แชร์

Chapter 5 DIANA’S NAME (Savanna POV)

ผู้เขียน: Trendsterchum Chronicles
last update วันที่เผยแพร่: 2025-12-22 16:51:18

“Sabihin mo ang pangalan niya.”

Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko.

“Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.

Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung anong klaseng gabi ito sa sandaling binanggit niya ang salitang pangalan. Sa West Wing, ang mga pangalan ay hindi tawag...sila ay mga sandata.

“Don’t insult me,” malamig na sabi ni Martin Del Rivas. “There is only one name you flinch from.”

Tahimik ang paligid. Wala ang mga camera. Wala ang mga tauhan. Wala ang mundong hinahangaan siya. Narito lang kami...ako, siya, at ang multong matagal nang nakatira sa bawat sulok ng mansyon.

Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong pupuntahan.

“Say it,” ulit niya, mas mababa ang boses. “Say the name of the woman you replaced.”

Napapikit ako. Hindi dahil duwag ako...kundi dahil sa sandaling bigkasin ko ang pangalang iyon, alam kong hindi na ako makakabalik sa dati kong katahimikan.

“Hindi ko siya pinalitan,” sabi ko.

Tumawa siya. Hindi malakas. Hindi masaya. Isang tunog lang...parang basag na salamin na gumulong sa sahig.

“Liar,” sabi niya. “You breathe where she should have breathed.”

At doon ko naintindihan: hindi niya ako kinakausap bilang tao. Isa akong puwang. Isang butas sa alaala niya na pilit niyang pinupuno.

“Diana,” sabi ko sa wakas.

Ang pangalan ay bumagsak sa pagitan naming dalawa...mabigat, marumi, at may kasamang kasalanan na hindi ko hiniling.

“Again,” utos niya.

“Diana.”

“Louder.”

“Diana!”

Ngumiti siya.

At sa ngiting iyon, may kakaibang uri ng debosyon...parang banal na galit. Parang ginagamit niya ang pangalan ng patay bilang dasal at sumpa sa iisang hininga.

“Good,” sabi niya. “Now you remember who owns your silence.”

Tumalikod siya at naglakad papunta sa isang bahagi ng West Wing na bihira kong titigan. Isang mesa na punô ng mga bagay na hindi ko hinahawakan. Mga relic. Mga alaala na hindi akin.

Binuksan niya ang isang kahon.

Sa loob: isang panyo, kupas ang burda. Isang larawan...si Diana, nakangiti, buhay na buhay. Isang singsing na hindi ko kailanman nakita sa daliri niya.

“Do you know what this place is?” tanong ni Martin nang hindi lumilingon.

Umiling ako.

“This wing,” sabi niya, “is not part of the house.”

Lumingon siya sa akin.

“This is a shrine.”

Nanlamig ang batok ko.

“Lahat ng narito,” dagdag niya, “exists because she existed.”

Lumapit siya at inilapag ang larawan sa harap ko. Hindi niya ako hinawakan...pero parang may bigat na inilagay sa dibdib ko.

“Look,” utos niya.

Tumingin ako. At sa sandaling iyon, parang may humila pabalik sa akin...sa mga tawa, sa mga lihim naming dalawa ni Diana, sa mga gabing ako ang nakikinig kapag ayaw na niyang makinig ang mundo.

“Mahal ka niya,” sabi ko bago ko napigilan ang sarili ko.

Nanigas ang balikat niya.

“Don’t,” sabi niya, biglang mababa ang boses. “Don’t speak for her.”

“Kapatid ko siya,” sagot ko. “Bago siya naging alaala mo.”

Humarap siya sa akin, mabagal, parang may kinikimkim na apoy sa loob.

“And yet,” sabi niya, “you were the one with her when she fell.”

Parang may pumutok sa loob ng tenga ko. Ang mundo ay lumiit hanggang sa boses lang niya ang naririnig ko.

“Hindi ko alam na...”

“Exactly,” putol niya. “You didn’t know. You didn’t stop. You didn’t save her.”

Bumigat ang hangin. Parang bawat salita niya ay may kasamang tali na itinatali sa mga kamay ko, sa leeg ko, sa konsensya ko.

“From now on,” sabi niya, “her name is your reminder.”

“Ano’ng paalala?” tanong ko.

“Na buhay ka dahil may namatay,” sagot niya. “At bawat hininga mo ay utang.”

Tumayo siya nang mas malapit kaysa dati. Hindi galit ang mukha niya...kundi isang uri ng banal na paniniwala.

“You will sleep where she should have slept,” sabi niya.

“You will wear what she would have worn.”

“You will stand where she should have stood.”

Napailing ako. “Hindi ako siya.”

“Exactly,” sagot niya. “That’s the punishment.”

At doon ko nakita kung paano siya minamahal ng mundo...dahil alam niyang gawing banal ang kalupitan. Gawing misyon ang pananakit. Gawing sacred ang obsesyon.

“Matututo ka,” sabi niya, halos malambot ang tono. “Dahil dito, si Diana ay hindi patay.”

Tumingin siya sa paligid...sa mga alaala, sa mga bagay, sa mga anino.

“She breathes here.”

Bumaling siya sa akin, diretso ang tingin.

“And you?” tanong niya. “You exist because I allow it.”

Hindi ako umiyak.

Hindi ako sumigaw.

Sa halip, tumayo ako roon...tahimik...habang unti-unting nauunawaan ang bagong batas ng buhay ko: na sa West Wing, ang pangalan ni Diana ay hindi alaala.

Isa itong sumpa.

Lumapit siya sa pinto. Hinawakan ang hawakan.

“At Savanna,” sabi niya nang hindi lumilingon, “we’re only beginning.”

“Say her name again.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 37 Silence Is Power (Savanna POV)

    “Lumuhod ka.” Hindi ako gumalaw. Nakatayo lang ako sa gitna ng silid, nakaharap sa kanya. Malamig ang sahig sa ilalim ng paa ko pero hindi ko iyon pinansin. Dati, bago pa niya matapos ang utos, nakaluhod na ako. Ngayon, nanatili akong nakatayo. “Hindi mo ba narinig?” tanong niya, mababa ang boses. “Narinig ko,” sagot ko. “Ulitin ko ba?” “Hindi na kailangan.” Tahimik. Pero hindi tahimik na walang laman. Tahimik na may bigat. Lumapit siya. Isang hakbang. Dalawa. Huminto siya sa harap ko. Hindi ako umatras. Hindi rin ako yumuko. “Anong problema?” tanong niya. “Wala.” “Wala?” ulit niya. “Oo.” Mas tumindi ang titig niya. “Dati, hindi ka ganyan.” “Tama.” “Ngayon, hindi ka sumusunod.” “Pumipili na ako.” Parang may tumama sa hangin. Hindi pisikal. Pero ramdam. Hinawakan niya ang baba ko, pinataas ang mukha ko. “Tumingin ka sa akin,” utos niya. “Tumingin na ako.” Hindi ko inalis ang tingin ko. Hindi ako umiwas. At doon nagsimula ang pagbabago sa mukha niya.

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 36 Tears Are Treason (Savanna POV)

    “Bakit ka umiiyak?”Hindi ko agad sinagot.Nakatayo ako sa gitna ng West Wing, hawak ko pa ang tray na dapat kong dalhin sa mesa niya. Nanginginig ang kamay ko pero hindi dahil sa bigat. Dahil sa init ng luha na hindi ko napigilan.Narinig ko ang mga hakbang niya papalapit.Hindi nagmamadali.Hindi kailanman nagmamadali si Martin kapag alam niyang hawak niya ang sitwasyon.“Sinabi ko na ba na pwede ka umiyak?” tanong niya ulit, mas mababa ang boses.Pinilit kong lunukin ang bukol sa lalamunan ko.“Hindi,” sagot ko.“Pero ginawa mo pa rin.”Hindi iyon tanong.Hatol iyon.Dahan dahan kong ibinaba ang tray sa mesa. Ayokong makita niya ang kamay kong nanginginig pero wala akong choice.Lumapit siya sa likod ko.Ramdam ko ang presensya niya bago ko pa maramdaman ang kamay niya sa balikat ko.Mahigpit.Kontrolado.“Humarap ka.”Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko.Kundi dahil alam ko ang mangyayari kapag hindi.Pagharap ko, diretso akong tumingin sa kanya.Hindi ako yumuko.Hindi na.Tinitiga

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 35 Diana 's Panthom

    “Hindi ka pa rin nawawala, ‘di ba?” Nakatingin ako sa salamin pero hindi ko na kilala ang taong nasa harap ko. Ako iyon. Pero hindi ako iyon. May mga anino sa likod ng repleksyon ko na hindi naman talaga nandiyan. Wala sa silid. Wala sa realidad. Pero nakatitig sila sa akin na parang may karapatan silang manatili. At siya ang pinakamalinaw. Si Diana. Hindi ko siya nakikita nang buo. Hindi kailanman. Laging pira piraso lang. Minsan buhok niya lang. Minsan likod niya habang naglalakad palayo. Minsan boses niya na parang dumadaan sa tenga ko kahit wala namang nagsasalita. Pero sapat na iyon para hindi ako makahinga nang maayos. “Bakit siya pa rin?” tanong ko sa sarili ko, pero mas tunog galit iyon kaysa tanong. Hindi sumagot ang salamin. Hindi rin sumagot ang anino. Pero ramdam ko na parang may nakatitig sa akin mula sa likod. Mabagal akong lumingon. Wala. Walang tao. Pero may narinig akong mahina. Halos pabulong. Halos wala. “Martin…” Napapikit ako nang mariin. Hindi t

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 33 Blunded Prayers (Savanna’s POV)

    “Kailan mo ba ako titigilan, Diyos? O baka naman ikaw na rin ang sumuko sa’kin?”Nakaupo ako sa sulok ng maliit na kwarto—hindi na hawla, pero parang hawla pa rin dahil walang bintana, walang liwanag maliban sa ilaw mula sa ilalim ng pintuan. Chain sa paa ko ay naka-lock pa rin, pero ngayong gabi, hindi iyon ang pinakamabigat. Ang dibdib ko ang parang may bato na nakadikit.Nakahawak ako sa maliit na krus na gawa sa papel na ginupit ko mula sa gilid ng lumang libro na itinago ko sa ilalim ng kutson. Hindi ko alam kung bakit pinayagan niya akong magdala ng libro—baka para lang makita niya kung paano ko ito ginagamit para magdasal, para mas lalong masaktan ako kapag sinabi niyang walang Diyos na makikinig sa isang tulad ko.Huminga ako nang malalim. Nagsimula akong magdasal, pero hindi sa salita. Sa isip lang muna. Kasi kapag binigkas ko nang malakas, baka marinig niya kahit nasa itaas pa siya.Pero biglang bumukas ang pintuan. Maliit na butas lang ng liwanag mula sa hallway, tapos ang

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 32 Prisoner (Savanna's Pov)

    “Ilagay mo na sa tray ang kape ko. Black. Walang asukal. At huwag mong kalimutan ang baso ng tubig sa tabi.”Nakaupo si Martin sa dining chair na katapat ng pintuan ng basement stairs, legs crossed, phone sa kamay pero tingin niya diretso sa akin. Hindi niya binaba ang cellphone kahit nagsalita na siya. Parang normal lang na ako ang naghahanda ng almusal niya habang naka-leash pa ang isa kong paa sa maliit na chain na nakakabit sa iron ring sa sahig—mga dalawang metro lang ang radius ko, sapat para makarating sa maliit na kitchenette na ginawa niya rito sa ilalim.Tumingin ako sa tray na nasa counter. Porcelain cup, silver spoon, folded napkin na may embroidered initial na M.D.R. Lahat ay perpekto, lahat ay para sa kanya. Ako? Naka-simple white blouse at skirt na hanggang tuhod—uniform na binigay niya last week. Walang bra. Walang underwear. Rule niya: “Mas madali kitang suriin kapag walang takip.”“Hindi ko pa natatapos ang paglilinis ng counter,” sabi ko, boses ko kalmado pero alam

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 31 Just Obey (Savanna's Pov)

    “Sabihin mo ulit kung ano ang unang rule pagkatapos magising.”Nakaupo si Martin sa gilid ng kama, elbows sa tuhod, daliri magkadikit sa ilalim ng baba. Parang professor na nag-e-exam pero ang exam na ‘to ay hindi sa papel. Sa katawan ko. Sa boses ko. Sa bawat galaw na hindi niya sinang-ayunan.Tumingin ako sa sahig. Hindi dahil takot—kahit totoo ‘yon—kundi dahil kapag tumingin ako sa mata niya nang matagal, nakakalimutan ko kung bakit ako galit. Nakakalimutan ko kung bakit dapat akong lumaban.“Limang umaga… dapat nakaupo na ako sa breakfast table,” sagot ko, boses flat pero malinaw. “Walang phone. Walang libro. Walang usapan kung hindi ikaw ang nagsimula.”Tumango siya. Mabagal. Parang nasiyahan pero hindi pa tapos.“At kapag nagsimula ako ng usapan?”“Sasagot ako nang maikli. Diretso. Walang tanong pabalik kung hindi mo hinintay.”“Tapos?”“Kung may utos ka, uulit ko muna bago gawin. Para siguradong naiintindihan ko.”Tumayo siya. Lumapit sa akin hanggang magkadikit na tuhod namin.

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 29 Justification Ko ‘To (Martin’s POV)

    “Bakit ka pa rin nandyan sa sahig, Savanna? Hindi ba sinabi ko na, kapag tinawag kita, tumayo ka agad?” Nakaupo ako sa leather armchair, legs crossed, hawak ang baso ng whiskey na halos hindi ko na hinawakan mula kanina. Nakatingin siya sa akin mula sa sulok ng kwarto—knees drawn to her chest, arm

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 27 Public Halo, Private Hell (Savanna’s POV)

    “Ngumiti ka.”Hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig ang utos na iyon, pero sa bawat pagkakataon, parang may kumikiskis na basag na salamin sa loob ng dibdib ko.Nakatayo ako sa tabi ni Martin sa gitna ng bulwagan na punô ng ilaw, kamera, at palakpakan. Mainit ang hangin sa loob, may halong

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 25 You Will Replace Her (Savanna’s POV)

    “Hubarin mo ang pangalan mo.”Nanlamig ang batok ko sa unang salitang binitiwan ni Martin habang nakatayo siya sa harap ng bintana ng study room...ang madilim na anino ng katawan niya’y humahaba sa marmol na sahig na parang anino ng isang guillotine na handang bumagsak.“Ano?” halos pabulong kong

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 24 Diana’s Room (Savanna’s POV)

    “This room is not for guests.”Hindi niya hinintay ang sagot ko. Hinila niya ang pulso ko...hindi marahas, pero sapat para ipaalala na hindi ko hawak ang direksyon ng katawan ko. Ang hallway ay mas tahimik kaysa dati. Kahit ang sapatos ko, parang ayaw gumawa ng tunog sa sahig.“Where are you takin

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status