แชร์

Chapter 150

ผู้เขียน: MonaBean
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-30 14:58:37

​Umiikot ang electric mixer habang dahan-dahang binubuhusan ni Shelly ng vanilla extract ang nag-uumapaw na buttercream frosting sa malaking mixing bowl. Ang bawat hagod ng kanyang spatula ay may kasamang malalim na buntong-hininga. ​Kahit na amoy sariwang baked red velvet at tustadong caramel ang paligid, ang utak niya ay lumulutang sa isang napakalalim na bangin ng pag-aalala.

​Mariin niyang kinagat ang kanyang ibabang labi. Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking iyon? Sinuway na naman siya ni
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 150

    ​Umiikot ang electric mixer habang dahan-dahang binubuhusan ni Shelly ng vanilla extract ang nag-uumapaw na buttercream frosting sa malaking mixing bowl. Ang bawat hagod ng kanyang spatula ay may kasamang malalim na buntong-hininga. ​Kahit na amoy sariwang baked red velvet at tustadong caramel ang paligid, ang utak niya ay lumulutang sa isang napakalalim na bangin ng pag-aalala.​Mariin niyang kinagat ang kanyang ibabang labi. Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking iyon? Sinuway na naman siya ni Gavinn. Ayon sa desisyon ng CEO, mahigpit nitong ipinagbawal na sumama siya sa pag-uwi at sa pagharap sa nagpupuyos na board of directors.“Masama sa iyo ang ma-stress. May dala kang buhay sa loob ng tiyan mo,” ang huling linya ni Gavinn bago ito padapong lumabas ng pinto sakay ng itim na Maybach. Naalala pa niya ang naging pagtatalo nilang dalawa.​“Gavinn, mangilan-ngilan na lang ang pagkakataong makatabi ka sa mga laban mo,” mariing tutol niya noon habang mahigpit na hinahawakan ang braso n

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 149

    ​"Narinig mo ba ang pinakabagong balita mula sa London Boardroom, Michael?" panimula ni Luna, may kasamang pambihirang ngisi sa kanyang mga labi habang humahakbang palapit. "Nagkakagulo na sila. Ang mga shareholders ay parang mga basang sisiw na hindi malaman kung kanino luluhod. Si Doña Fatima ay halos atakihin sa puso habang pilit na pinagtatanggol ang kanyang paboritong anak."​Bahagyang inangat ni Michael ang kanyang ulo. ​"Doña Fatima will always play the martyr, Luna. Iyon lang naman ang kaya niyang gawin, ang magpanggap na malinis habang nakatuntong ang mga paa niya sa libingan ng mga kasalanan niya. Did you honestly expect her to welcome me with open arms and a red carpet?"​"Of course not," natawang sagot ni Luna sabay umupo sa kabilang dulo, inilagay ang isang binti sa ibabaw ng isa. "Inaasahan ko na magwawala siya. At ginawa nga niya. Pero ang mas nakatutuwang bahagi? Si Gavinn."​Kumunot nang bahagya ang noo ni Michael, bagaman nananatiling kalmado ang kanyang mga mata. "W

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 148

    Hindi alam ni Chloe kung ano ang dapat niyang maramdaman. Sa ilang sandali ang nakalipas, nalaman niyang hindi pala niya tunay na mga magulang sina Richard at Clara. Nalaman din niyang ang babaeng itinuring niyang tagapagturo at pinagkakatiwalaang kakampi ay siya palang utak sa likod ng pagkamatay ng kanyang mga tunay na magulang. At ngayon, heto siya? Nakatitig sa isang batang ilang beses niyang itinuring na pinakamahigpit niyang karibal, ngunit ang totoo ay sarili niya pala itong kadugo."Tama ba ang narinig ko, Gabriel? Magpinsan tayong dalawa?"Ang batang ilang beses niyang sinubukang talunin sa mga cyber battles. Ang batang pinangakuan niyang sisirain ang buong Lucero Empire. Ang batang halos hindi niya makitang nakangiti nang hindi niya gustong burahin ang ngiti nito sa mukha. Pinsan niya pala, first cousin!"Wait." mahinang usal ni Chloe, hindi pa rin makapaniwala sa kanyang narinig. "You're telling me na ang five-year-old kid na ilang buwan kong gustong ipahamak, ang batang ha

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 147

    Isang mapait at malakas na tawa ang pinakawalan ni Chloe, bagaman bakas ang panginginig sa kanyang boses. ​"Are you completely out of your mind? Sinasabi mo bang ampon ako? Anong ampon? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Anak ako ni Clara at ni Richard! May birth certificate ako, may mga dokumento ako mula sa London at Geneva! Paano mo nasasabi sa mukha ko na ampon ako?"​"Because those documents are fake, Chloe," kalmadong sagot ni Gabriel. Iniharap niya ang kanyang iPad at pinindot ang play button para sa isang holographic document projection sa gitna ng silid. "I bypassed the High-Security Geneva Private Archives. These are your actual adoption papers from five years ago. Registered under an encrypted shell trust."​Lumabas sa ere ang mga malilinaw na kopya ng lumang birth registry, adoption certificates, at mga confidential hospital records. Nanlamig ang buong katawan ni Chloe. Ang kanyang mga mata ay frantically na nagpalipat-lipat sa mga pangalan, sa mga opisyal na selyo, at sa

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 146

    ​Dahan-dahang iminulat ni Chloe ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang matinding pag-ikot ng kanyang ulo, na para bang may mga martilyong paulit-ulit na pumupukpok sa kanyang sentido. Ang malamig at mabangong simoy ng hangin na may halong halimuyak ng mga sariwang bulaklak ng lavender at mamahaling linya ng linen ang unang bumungad sa kanyang pandama. ​Bahagya siyang napakislot at umupo sa ibabaw ng isang napakalawak at napakalambot na king-sized bed. Napakurap-kurap si Chloe habang inililibot ang kanyang paningin."Nasaan ako? Anong lugar ito? Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong niya, habang pilit na inaalala kung paano siya nakarating sa kinaroroonan niya.​Hindi ito ang kanyang madilim at tahimik na silid sa Geneva. Ang kisame ay napapalamutian ng marangyang gintong chandelier na kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang mga pader ay nakabalot sa mamahaling royal blue wallpaper na may mga ukit na ginto, habang ang malalaking bintana ay nagpapakita ng tanawin ng isang napakalawak a

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 145

    ​"Anong ilegal?" bulyaw ni Doña Fatima, ang boses ay matinis at puno ng galit na pumunit sa mabigat na katahimikan ng malawak na boardroom. Tumayo ang matandang matriarch, ang kanyang mga mata ay naglalagablab habang isa-isang tinignan ang mga miyembro ng lupon na kanina pa tila mga maamong tupa sa kaba. "Hindi ilegal ang pagpwesto ni Gavinn sa trono. Malay ba nating totoo yan? At bakit parang pinagbibintangan ninyo ako?" ​Huminga nang malalim si Doña Fatima, pilit ibinabalik ang natitirang awtoridad sa kabila ng nanginginig nitong mga kamay. "We opt to vote, and no matter what, alam niyo naman siguro kung gaano mag perform si Gavinn sa companya?" ​Nanatiling tahimik si Gavinn. ​Hindi siya kumibo. Ang mga mata niya ay nakapako sa makintab na glass table sa kanyang harapan. Pakiramdam niya ay may nakabara sa kanyang lalamunan, isang halo ng matinding pagkadismaya, pagkalito, at ang pamilyar na kirot ng pagtataksil. Nakinig lamang siya habang ang kanyang ina, ang babaeng nagturo sa ka

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 2

    It was a busy Tuesday afternoon sa Shelly’s Cake Corner. The café was packed of freshly baked premium cakes and brownies, and Shelly was currently in the zone. Naka-apron siyang may kaunting bahid ng flour at icing sugar, busy sa paghahanda ng mga orders. At that moment, malabong-malabo nang maki

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 1

    "We lost the regional account! Should we celebrate this incompetence?" Matindi ang tensyon sa Glass Boardroom ng Lucero Prime Holdings sa mga oras na yun. Lahat ng board members ay tikom-bibig, pigil ang hininga at hindi man lang magawang makipag-eye contact. "Sino ang nag-approve ng 12% ad spend

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 5

    Kinakabahan si Shelly habang nakasunod sa likod ng matangkad at eleganteng si Doña Fatima. Wala siyang magagawa; ang aura ng Doña ay hindi nagbibigay ng opsyon para tumanggi. Ramdam niya ang bawat tibok ng puso niya na parang gustong kumawala sa kanyang dibdib. Habang naglalakad sila sa corridor, p

  • Daddy, Stop Mommy's Wedding   Chapter 4

    Habang binabaybay ni Shelly ang abalang highway patungo sa sentro ng business district, abala siya sa pagsagot sa tawag ni Richard sa hands-free system ng kanyang sasakyan. "I'll be home in two days, babe." masayang balita ni Richard sa kabilang linya. "I can't wait to see you and Gabriel. Sobrang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status