Share

Chapter 8

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-10-01 22:22:15

Weeks has passed, parang wala lang nangyari. Magkasama nga sila sa isang opisina sina Honey at Zack ngunit para silang mga pipi at bingi. Malamig pa sa yelo ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. Maliban na lang sa tuwing may kailangan sila.

Si Honey nga ang acting CEO ng kumpanya ngunit si Zack ang gumawa ng trabaho niya. Tanging ginawa na lang niya ay taga pirma ng mga papeles na kailangan ng pirma niya. Maliban doon ay wala na. Nagmistula siyang tambay sa opisina ng ama niya.

Na-miss tuloy niya ang kaibigang si Jhaira at ang dating ka-trabaho niya. Dati kasi kahit wala siyang ginagawa ay may makakausap siya ngayon kahit simpleng hi o hello ay wala man lang lumabas sa bibig niya.

Kulang na lang kausapin niya ang dingding, kisame, mga lapis at ballpen sa harap, monitor na naka-bukas lang at di nagalaw dahil wala naman siyang gagawin.

Napa Buntong hininga na lang si Honey at naisipan maglaro na lang ng candy crush. Nalibang siya sa kalalaro kung kayat hindi niya namalayan ang pagpaso
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cherrie Baccay
thank you Miss A lakas manukso si Jhaira kay Honey hehehe
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
happy Honey na uuwi na Ang parents mo
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
thank you Miss A ...️...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 9

    Nagising si Honey na masakit ang ulo kinabukasan. Hindi pa sana siya babangon kung hindi lang dahil sa tunog ng cellphone niya. Kanina pa ito ring ng ring. Kung sino man ang distorbo ng ganito kaaga ay malilintikan talaga sa kanya. Hindi siya sanay may gumising sa kanya. Nakita niyang assistant lang naman ng daddy niya ang tawag ng tawag na ikakunot ng noo niya. Nasa 20 miss calls na ang lalaki.Hindi mahilig tumawag si Zack. Kahit simpleng text messages ay hindi nito nagawa sa buong durasyon ng pagiging acting CEO niya sa kumpanya nila. Lahat ng transaksyon ay ginagawa nila sa opisina. Kaya nakapagtataka na tawag ito ng tawag sa kanya.“What?” yun agad ang bungad niya dito. Talagang ipinaramdam niya na disturb ito sa ginawa niang pagpaahinga.“Anong what? Your mom and dad are missing. Kanina pa ako tawag ng tawag!” bulyaw sa kanya ng lalaki.“W-what?” hindi makapaniwala na tanong ni Honey. “How come? Hindi ba at pauwi na sila?”“Yes. Unfortunately, the plane where your parents' fl

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 8

    Weeks has passed, parang wala lang nangyari. Magkasama nga sila sa isang opisina sina Honey at Zack ngunit para silang mga pipi at bingi. Malamig pa sa yelo ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. Maliban na lang sa tuwing may kailangan sila. Si Honey nga ang acting CEO ng kumpanya ngunit si Zack ang gumawa ng trabaho niya. Tanging ginawa na lang niya ay taga pirma ng mga papeles na kailangan ng pirma niya. Maliban doon ay wala na. Nagmistula siyang tambay sa opisina ng ama niya. Na-miss tuloy niya ang kaibigang si Jhaira at ang dating ka-trabaho niya. Dati kasi kahit wala siyang ginagawa ay may makakausap siya ngayon kahit simpleng hi o hello ay wala man lang lumabas sa bibig niya. Kulang na lang kausapin niya ang dingding, kisame, mga lapis at ballpen sa harap, monitor na naka-bukas lang at di nagalaw dahil wala naman siyang gagawin. Napa Buntong hininga na lang si Honey at naisipan maglaro na lang ng candy crush. Nalibang siya sa kalalaro kung kayat hindi niya namalayan ang pagpaso

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 7

    “What the hell is this?” Bulyaw ni Honey sa lalaki. “Opisina mo,” parang wala lang na sagot ni Zack kay Honey.“Ano ako? Bata? Mahilig sa pink?” Pilosopong tanong ni Honey kay Zack.Paano ba kasi hindi siya magagalit kung ang opisina niya ay puros pink na kulay ang nakikita niya. Pink ang kulay ng swivel chair, pink na lamesa, pink na sofa, pink na bubong, pink na kurtina. Kulang na lang pati kisame ay kulayan din ng pink. “Alisin mo yan. Ibalik mo sa dati ang opisina ng daddy ko.” Matigas na utos niya sa lalaki. Padapog siyang umupo sa pink na sofa. Sa sofa na rin niya nilagay ang bag na dala niya. Itinaas niya ang kaliwang binti ay ipinatong sa kanang binti saka pinag-cruz arm niya ang mga braso sa dibdib. Ipinakita talaga niya sa lalaki na hindi siya natutuwa sa ginagawa nito. “Alright. Pwede bang lumabas ka muna? Magpapatawag ako ng magbabago ng design na ito,” mahinahong wika ni Zack. “No. Dito lang ako. Ako mismo ang magbabantay sa pagbabago ng disenyo. Baka kung ano na na

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 6

    “Saan ako uupo, dad?” Tanong ni Honey sa ama matapos mapansin na wala namang nadagdag na table sa opisina o kahit sa labas man lang. “Here,” sagot ni Eduardo sa anak. “What?” Hindi makapaniwala na sagot ni Honey sa turo niya sa swivel chair ng ama. “Eh, upuan mo yan, dad.” “Sweetie, sayo muna yan.” “Nge, paano ka?” “Don't worry about me. Aalis din kami ng mommy mo,” sagot ni Eduardo sa anak. “What? Aalis kayo?” Tanong ni Honey. “Paano ang company?” “Sweetie, this is not the first na umalis kami ng mommy and kasama ka pa doon, di ba?” “Yeah, but how about me? Hindi nyo ak9 isasama?” Tanong pa ni Honey. “No. It's time for you to learn how to handle our businesses,” sagot ni Eduardo sa anak. “So, from now on, you will become the acting CEO of our company.” “What? No, dad. Hindi ko kaya yon,” reklamo ni Honey. “Wala akong alam sa ganito.” “Kaya nga mag-train ka di ba?” Sabi ni Eduardo. “Paano mo malalaman ang pasikot-sikot ng negosyo natin kung hindi mo pag-aralan?” “Fi

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 5

    “What happened to you? Bakit bigla ka na lang nanambunot ng tao?” Sermon ni Eduardo sa anak. “Dad, siya nauna,” rason ni Honey.“Kahit na. Nakakahiya sa mga empleyado, Honey!” “I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan,” rason pa ulit ni Honey. “That's not an excuse! Ano na lang ang sasabihin nila? Na ang anak ko ay basagulero?!” “Dad, siya naman talaga ang nauna. Siya ang nagsabi na kaya ako pa relax-relax lang dahil anak ako ngay-ari. Eh, sila naman ang ayaw akong bigyan ng gawain.”Napailing na lang si Eduardo sa katigasan ng anak. “Gusto mong may gagawin? Get your things there and transfer them here in this office.”“But, dad–”“No more buts, Honey Jane.” Putol ni Eduardo sa rason ng anak. “Ayaw mo? Then, I let Zack get them for you.”“Fine, dad. Kunin ko mga gamit ko,” napatango na lang si Honey sa utos ng ama. “Go,” taboy ni Eduardo sa anak. Padabog na tumayo si Honey at lumabas sa opisina ng ama. Nadagnat niya si Zack na nagliligpit ng mga papeles sa mesa nito. Bugla nama

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 4

    “What's happening here?”“Babe!” Sigaw ni Leslie pagkalabas ng lalaki agad itong yumakap at nagsumbong pa. “Sinabunutan niya ako!”Napataas naman ang kilay ni Honey sa narinig. Naalala niyang may asawa itong department head nila. At sigurado siyang hindi ang babaeng ito. “Excuse me, siya ang nauna,” depensa ni Honey sa sarili. “No, babe. Siya ang nauna. Pinakiusapan ko lang siya na dalhin ang papeles na ito sa office ng daddy niya pero ayaw niya. Tapos sinabihan pa ako na wala akong karapatan na mag-utos sa kanya dahil anak daw siya ng may-ari ng kumpanya,” sabi pa ni Leslie. Napangiti na lang ng hilaw si Honey sa kasinungalingan ng babae. Hindi niya akalain na may mga taong kayang i-down ang iba para lang umangat sila. At na-experience na niya yon, ngayon-ngayon lang.“It's true, Miss De Guzman?” Tanong ng department head nila. “No, sir,” tanggi ni Honey. “Lier!” Sigaw ni Leslie. “No! Nagsisinungaling siya!”Hindi na napigilan ni Honey ang sampalin ang babae kahit nasa harap pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status