แชร์

Chapter 4: Negotiation

ผู้เขียน: MR.ROMANTICO
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-17 08:57:15

Metusella Pov

Mabilis na lumipas ang mga araw. Abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa nalalapit naming kasal ni Bruce. Mula sa pagpili ng wedding venue, wedding gown, mga bulaklak, hanggang sa listahan ng mga bisita, halos lahat ay pinagkakaabalahan na. Masayang-masaya ang mga taong nakapaligid sa amin. Lahat ay excited sa nalalapit naming pag-iisang dibdib.

Lahat, maliban sa Daddy ko.

Hindi lingid sa akin na simula pa lamang ay tutol na siya sa relasyon namin ni Bruce. Ilang beses niya akong binalaan noon na hindi niya gusto ang ugali ng lalaki. Pakiramdam daw niya ay may ibang intensiyon ito sa akin. Ngunit dahil bulag ako sa pagmamahal, hindi ko pinakinggan ang kaniyang mga payo. Sa halip, ipinagtanggol ko pa si Bruce sa harapan niya.

Ngayon, alam ko nang tama ang lahat ng sinabi niya.

Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang masayang ang pagkakataong makabawi sa kaniya.

"Metusella, maaari ba tayong mag-usap?"

Napatingin ako sa Daddy ko nang marinig ko ang kaniyang tinig.

Nasa loob kami ng kaniyang private study. Siya mismo ang nag-utos na ipatawag ako dahil mayroon daw siyang mahalagang sasabihin.

"Of course, Daddy. Is there something wrong?" Sagot ko.

Umupo ako sa sofa habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa harap ng malaking bintana. Ilang sandali siyang natahimik bago humarap sa akin.

"Totoo bang desidido ka na talagang pakasalan si Bruce?" Seryoso niyang tanong.

Bahagya akong napangiti. "Yes, Daddy."

Napabuntong-hininga siya.

"Metusella, ilang beses ko nang sinabi sa iyo na hindi ako sang-ayon sa lalaking iyan. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya."

Tahimik akong nakinig.

"Anak, hindi lahat ng lalaking nagsasabi ng mahal ka ay totoong nagmamahal sa iyo. Hindi ko gustong dumating ang araw na pagsisihan mo ang desisyon mo." Payo pa niya sa akin.

Sandaling yumuko ako. Sa unang buhay ko, ilang beses kong narinig ang mga salitang iyan mula sa kaniya. Ngunit hindi ko pinakinggan. Ngayon, gusto kong humingi ng tawad dahil naging matigas ang ulo ko noon.

"Daddy..." Maalumanay kong sabi.

Tumingin siya sa akin.

"I'm sorry."

Bahagya siyang nagulat. "Why are you apologizing?"

"Because I didn't listen to you before. I thought I knew what was best for me, but I was wrong." Hindi ko na natigilan sabihin.

Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Anak, hindi ko naman hinihinging sundin mo ang lahat ng sinasabi ko. Gusto ko lamang na maging maingat ka." Masuyo niyang turan.

Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Don't worry, Daddy. This time, I'll listen to you."

"Are you sure?" Paninigurado niyang tanong.

Tumango ako. "Yes. And I have something to discuss with you. But I want it to remain between the two of us."

Naging seryoso ang kaniyang ekspresyon. "What is it?"

Lumapit ako nang bahagya upang ibulong sa kaniya ang plano ko. Hindi ko maaaring hayaang malaman ng ibang tao ang tunay kong balak. Lalo na sina Bruce at Celine. Ilang sandali akong kinausap ni Daddy tungkol sa bagay na iyon. Noong una ay halatang nagulat siya sa sinabi ko, ngunit kalaunan ay unti-unting nagbago ang kaniyang ekspresyon.

"Are you really determined to do this?" Nag-aalangan siya sa sinabi ko.

"Yes, Daddy. I know exactly what I'm doing." Determinado ko namang sagot.

Napailing siya bago napangiti nang bahagya. "All right. I'll trust you this time."

Mahigpit ko siyang niyakap. "Thank you, Daddy."

Sa wakas, magkakaroon na ako ng pagkakataong itama ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ko sa unang buhay. Paglabas ko sa private study ni Daddy ay agad kong hinanap si Celine. Hindi nagtagal ay nakita ko siya sa guest lounge, abala sa pagtingin ng ilang wedding samples.

"Celine!" Tawag ko sa kanyam

Agad siyang napalingon sa akin.

"Metusella! You're here."

Ngumiti ako at umupo sa sofa sa tapat niya. "May ipapakiusap sana ako sa iyo."

"Ano iyon?" Kunot noong tanong niya.

"Alam mo namang malapit na ang kasal namin ni Bruce, hindi ba?"

Agad siyang ngumiti.

"Of course! I'm so excited for you. I can't wait to see you in your wedding gown!" Masayang sagot niya pero hindi ang kanyang mga mata.

Napangiti rin ako. "Actually, kaya kita ipinatawag dahil may gusto akong ipagawa sa iyo."

"Anything! You know I'll do anything for you." Excited niyang tugon.

Talaga? Kahit ang sarili mong kapahamakan?

Hindi ko iyon sinabi nang malakas.nSa halip, marahan akong ngumiti.

"Gusto kong ikaw na ang bahala sa lahat ng paghahanda para sa kasal namin ni Bruce." Bilin ko agad sa kanya.

Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya. "Me?"

Tumango ako.

"Yes. I trust you, Celine. Tutal, kilala mo naman ang mga gusto ko. Ikaw na ang bahalang makipag-usap sa wedding planner, sa venue coordinator, at sa lahat ng taong may kinalaman sa preparations."

"Are you sure? Hindi ba dapat ikaw ang personal na nangangasiwa sa mga iyan?" Nagtataka nitong tanong.

Umiling ako. "I have other things to attend to. Besides, I know you can handle everything."

Hindi maitago ni Celine ang kaniyang saya.

"Of course! Don't worry, Metusella. I'll make sure everything will be perfect. This will be the most beautiful wedding ever!"

"Thank you, Celine." Kunwari ay masaya kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko. "You're welcome! I promise I won't disappoint you."

Napangiti ako at tinitigan siya nang matiim.

Oh, Celine. Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya sa pagtanggap mo sa responsibilidad na iyan. Tutal, mas bagay naman talagang ikaw ang ikasal kay Bruce.

Hindi ko maiwasang mapangisi sa sarili kong iniisip. Sa unang buhay ko, siya ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng pagsasama namin ni Bruce.

Ngayon, bakit hindi ko sila bibigyan ng pagkakataong magkasama?

Kung sabik na sabik silang magkaroon ng isa't isa, wala akong balak na humarang. Ibibigay ko sa kanila ang pagkakataong matupad ang gusto nila. Ngunit hindi sa paraang inaasahan nila.

Kinabukasan, maaga akong umalis ng mansiyon. Walang ibang nakaaalam sa pupuntahan ko maliban kay Daddy at sa iilang taong pinagkakatiwalaan ko. May mahalaga akong lakad at may isa taong gusto kong makausap. Isang taong dapat ko sanang nakilala at pinakasalan sa unang buhay ko.

Si Cedric Don Laxama.

Ang tagapagmana ng Laxamana Group at isa sa pinakabatang bilyonaryong negosyante sa bansa. Noong una, may napag-usapang arranged marriage ang aming mga magulang. Ngunit dahil tutol ako noon at mahal na mahal ko si Bruce, ginawa ko ang lahat upang hindi matuloy ang kasunduang iyon. Hindi ko man lamang binigyan ng pagkakataon si Cedric na makilala ako. At ngayon, muli kaming magkikita.

Pagdating ko sa napagkasunduang restaurant, agad akong sinalubong ng isang waiter.

"Good afternoon, ma'am. May reservation po ba kayo?"

"Yes. Under the name Laxama." Nakangiti kong sagot.

"Of course, ma'am. Please follow me."

Sinundan ko siya patungo sa isang private dining area. Pagbukas ng p***o ay agad kong nakita ang isang lalaking nakaupo sa tabi ng malaking bintana. Nakasuot siya ng mamahaling dark suit. Maayos ang kaniyang buhok at seryoso ang ekspresyon habang may binabasang dokumento. Nang marinig niya ang pagbukas ng p***o ay agad siyang tumingala. Nagtagpo ang aming mga paningin.

Si Cedric.

Ilang sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla kong naalala ang lahat ng pagkakataong dapat sana ay nakasama ko siya sa unang buhay ko. Hindi ko siya pinakasalan noon. Hindi ko man lamang binigyan ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ko. Tumayo siya at maayos na inayos ang kaniyang suit.

"Miss Metusella?"

Ngumiti ako. "Mr. Cedric."

Iniabot niya ang kaniyang kamay.

"It's a pleasure to finally meet you."

Tinanggap ko ang kaniyang pakikipagkamay.

"The pleasure is mine."

Inanyayahan niya akong maupo. "Please, have a seat."

Umupo ako sa tapat niya.

"I hope you don't mind me requesting this meeting," panimula ko.

"Not at all. Actually, I was quite surprised when I received your message." Sagot niya sabay titig sa akin.

Bahagya siyang ngumiti. "Especially since our families haven't had any communication regarding the arrangement for quite some time."

Tumango ako. "I know. And I'm aware that I was the one who refused the arrangement before."

Hindi siya agad sumagot. "I see."

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"Mr. Cedric, I know this might sound unexpected, but I would like to discuss our parents' previous marriage arrangement."

Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. "Our marriage arrangement?"

Tumango ako. "Yes."

Sandali niya akong pinagmasdan bago marahang isinara ang dokumentong hawak niya.

"May I know why?"

Ngumiti ako nang bahagya.

"Because I think it's time to reconsider it."

Naging seryoso ang kaniyang ekspresyon.

"Are you certain about that, Miss Metusella?"

Hindi ako nag-atubiling sumagot. "Yes. I'm certain."

Sa unang pagkakataon matapos ang aking muling pagkabuhay, nakaramdam ako ng kakaibang kapanatagan. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging takbo ng aming pag-uusap ni Cedric. Hindi ko rin alam kung magiging matagumpay ang plano ko. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin. Hindi na ako ang babaeng basta-basta magpapadala sa matatamis na salita ng isang lalaki.

Sa pagkakataong ito, ako ang pipili kung sino ang karapat-dapat na maging bahagi ng buhay ko. At kung papayag si Cedric sa aking alok, maaaring siya ang maging susi sa tuluyang pagbabago ng aking kapalaran.

Bruce, Celine...

Habang abala kayo sa paghahanda ng kasal na akala ninyo ay para sa akin at kay Bruce, may sarili akong inihahandang sorpresa.

At siguradong hindi ninyo magugustuhan ang magiging resulta.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 5: The Wedding

    Metusella Pov Dumating na rin ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat. Ang araw ng kasal namin ni Bruce. Isang engrandeng kasal ang inihanda sa isa sa pinakamagagandang simbahan sa bansa. Mula sa dekorasyon, mga bulaklak, ilaw, hanggang sa bawat sulok ng venue ay pinili ang pinakamagaganda at pinakamamahaling materyales. Walang kahit anong detalye ang nakaligtaan. Maging ang wedding reception ay inihanda sa isang napakalawak na ballroom na kayang tumanggap ng daan-daang bisita.Lahat ay perpekto.O mas tamang sabihin, lahat ay mukhang perpekto. Dahil may isang bagay na hindi alam ng mga taong naroroon. Hindi ako ang babaeng maglalakad patungo sa altar upang pakasalan si Bruce."Bruce, ang guwapo mo naman ngayon!" Papuri ng lahat kay Bruce.Napangiti ang ilang bisitang lumapit sa groom. Nakasuot siya ng mamahaling black tuxedo na sadyang ipinagawa para sa espesyal na araw na iyon. Maayos ang kaniyang buhok at halatang hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi."Thank you," nakangit

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 4: Negotiation

    Metusella Pov Mabilis na lumipas ang mga araw. Abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa nalalapit naming kasal ni Bruce. Mula sa pagpili ng wedding venue, wedding gown, mga bulaklak, hanggang sa listahan ng mga bisita, halos lahat ay pinagkakaabalahan na. Masayang-masaya ang mga taong nakapaligid sa amin. Lahat ay excited sa nalalapit naming pag-iisang dibdib.Lahat, maliban sa Daddy ko.Hindi lingid sa akin na simula pa lamang ay tutol na siya sa relasyon namin ni Bruce. Ilang beses niya akong binalaan noon na hindi niya gusto ang ugali ng lalaki. Pakiramdam daw niya ay may ibang intensiyon ito sa akin. Ngunit dahil bulag ako sa pagmamahal, hindi ko pinakinggan ang kaniyang mga payo. Sa halip, ipinagtanggol ko pa si Bruce sa harapan niya.Ngayon, alam ko nang tama ang lahat ng sinabi niya.Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang masayang ang pagkakataong makabawi sa kaniya."Metusella, maaari ba tayong mag-usap?"Napatingin ako sa Daddy ko nang marinig ko ang kani

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 3: The Proposal

    Metusella Pov Maayos ang naging hapunan namin ni Bruce sa isang mamahaling five-star restaurant. Katulad ng dati, napakagalante niya sa akin. Siya mismo ang pumili ng mga pagkaing ihahain sa aming mesa at hindi rin niya nakalimutang tanungin kung nasisiyahan ba ako sa aming dinner. Kung hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao, baka tuluyan na naman akong nahulog sa mga matatamis niyang salita."Are you enjoying your dinner, sweetheart?" tanong niya habang nakangiti sa akin.Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at tumango. "Of course. Thank you for bringing me here.""Anything for you, my love." Magiliw niyang tugon sabay kindat.Napilitang ngumiti ang mga labi ko.My love? Kung alam mo lang kung gaano kita kinasusuklaman ngayon.Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang kunwari ay walang anumang iniisip. Hindi ko rin gustong mahalata ni Bruce na may kakaiba sa akin. Maya-maya, biglang narinig ko ang isang pamilyar na himig. Napahinto ako sa aking pagsubo ng pagkain. Isang banda ang nagsimul

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 2: Second Life, Second Chance

    Metusella Pov Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga."Hah... Hah..."Habol-hininga akong napahawak sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko habang mabilis na iniikot ang paningin sa buong silid. Ilang sandali akong hindi nakakilos. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahulog ko sa mahabang hagdanan ng aming mansiyon. Naalala ko ang matinding sakit na naramdaman ko, ang paghingi ko ng tulong kay Bruce, at ang malamig na pagtalikod nila sa akin ni Celine..Ngunit bakit narito ako ulit? Buhay at ni walang galos sa aking katawan?Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin sa mga kamay ko. Sinalat ko ang aking mga braso, balikat, at katawan. Wala akong nararamdamang sakit. Wala ring anumang sugat sa aking balat. Agad kong hinawakan ang aking bibig. Walang dugo, walang masakit sa akin maski konti."Buhay ako..." mahinang sambit ko.Hindi ako makapaniwala. Buhay ako! Nabuhay akong muli!Mabilis akong bumaba ng kama at humarap sa malaking salamin na nakalagay sa isang bahagi n

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 1: Betrayed

    Metusella PovMaaga kong tinapos ang huling meeting ko nang hapong iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng aking mesa. Espesyal ang araw na iyon para sa akin. Opisyal ko nang itinalaga ang asawa kong si Bruce bilang bagong head ng aking kumpanya. Hindi lamang iyon, ipinangalan ko na rin sa kaniya ang ilan sa aking mga ari-arian. We need to celebrate, iyong kami lang dalawa for more intimacy moments.Pagkatapos ng lahat ng taong ginugol ko sa pagtatrabaho, gusto ko namang magpahinga. Gusto kong magkaroon ng mas maraming oras para sa aking asawa at sa pamilyang bubuuin namin. Pangarap kong maging isang ina at personal na subaybayan ang paglaki ng aming mga magiging anak. Kaya naman naisipan kong maghanda ng isang maliit na sorpresa para kay Bruce."Ma'am, hindi na po ba kayo babalik sa opisina?" tanong ng aking assistant.Umiling ako habang inaayos ang aking handbag."Hindi na. Bukas na natin ituloy ang mga naiwan nating agenda." nakangiting

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status