แชร์

Chapter 5: The Wedding

ผู้เขียน: MR.ROMANTICO
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-17 09:11:03

Metusella Pov

Dumating na rin ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat. Ang araw ng kasal namin ni Bruce. Isang engrandeng kasal ang inihanda sa isa sa pinakamagagandang simbahan sa bansa. Mula sa dekorasyon, mga bulaklak, ilaw, hanggang sa bawat sulok ng venue ay pinili ang pinakamagaganda at pinakamamahaling materyales. Walang kahit anong detalye ang nakaligtaan. Maging ang wedding reception ay inihanda sa isang napakalawak na ballroom na kayang tumanggap ng daan-daang bisita.

Lahat ay perpekto.

O mas tamang sabihin, lahat ay mukhang perpekto. Dahil may isang bagay na hindi alam ng mga taong naroroon. Hindi ako ang babaeng maglalakad patungo sa altar upang pakasalan si Bruce.

"Bruce, ang guwapo mo naman ngayon!" Papuri ng lahat kay Bruce.

Napangiti ang ilang bisitang lumapit sa groom. Nakasuot siya ng mamahaling black tuxedo na sadyang ipinagawa para sa espesyal na araw na iyon. Maayos ang kaniyang buhok at halatang hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi.

"Thank you," nakangiting sagot niya.

Sa kabilang bahagi naman ay abalang inaayos ni Celine ang kaniyang sarili. Nakasuot siya ng isang maikling wedding dress na sadyang pinili ko para sa kaniya.

Noong una ay nagulat pa siya nang sabihin kong iyon ang gusto kong maging suot niya sa araw ng kasal. Ngunit dahil sinabi kong mas moderno at eleganteng tingnan ang ganoong disenyo, agad niya itong nagustuhan. Ngayon, kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan. Paminsan-minsan ay palihim silang nagkakatinginan ni Bruce.

May mga pagkakataon pang nagkakangitian sila na para bang hindi na makapaghintay na matapos ang seremonya.

Napakasaya ninyo, ah.

Sigurado akong hindi ninyo malilimutan ang araw na ito. Hindi ko maiwasang mapangisi habang iniisip iyon.

Mabilis na lumipas ang oras.

Isa-isang dumating ang mga bisita. Naroon ang ilang kilalang negosyante, mga kaibigan ng pamilya, at mga personalidad na inimbitahan para sa engrandeng kasal. Halos mapuno na ang buong simbahan. Ngunit may isang bagay na napansin ng lahat.

Wala pa ang bride.

"Nasaan na kaya si Metusella?" Mga tanong nila.

"Late ba siya?" May ilan namang nagsabi.

"Imposibleng hindi pa siya dumating. Ilang oras na tayong naghihintay." Sabi naman ng ibang naroroon.

Nagsimulang magbulungan ang mga bisita. Sa una ay kalmado lamang si Bruce. Panay pa ang tingin niya sa kaniyang relo habang pinipilit panatilihin ang ngiti. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti nang nagbabago ang kaniyang ekspresyon.

Lumapit sa kaniya si Celine. "Bruce, nasaan na kaya si Metusella?"

"I don't know. Hindi ko rin siya matawagan." Pabulong nitong sagot.

Celine shrugged. "Maybe she's just delayed."

Napatingin si Bruce sa kaniya. "I hope so."

Ngunit hindi na maitago ng dalawa ang kanilang pagkainip. Ilang minuto pa ang lumipas. Wala pa rin ako. Nagsimula nang magtanong ang mga bisita. May ilan nang tumayo upang umalis dahil sa tagal ng paghihintay. Samantala, si Bruce ay halos hindi na mapakali.

"Where is she?" bulong niya.

"Bruce, calm down." Agad na sabi sa kanya ni Celine.

"How can I calm down? Ilang oras na tayong naghihintay!" May inis na sa boses ni Bruce.

Hindi na rin maipinta ang mukha ni Celine. Kanina ay napakatamis ng kaniyang ngiti, ngunit ngayon ay halatang kinakabahan na siya. Maya-maya ay biglang namatay ang ilang ilaw sa loob ng simbahan. Napatingin ang lahat sa malaking screen na nakalagay sa harapan.

"What's happening?" Bulalas ng ilan.

"May announcement ba?"

Bago pa makapagtanong ang iba, biglang lumitaw ang isang live video sa malaking screen. Agad na napatingin ang lahat. At sa sumunod na sandali, tuluyang natahimik ang buong simbahan.

Isang napakagandang babae ang makikita sa video. Nakasuot siya ng isang bonggang wedding gown na may mahabang belo at napakagandang disenyo. Napakaganda ng pagkakaburda nito at halos kumikinang sa bawat galaw niya.

Ako iyon.

Ngunit hindi ako nag-iisang nakatayo sa harapan ng altar. Nasa tabi ko ang isang lalaking nakasuot din ng mamahaling tuxedo.

Si Cedric Don Laxama.

Ang bilyonaryong tagapagmana ng Laxamana Group.

Nakaupo ang aming mga magulang sa unang hanay habang nakangiti at masayang pinagmamasdan ang seremonya. Hindi makapaniwala ang mga bisita sa simbahan.

"Wait... Si Metusella ba 'yan?" May nagsabi sabay turo sa malaking screen.

"Kasama niya si Cedric Laxama!" Sagot naman ng iba.

"Are they getting married?" Nagtatakang tanong ng karamihan sa kanila.

"Impossible!" Bulalas naman ng family side ni Bruce.

Samantala, para namang nawalan ng kulay ang mukha ni Bruce.

"What the hell is this?"

Hindi makapagsalita si Celine. Nakatitig lamang siya sa malaking screen habang unti-unting namumutla. Sa video, marahang hinawakan ni Cedric ang aking kamay. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Are you ready, sweetheart?" Magiliw niyang tanong.

Ngumiti rin ako. "Yes, I'm ready."

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang seremonya. Narinig ang palitan namin ng mga panata at ang pagbati ng pari. Hanggang sa dumating ang pinakahihintay na sandali.

"You may now kiss the bride." Anunsiyo ng pari.

Marahang inilapit ni Cedric ang kaniyang mukha sa akin at hinalikan ako sa noo. Nagsipalakpakan ang mga taong naroroon. Napakaganda ng sandaling iyon. At sa kabilang simbahan, walang imik na nakatingin sina Bruce at Celine sa malaking screen. Hindi pa roon natapos ang lahat. Biglang lumitaw ang isang mensahe sa screen. Isang mensaheng personal kong ipinahanda para sa kanila.

"Bruce, nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sa inyo?"

"Metusella!" Malakas na sigaw ni Bruce.

Napalingon sa kaniya ang lahat.

"What is the meaning of this?!"

Hindi niya maitago ang galit habang nakatitig sa screen. Samantala, halos hindi makapagsalita si Celine.

"Bruce... kasal na siya sa iba? Papaano nangyari iyon?" Hindi makapaniwalang sabi ni Celine.

Hindi siya sinagot ni Bruce. Sa halip, mariin niyang kinuyom ang kaniyang mga kamao.

"She can't do this to me!" Galit na sigaw ni Bruce.

Napatingin sa kaniya ang ilan sa mga bisita.

"To you?" tanong ng isang lalaking malapit sa kaniya. "Hindi ba dapat ikaw ang ikakasal kay Metusella ngayon?"

Walang naisagot si Bruce. Dahil alam niyang wala siyang maipapaliwanag na hindi magpapasama sa kaniyang sitwasyon. Si Celine naman ay halos hindi na mapakali.

"Bruce, what are we going to do?" Taranta nitong tanong.

Ngunit hindi pa rin siya makasagot. Sa loob ng ilang minuto, ang kasal na inaasahan nilang magiging simula ng kanilang masayang buhay ay nauwi sa isang malaking kahihiyan. Samantala, sa kabilang simbahan ay masaya akong nakatayo sa tabi ng aking bagong asawa.

"Are you happy?" mahinang tanong ni Cedric habang hawak ang aking kamay.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Very happy."

"Good. You deserve to be happy." Masaya din niyang tugon sa akin.

Sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung bakit, ngunit iba ang pakiramdam na marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Wala akong nararamdamang pangangailangang magpanggap na masaya. Wala akong kailangang patunayan. At higit sa lahat, wala akong kailangang ipagpalit upang mahalin ako. Muli kong tiningnan ang aking wedding ring. Sa unang buhay ko, ibang lalaki ang dapat sana ay nasa tabi ko sa araw na ito.

Ngunit ngayon, si Cedric na.

At hindi ko pagsisisihan ang desisyong ginawa ko.

Bruce, Celine...

Akala ninyo ba ay papayag akong maging biktima ninyo habang buhay?

Hindi na.

Sa pagkakataong ito, ako ang gumawa ng unang hakbang. At simula ngayon, wala na kayong lugar sa buhay ko.

Muli akong ngumiti habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng aking asawa. Ang kasal na inaakala nina Bruce at Celine na magiging simula ng kanilang kaligayahan ay siya palang araw ng kanilang pinakamalaking kahihiyan.

At para sa akin?

Ito ang simula ng bago kong buhay.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 5: The Wedding

    Metusella Pov Dumating na rin ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat. Ang araw ng kasal namin ni Bruce. Isang engrandeng kasal ang inihanda sa isa sa pinakamagagandang simbahan sa bansa. Mula sa dekorasyon, mga bulaklak, ilaw, hanggang sa bawat sulok ng venue ay pinili ang pinakamagaganda at pinakamamahaling materyales. Walang kahit anong detalye ang nakaligtaan. Maging ang wedding reception ay inihanda sa isang napakalawak na ballroom na kayang tumanggap ng daan-daang bisita.Lahat ay perpekto.O mas tamang sabihin, lahat ay mukhang perpekto. Dahil may isang bagay na hindi alam ng mga taong naroroon. Hindi ako ang babaeng maglalakad patungo sa altar upang pakasalan si Bruce."Bruce, ang guwapo mo naman ngayon!" Papuri ng lahat kay Bruce.Napangiti ang ilang bisitang lumapit sa groom. Nakasuot siya ng mamahaling black tuxedo na sadyang ipinagawa para sa espesyal na araw na iyon. Maayos ang kaniyang buhok at halatang hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi."Thank you," nakangit

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 4: Negotiation

    Metusella Pov Mabilis na lumipas ang mga araw. Abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa nalalapit naming kasal ni Bruce. Mula sa pagpili ng wedding venue, wedding gown, mga bulaklak, hanggang sa listahan ng mga bisita, halos lahat ay pinagkakaabalahan na. Masayang-masaya ang mga taong nakapaligid sa amin. Lahat ay excited sa nalalapit naming pag-iisang dibdib.Lahat, maliban sa Daddy ko.Hindi lingid sa akin na simula pa lamang ay tutol na siya sa relasyon namin ni Bruce. Ilang beses niya akong binalaan noon na hindi niya gusto ang ugali ng lalaki. Pakiramdam daw niya ay may ibang intensiyon ito sa akin. Ngunit dahil bulag ako sa pagmamahal, hindi ko pinakinggan ang kaniyang mga payo. Sa halip, ipinagtanggol ko pa si Bruce sa harapan niya.Ngayon, alam ko nang tama ang lahat ng sinabi niya.Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang masayang ang pagkakataong makabawi sa kaniya."Metusella, maaari ba tayong mag-usap?"Napatingin ako sa Daddy ko nang marinig ko ang kani

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 3: The Proposal

    Metusella Pov Maayos ang naging hapunan namin ni Bruce sa isang mamahaling five-star restaurant. Katulad ng dati, napakagalante niya sa akin. Siya mismo ang pumili ng mga pagkaing ihahain sa aming mesa at hindi rin niya nakalimutang tanungin kung nasisiyahan ba ako sa aming dinner. Kung hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao, baka tuluyan na naman akong nahulog sa mga matatamis niyang salita."Are you enjoying your dinner, sweetheart?" tanong niya habang nakangiti sa akin.Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at tumango. "Of course. Thank you for bringing me here.""Anything for you, my love." Magiliw niyang tugon sabay kindat.Napilitang ngumiti ang mga labi ko.My love? Kung alam mo lang kung gaano kita kinasusuklaman ngayon.Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang kunwari ay walang anumang iniisip. Hindi ko rin gustong mahalata ni Bruce na may kakaiba sa akin. Maya-maya, biglang narinig ko ang isang pamilyar na himig. Napahinto ako sa aking pagsubo ng pagkain. Isang banda ang nagsimul

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 2: Second Life, Second Chance

    Metusella Pov Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga."Hah... Hah..."Habol-hininga akong napahawak sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko habang mabilis na iniikot ang paningin sa buong silid. Ilang sandali akong hindi nakakilos. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahulog ko sa mahabang hagdanan ng aming mansiyon. Naalala ko ang matinding sakit na naramdaman ko, ang paghingi ko ng tulong kay Bruce, at ang malamig na pagtalikod nila sa akin ni Celine..Ngunit bakit narito ako ulit? Buhay at ni walang galos sa aking katawan?Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin sa mga kamay ko. Sinalat ko ang aking mga braso, balikat, at katawan. Wala akong nararamdamang sakit. Wala ring anumang sugat sa aking balat. Agad kong hinawakan ang aking bibig. Walang dugo, walang masakit sa akin maski konti."Buhay ako..." mahinang sambit ko.Hindi ako makapaniwala. Buhay ako! Nabuhay akong muli!Mabilis akong bumaba ng kama at humarap sa malaking salamin na nakalagay sa isang bahagi n

  • I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE    Chapter 1: Betrayed

    Metusella PovMaaga kong tinapos ang huling meeting ko nang hapong iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng aking mesa. Espesyal ang araw na iyon para sa akin. Opisyal ko nang itinalaga ang asawa kong si Bruce bilang bagong head ng aking kumpanya. Hindi lamang iyon, ipinangalan ko na rin sa kaniya ang ilan sa aking mga ari-arian. We need to celebrate, iyong kami lang dalawa for more intimacy moments.Pagkatapos ng lahat ng taong ginugol ko sa pagtatrabaho, gusto ko namang magpahinga. Gusto kong magkaroon ng mas maraming oras para sa aking asawa at sa pamilyang bubuuin namin. Pangarap kong maging isang ina at personal na subaybayan ang paglaki ng aming mga magiging anak. Kaya naman naisipan kong maghanda ng isang maliit na sorpresa para kay Bruce."Ma'am, hindi na po ba kayo babalik sa opisina?" tanong ng aking assistant.Umiling ako habang inaayos ang aking handbag."Hindi na. Bukas na natin ituloy ang mga naiwan nating agenda." nakangiting

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status