Beranda / Romance / FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND / 🔥Chapter 98. Bahala ka! Nakakatampo siya grabe! 🫰🤔

Share

🔥Chapter 98. Bahala ka! Nakakatampo siya grabe! 🫰🤔

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-12 03:19:57

Pero hindi ako pwedeng magtagal dito sa hospital…“Sumasakit pa ang tiyan ko… at kailangan ko nang umalis. Baka mahalata pa nila na buntis pa rin ako. Hirap na akong itago ang lumalaki kong tiyan.”

Sa loob-loob ni Elicia, ramdam niya ang bigat ng bawat pintig ng puso niya—parang kumakatok sa dibdib ang takot. Napahawak siya sa tiyan niyang bahagyang nakaumbok, pilit itong tinatakpan ng jacket na suot niya.

Kinabahan siya. Bawat dumadaang nurse ay parang bantang maaaring makakita sa sikreto niyang pilit niyang itinatago. Pinagpapawisan ang kanyang noo kahit malamig ang aircon ng ospital; nangangatal ang daliri niya habang kinakalma ang sarili.

“Kailangan ko nang umalis… ngayon na.” bulong niya sa isip, kasabay ng kirot na muli na namang sumundot sa kanyang tiyan—mas mahapdi, mas mariin.

Miss Elicia Torrez?!” tawag ng isang boses babaeng mula sa likuran niya, dahilan para mapalingon din si Demon at Janice.

Napakislot si Elicia, para bang kinuryente ang buong katawan niya sa gulat.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 118

    Magaling ang ginawa mo, Elina…” malamig na sabi ni Leonardo habang nakapamulsa ang mga kamay. “Kung palagi ka ba namang ganyan, eh talagang magkakabalikan tayo.” Nanlisik ang mga mata ni Elina, nanginginig ang labi sa pinipigilang luha. “Anong pinagsasabi mo, Leonardo?! Bakit ganyan ka sa anak natin?!” halos pumutok ang dibdib niya sa sakit habang itinuturo si Elicia. Biglang tumawa si Leonardo—isang tawang walang saya, puno ng pait. “Hindi ko siya anak. Tandaan mo ‘yan,” mariing sambit niya. “At huwag mong ipagpilitang akuin ko ang kasalanang hindi naman akin.” Parang sinampal si Elina ng mga salita niya. “Paanong hindi mo anak?! Dugo mo ang dumadaloy sa kanya! Ikaw ang ama niya!” “Hindi!” sigaw ni Leonardo, biglang nagdilim ang mukha. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito kay Elicia! Dahil sa’yo!” itinuro niya si Elina, nanginginig ang daliri sa galit. “Sa anak n’yo ni Demon!”

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 117

    Napaurong si Aling Maria, parang tinamaan ng biglang hampas ng hangin. “M-mag-ama?” ulit niya, halos pabulong, ngunit mas matalim pa sa kutsilyo ang bigat ng salita. “Ibig mong sabihin… ang lalaking yan ang ama ni Elicia?” Tumango ang detektib, mabigat ang mukha. “Opo. Ayon sa mga nakuha naming lumang tala at sa ilang saksi… ang lalaking iyon ang naglabas-masok noon sa T. Tower. Parang gumuho ang mundo ni Kardo. “Kung gayon…” mariin niyang sabi, nanginginig ang panga, “hindi lang pala ang pamilya ng Torrez ang sangkot. May isa pang pamilya ang humahawak sa likod ng lahat ng ito.” Sa kama, biglang bumilis ang tunog ng monitor. Beep. Beep-beep. Napalingon silang lahat. Bahagyang kumunot ang noo ni Demon. Ang mga daliri niyang kanina’y bahagyang kumibot, ngayo’y marahang kumuyom—parang may inaabot sa hangin. Mula sa lalamunan niya, may lumabas na paos at basag na ungol. “…E-Elicia…” Nanlaki ang mata ni Aling Maria. “Kardo…” “Gising na ba siya?” halos pabulong na tanong ng lala

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 116

    Bahagyang kumibot ang mga daliri ni Demon sa ilalim ng kumot, ngunit hindi siya nagising. Isang reflex lamang—isang marupok na tugon ng katawan na patuloy pang nakikipaglaban. Bumagal muli ang tibok sa monitor, parang nag-aalinlangan kung babalik ba siya o mananatili sa dilim. Napaupo si Elicia nang mahina, pilit kinakalma ang sarili kahit nanginginig ang dibdib. “Ayos lang,” bulong niya, kahit siya mismo’y hindi sigurado. “Hintayin kita.” Sa loob ng isipan ni Demon, naghalo ang boses at alaala—galit, sakit, at pagmamahal. Naroon si Elicia, pero malayo. Gusto niyang sumagot, gumalaw, magising—ngunit hinahatak pa rin siya ng aninong ayaw siyang pakawalan. Hindi pa ngayon. ELICIA…!” sigaw ni Demon sa kawalan, basag ang tinig, punô ng takot at pangungulila. “Nasaan ka? Bakit hindi kita makita?!” Nagkalat sa paligid niya ang dilim—walang anyo, walang hanggan. Para siyang lumulutang sa pagitan ng hininga at katahimikan, pilit inaabot ang mga alaala na unti-unting nadudurog. “Kailangan

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 115 Victor Laurent

    Buti nga sa kanya ’yan!” malutong na saad ni Don Ignacio, may halakhak na may halong panunuya habang mahigpit na nakapulupot ang braso ni Janice sa kanya. Ang mga mata niya’y malamig, parang walang bahid ng pagsisisi. “Hahahaha! Dapat nga natuluyan na ’yan para hindi na niya habulin ang yaman ni Demon.” Sumingit si Janice, may mapanuyang ngiti sa labi at boses na tila ba nananadya. “Wala naman na tayong problema ngayon kay Elicia at sa anak nila ni Demon. Baka nga nasa ibang bansa na rin ang sanggol na ’yon.” Bahagya pa niyang itinaas ang baba, parang ipinagmamalaki ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya—mga salitang punô ng kasamaan. “’Wag kang masyadong maingay,” sabat ni Don Ignacio, bahagyang inilapit ang mukha kay Janice, may bakas ng kaba sa tinig. “Baka may makarinig sa ’yo.” Sa di kalayuan, si Demon ay nakatayo, tila nanlalamig ang buong katawan. Wala siyang magawa kundi ang pakinggan ang bawat salitang parang kutsilyong unti-unting sumusugat sa puso niya. Paunti-

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Authors Note

    Kumusta po? Nagustuhan niyo po ba ang takbo ng kwento? Pwede po kayo magbigay ng request o Feedback para malaman ko po kung ano ang nais niya. Salamat po.

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   🔥Chapter 114

    Narinig ang mabilis na yabag ng sapatos sa marmol na sahig ng mansyon habang papalapit si Daniel sa maluwang na sala. Nanginginig ang mga kamay niya—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit at pangamba. Sa gitna ng engrandeng lugar na iyon, pakiramdam niya’y isa siyang maliit na aninong walang karapatan, ngunit buo ang loob niyang humarap. “Daniel…” tawag ni Janice, ang tinig ay may halong pagtataka at pilit na ngiti. “Sino ang kasama mo? Kasama mo ba ang Mama mo?” tanong niya, sinusukat ang anyo ni Daniel mula ulo hanggang paa. Umiling si Daniel, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib. “Hindi ko siya kasama,” mariing sagot niya. “Narito ako para hanapin at kausapin si Demon.” Bago pa makapagsalita si Janice, isang mababang tinig ang sumingit—malamig at may awtoridad. “Bakit? Anong kailangan mo sa anak ko?” tanong ng Don Villamor, dahan-dahang lumalapit mula sa likod ng sala. Ang bawat hakbang nito ay tila may kasamang bigat ng kapangyarihan. Tumingin si Daniel sa Don, hindi umiw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status