เข้าสู่ระบบMetusella Pov Dumating na rin ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat. Ang araw ng kasal namin ni Bruce. Isang engrandeng kasal ang inihanda sa isa sa pinakamagagandang simbahan sa bansa. Mula sa dekorasyon, mga bulaklak, ilaw, hanggang sa bawat sulok ng venue ay pinili ang pinakamagaganda at pinakamamahaling materyales. Walang kahit anong detalye ang nakaligtaan. Maging ang wedding reception ay inihanda sa isang napakalawak na ballroom na kayang tumanggap ng daan-daang bisita.Lahat ay perpekto.O mas tamang sabihin, lahat ay mukhang perpekto. Dahil may isang bagay na hindi alam ng mga taong naroroon. Hindi ako ang babaeng maglalakad patungo sa altar upang pakasalan si Bruce."Bruce, ang guwapo mo naman ngayon!" Papuri ng lahat kay Bruce.Napangiti ang ilang bisitang lumapit sa groom. Nakasuot siya ng mamahaling black tuxedo na sadyang ipinagawa para sa espesyal na araw na iyon. Maayos ang kaniyang buhok at halatang hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi."Thank you," nakangit
Metusella Pov Mabilis na lumipas ang mga araw. Abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa nalalapit naming kasal ni Bruce. Mula sa pagpili ng wedding venue, wedding gown, mga bulaklak, hanggang sa listahan ng mga bisita, halos lahat ay pinagkakaabalahan na. Masayang-masaya ang mga taong nakapaligid sa amin. Lahat ay excited sa nalalapit naming pag-iisang dibdib.Lahat, maliban sa Daddy ko.Hindi lingid sa akin na simula pa lamang ay tutol na siya sa relasyon namin ni Bruce. Ilang beses niya akong binalaan noon na hindi niya gusto ang ugali ng lalaki. Pakiramdam daw niya ay may ibang intensiyon ito sa akin. Ngunit dahil bulag ako sa pagmamahal, hindi ko pinakinggan ang kaniyang mga payo. Sa halip, ipinagtanggol ko pa si Bruce sa harapan niya.Ngayon, alam ko nang tama ang lahat ng sinabi niya.Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang masayang ang pagkakataong makabawi sa kaniya."Metusella, maaari ba tayong mag-usap?"Napatingin ako sa Daddy ko nang marinig ko ang kani
Metusella Pov Maayos ang naging hapunan namin ni Bruce sa isang mamahaling five-star restaurant. Katulad ng dati, napakagalante niya sa akin. Siya mismo ang pumili ng mga pagkaing ihahain sa aming mesa at hindi rin niya nakalimutang tanungin kung nasisiyahan ba ako sa aming dinner. Kung hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao, baka tuluyan na naman akong nahulog sa mga matatamis niyang salita."Are you enjoying your dinner, sweetheart?" tanong niya habang nakangiti sa akin.Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at tumango. "Of course. Thank you for bringing me here.""Anything for you, my love." Magiliw niyang tugon sabay kindat.Napilitang ngumiti ang mga labi ko.My love? Kung alam mo lang kung gaano kita kinasusuklaman ngayon.Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang kunwari ay walang anumang iniisip. Hindi ko rin gustong mahalata ni Bruce na may kakaiba sa akin. Maya-maya, biglang narinig ko ang isang pamilyar na himig. Napahinto ako sa aking pagsubo ng pagkain. Isang banda ang nagsimul
Metusella Pov Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga."Hah... Hah..."Habol-hininga akong napahawak sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko habang mabilis na iniikot ang paningin sa buong silid. Ilang sandali akong hindi nakakilos. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahulog ko sa mahabang hagdanan ng aming mansiyon. Naalala ko ang matinding sakit na naramdaman ko, ang paghingi ko ng tulong kay Bruce, at ang malamig na pagtalikod nila sa akin ni Celine..Ngunit bakit narito ako ulit? Buhay at ni walang galos sa aking katawan?Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin sa mga kamay ko. Sinalat ko ang aking mga braso, balikat, at katawan. Wala akong nararamdamang sakit. Wala ring anumang sugat sa aking balat. Agad kong hinawakan ang aking bibig. Walang dugo, walang masakit sa akin maski konti."Buhay ako..." mahinang sambit ko.Hindi ako makapaniwala. Buhay ako! Nabuhay akong muli!Mabilis akong bumaba ng kama at humarap sa malaking salamin na nakalagay sa isang bahagi n
Metusella PovMaaga kong tinapos ang huling meeting ko nang hapong iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng aking mesa. Espesyal ang araw na iyon para sa akin. Opisyal ko nang itinalaga ang asawa kong si Bruce bilang bagong head ng aking kumpanya. Hindi lamang iyon, ipinangalan ko na rin sa kaniya ang ilan sa aking mga ari-arian. We need to celebrate, iyong kami lang dalawa for more intimacy moments.Pagkatapos ng lahat ng taong ginugol ko sa pagtatrabaho, gusto ko namang magpahinga. Gusto kong magkaroon ng mas maraming oras para sa aking asawa at sa pamilyang bubuuin namin. Pangarap kong maging isang ina at personal na subaybayan ang paglaki ng aming mga magiging anak. Kaya naman naisipan kong maghanda ng isang maliit na sorpresa para kay Bruce."Ma'am, hindi na po ba kayo babalik sa opisina?" tanong ng aking assistant.Umiling ako habang inaayos ang aking handbag."Hindi na. Bukas na natin ituloy ang mga naiwan nating agenda." nakangiting







