o dalawang miyembro ng pamilya







