แชร์

Chapter 3: The Proposal

ผู้เขียน: MR.ROMANTICO
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-17 08:43:06

Metusella Pov

Maayos ang naging hapunan namin ni Bruce sa isang mamahaling five-star restaurant. Katulad ng dati, napakagalante niya sa akin. Siya mismo ang pumili ng mga pagkaing ihahain sa aming mesa at hindi rin niya nakalimutang tanungin kung nasisiyahan ba ako sa aming dinner. Kung hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao, baka tuluyan na naman akong nahulog sa mga matatamis niyang salita.

"Are you enjoying your dinner, sweetheart?" tanong niya habang nakangiti sa akin.

Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at tumango. "Of course. Thank you for bringing me here."

"Anything for you, my love." Magiliw niyang tugon sabay kindat.

Napilitang ngumiti ang mga labi ko.

My love? Kung alam mo lang kung gaano kita kinasusuklaman ngayon.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang kunwari ay walang anumang iniisip. Hindi ko rin gustong mahalata ni Bruce na may kakaiba sa akin. Maya-maya, biglang narinig ko ang isang pamilyar na himig. Napahinto ako sa aking pagsubo ng pagkain. Isang banda ang nagsimulang tumugtog mula sa kabilang sulok ng restaurant. Ilang sandali pa ay nakilala ko ang kantang iyon.

To Love You More by Celine Dion.

Napatingin ako sa pinanggagalingan ng musika. Iyon ang aming theme song ni Bruce. Sa unang buhay ko, ito ang kantang lagi naming pinakikinggan. Sinabi pa niya noon na sa tuwing maririnig niya ang kantang iyon ay ako raw ang naaalala niya.

Napakabilis ko namang naniwala.

Napakabilis kong nagtiwala.

At napakabilis kong ibinigay ang puso ko sa isang lalaking hindi naman pala karapat-dapat dito. Napabuntong-hininga ako at muling ibinaling ang aking paningin kay Bruce. Ngunit nanlaki ang mga mata ko sa sumunod kong nakita.

Nakaluhod na siya sa harapan ko.

May hawak siyang pulang kahon na naglalaman ng isang napakagandang engagement ring. Napatingin ako sa singsing. Iyon mismo ang singsing na ipinakita niya sa akin sa unang buhay ko.

"Metusella..." Madamdamin niyang wika.

Hindi ako nakasagot. Unti-unting nag-init ang aking mga mata. Ilang sandali pa ay tuluyan nang pumatak ang aking mga luha. Ngunit hindi iyon mga luha ng kaligayahan.

Iyon ay mga luha ng poot.

Mga luhang dulot ng alaala ng lalaking minsang nagtaksil sa akin. Naaalala ko pa kung paano niya ako iniwan sa paanan ng hagdanan. Naaalala ko kung paano niya piniling iligtas ang babaeng karelasyon niya sa halip na tulungan ang sarili niyang asawa.

At ngayon, heto siya.

Nakaluhod sa harapan ko, kunwari ay ako ang babaeng pinakamamahal niya sa buong mundo. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamao sa ilalim ng mesa.

Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong ibuhos sa kaniya ang lahat ng galit na matagal kong kinimkim.

Ngunit nagpigil ako.

Hindi ngayon.

Hindi pa ito ang tamang panahon.

Kailangan kong maging matalino. Hindi ko maaaring hayaang mahalata niya na alam ko na ang lahat ng ginawa niya sa akin sa unang buhay ko.

"Metusella," muli niyang tawag sa akin.

Bahagya siyang ngumiti habang hawak ang pulang kahon.

"Ever since I met you, you've become the most important person in my life. I know I haven't been perfect, but I promise to spend the rest of my life making you happy."

Napapikit ako sandali. Napakahusay mong magsinungaling, Bruce.

"I want to be the man who stands beside you through everything. I want to build a family with you, grow old with you, and spend every remaining day of my life loving you."

Muli kong tiningnan ang singsing. Pagkatapos ay tumingin ako sa kaniya.

"Metusella..."

Huminga siya nang malalim bago tuluyang itanong ang mga salitang hinihintay niyang marinig ko.

"Will you marry me?"

Saglit akong natahimik. Nakatingin sa amin ang ilang taong naroroon. May ilan pang nakangiti at naghihintay sa magiging sagot ko. Muli kong naramdaman ang pagpatak ng aking mga luha. Ngunit sa pagkakataong ito, pinilit kong ngumiti.

"Yes."

Lalong lumawak ang ngiti ni Bruce. "Really?"

Tumango ako. "Yes, Bruce. I will marry you."

Agad niyang isinuot ang singsing sa aking daliri bago tumayo at mahigpit akong niyakap.

"Thank you, sweetheart! I promise I won't disappoint you." Masaya niyang bulalas sabay yakap sa akin.

Napangiti ako habang nakayakap siya sa akin.

Talaga lang, ha? Kung alam mo lang kung gaano ko inaabangan ang araw na matutupad ang pangako mong iyan.

Nang matapos kaming magyakapan, narinig ko ang palakpakan ng mga taong nakasaksi sa proposal. Masayang-masaya si Bruce. Para bang nakuha na niya ang pinakamahalagang bagay sa mundo. At sa paningin niya, isa na naman akong babaeng tuluyang nahulog sa kaniyang mga pangako.

Ngunit nagkakamali siya.

Makalipas ang ilang sandali, nakaupo na kaming muli sa aming mesa. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ni Bruce habang paulit-ulit na tinitingnan ang singsing sa daliri ko.

"You look beautiful with that ring." Aniya.

"Thank you." Maikling sagot dahil nasusuka na ako sa aking pagpapanggap.

"I can't wait to marry you." Sabi pa nito na nakapagkit pa rin ang ngiti sa kanyang labi.

Ngumiti ako at marahang hinawakan ang singsing. "Neither can I."

Napatingin siya sa akin at hinalikan ang aking kamay.

"You're going to be my wife soon." Sabay hawi sa ilang hibla ang aking buhok sa mukha ko.

"Yes, Bruce." Pagpapatinaod ko namang sagot.

Ngunit sa loob-loob ko ay may iba akong iniisip. Tatanggapin ko ang proposal niya. Magpapanggap akong masaya at excited sa nalalapit naming kasal. Hahayaan ko siyang maniwalang wala akong ibang iniisip kundi ang maging asawa niya. Ngunit may isang bagay na hindi niya inaasahan. Walang kasalang magaganap sa pagitan naming dalawa. Hindi siya ang lalaking makakasama ko sa altar.

At hindi siya ang lalaking magiging asawa ko. May iba akong ihahanda para sa araw na iyon. Isang bagay na siguradong hindi niya malilimutan.

Lalo na si Celine.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nilang dalawa kapag nalaman nila ang tunay kong plano. Ngunit isang bagay ang sigurado ako. Excited na akong makita ang mga mukha nila sa araw na inaakala nilang magiging pinakamasayang araw ng buhay namin.

Bruce, enjoy your engagement.

Dahil hindi mo alam na ang singsing na isinuot mo sa daliri ko ngayon ay magiging bahagi ng sarili mong kapahamakan.

Muli akong ngumiti sa kaniya. Sa pagkakataong ito, hindi na ako ang babaeng bulag sa pagmamahal. Ako na ang babaeng may alam sa lahat. At sisiguraduhin kong ako ang magdidikta kung paano magtatapos ang larong sinimulan niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 5: The Wedding

    Metusella Pov Dumating na rin ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat. Ang araw ng kasal namin ni Bruce. Isang engrandeng kasal ang inihanda sa isa sa pinakamagagandang simbahan sa bansa. Mula sa dekorasyon, mga bulaklak, ilaw, hanggang sa bawat sulok ng venue ay pinili ang pinakamagaganda at pinakamamahaling materyales. Walang kahit anong detalye ang nakaligtaan. Maging ang wedding reception ay inihanda sa isang napakalawak na ballroom na kayang tumanggap ng daan-daang bisita.Lahat ay perpekto.O mas tamang sabihin, lahat ay mukhang perpekto. Dahil may isang bagay na hindi alam ng mga taong naroroon. Hindi ako ang babaeng maglalakad patungo sa altar upang pakasalan si Bruce."Bruce, ang guwapo mo naman ngayon!" Papuri ng lahat kay Bruce.Napangiti ang ilang bisitang lumapit sa groom. Nakasuot siya ng mamahaling black tuxedo na sadyang ipinagawa para sa espesyal na araw na iyon. Maayos ang kaniyang buhok at halatang hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi."Thank you," nakangit

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 4: Negotiation

    Metusella Pov Mabilis na lumipas ang mga araw. Abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa nalalapit naming kasal ni Bruce. Mula sa pagpili ng wedding venue, wedding gown, mga bulaklak, hanggang sa listahan ng mga bisita, halos lahat ay pinagkakaabalahan na. Masayang-masaya ang mga taong nakapaligid sa amin. Lahat ay excited sa nalalapit naming pag-iisang dibdib.Lahat, maliban sa Daddy ko.Hindi lingid sa akin na simula pa lamang ay tutol na siya sa relasyon namin ni Bruce. Ilang beses niya akong binalaan noon na hindi niya gusto ang ugali ng lalaki. Pakiramdam daw niya ay may ibang intensiyon ito sa akin. Ngunit dahil bulag ako sa pagmamahal, hindi ko pinakinggan ang kaniyang mga payo. Sa halip, ipinagtanggol ko pa si Bruce sa harapan niya.Ngayon, alam ko nang tama ang lahat ng sinabi niya.Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang masayang ang pagkakataong makabawi sa kaniya."Metusella, maaari ba tayong mag-usap?"Napatingin ako sa Daddy ko nang marinig ko ang kani

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 3: The Proposal

    Metusella Pov Maayos ang naging hapunan namin ni Bruce sa isang mamahaling five-star restaurant. Katulad ng dati, napakagalante niya sa akin. Siya mismo ang pumili ng mga pagkaing ihahain sa aming mesa at hindi rin niya nakalimutang tanungin kung nasisiyahan ba ako sa aming dinner. Kung hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao, baka tuluyan na naman akong nahulog sa mga matatamis niyang salita."Are you enjoying your dinner, sweetheart?" tanong niya habang nakangiti sa akin.Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at tumango. "Of course. Thank you for bringing me here.""Anything for you, my love." Magiliw niyang tugon sabay kindat.Napilitang ngumiti ang mga labi ko.My love? Kung alam mo lang kung gaano kita kinasusuklaman ngayon.Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang kunwari ay walang anumang iniisip. Hindi ko rin gustong mahalata ni Bruce na may kakaiba sa akin. Maya-maya, biglang narinig ko ang isang pamilyar na himig. Napahinto ako sa aking pagsubo ng pagkain. Isang banda ang nagsimul

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 2: Second Life, Second Chance

    Metusella Pov Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga."Hah... Hah..."Habol-hininga akong napahawak sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko habang mabilis na iniikot ang paningin sa buong silid. Ilang sandali akong hindi nakakilos. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahulog ko sa mahabang hagdanan ng aming mansiyon. Naalala ko ang matinding sakit na naramdaman ko, ang paghingi ko ng tulong kay Bruce, at ang malamig na pagtalikod nila sa akin ni Celine..Ngunit bakit narito ako ulit? Buhay at ni walang galos sa aking katawan?Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin sa mga kamay ko. Sinalat ko ang aking mga braso, balikat, at katawan. Wala akong nararamdamang sakit. Wala ring anumang sugat sa aking balat. Agad kong hinawakan ang aking bibig. Walang dugo, walang masakit sa akin maski konti."Buhay ako..." mahinang sambit ko.Hindi ako makapaniwala. Buhay ako! Nabuhay akong muli!Mabilis akong bumaba ng kama at humarap sa malaking salamin na nakalagay sa isang bahagi n

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 1: Betrayed

    Metusella PovMaaga kong tinapos ang huling meeting ko nang hapong iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng aking mesa. Espesyal ang araw na iyon para sa akin. Opisyal ko nang itinalaga ang asawa kong si Bruce bilang bagong head ng aking kumpanya. Hindi lamang iyon, ipinangalan ko na rin sa kaniya ang ilan sa aking mga ari-arian. We need to celebrate, iyong kami lang dalawa for more intimacy moments.Pagkatapos ng lahat ng taong ginugol ko sa pagtatrabaho, gusto ko namang magpahinga. Gusto kong magkaroon ng mas maraming oras para sa aking asawa at sa pamilyang bubuuin namin. Pangarap kong maging isang ina at personal na subaybayan ang paglaki ng aming mga magiging anak. Kaya naman naisipan kong maghanda ng isang maliit na sorpresa para kay Bruce."Ma'am, hindi na po ba kayo babalik sa opisina?" tanong ng aking assistant.Umiling ako habang inaayos ang aking handbag."Hindi na. Bukas na natin ituloy ang mga naiwan nating agenda." nakangiting

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status