Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
Lihat lebih banyakBitbit ang bote ng klarete, patalilis na umalis si Sabrina sa sala kung saan idinaraos ang kaarawan ng kanyang nobyo na si Seth. Parang hindi nga siya napansin nito dahil laging nakakapit na parang tuko ang kababata nitong si Pia sa kanyang braso. Kaninang-kanina lang ay lihim silang nagtalo ng nobyo dahil dito. Kinompronta kasi niya ang nobyo at kagaya ng mga nakaraan nilang pag-uusap, nauwi lamang ito sa pagtatalo dahil laging rason ng nobyo ay kababata nito si Pia at kapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya wala siyang ipagselos. Nagseselos siya–’yon ang paratang ng nobyo pero para sa kanya, walang masayang nobya kung kulang na lang maghalikan sila ng kababata sa harapan niya. Nakipaghiwalay siya kay Seth kasi wala nang magandang kahahantungan pa ang kanilang relasyon kung laging mas matimbang lang din dito ang kababata. Iniwan niyang nagkakantahan ang mga ito kasama ang mga kaibigan ng nobyo at ilang nakatira sa apartment. Tumungo siya sa pangalawang palapag. Tiyak ang bawat hakbang tungo sa isang silid. Nang mapatapat sa pintuan ng pakay na silid ay humugot muna siya ng isang malalim na buntonghininga at tinungga ang bote ng alak. Ramdam niya ang pagguhit ng lasa ng alak mula sa kanyang lalamunan, pababa sa kaibuturan ng kanyang sikmura.
‘Pampalakas ng loob.’ Wika niya sa sarili.
Inipon niya ang lakas ng loob bago kumatok. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pintuan. Bumungad ang lalaking nakasuot ng polong puti na nakalilis hanggang siko ang manggas. Medyo hapit ang sukat nito sa katawan kaya maaaninag dito ang matitipuno niyang dibdib na bahagyang nakalantad dahil maluwag ang pagkakasuot ng kurbata at bukas ang dalawang butones nito sa itaas. Napalunok si Sabrina basi sa pagtaas-baba ng kanyang lalamunan na hindi naman nakaligtas sa pansin ng lalaki.
“Why are you here?” Iritable at magkasalubong ang kilay na usisa ng lalaki.
“Bakit? Bawal bang pumunta rito, Adrian?” Nakangising ganting tanong ni Sabrina na medyo nakatingala sa lalaki. Si Adrian ay kaibigan ng kanyang nobyo. Magkasama ang mga itong tumira sa bahay-paupahan kung saan sila ngayon naroroon.
Anim na talampakan ang tangkad nito kaya mapapatingala talaga ang sinumang kausap nito kagaya ni Sabrina na may limang talampakan at tatlong pulagada lamang ang tangkad.
“Kaarawan ng boyfriend mo dapat naroon ka.” Muling wika ng lalaki. Seryoso ang mukha nito. Cold as ice ang mga tinging ipinukol kay Sabrina. Nakahawak pa rin ang kanang kamay nito sa seradura ng pinto at nakapamulsa naman ang kaliwa.
“P’wedeng pumasok,?” Muling tanong ni Sabrina na hindi pinansin ang sinabi ng binata.
Humakbang siya papasok nang aktong isasara ng lalaki ang pinto pero mabilis pa sa alas-kuwatrong iniharang ni Sabrina ang katawan para hindi ito tuluyang maisara ng binata. Dahil nakainom si Sabrina ay bumuway ang tayo nito at nawalan ng balanse. Napakapit siya sa lalaki na siyang naging dahilan para sabay silang matumba sa sahig na nakapaibabaw siya rito.
“Hindi mo na ba mahintay?” Makahulugang wika ng lalaki sabay hapit sa kanyang beywang para lalong dumikit ang kanilang mga katawan na nanatili pa ring nasa sahig.
Ramdam ni Sabrina ang matitipunong braso at matigas na dibdib ng binata. Patunay na batak ito sa pag-e-ehersisyo. Parang may kuryenteng nanalaytay sa katawan ni Sabrina nang maramdaman niya ang marahang haplos ng palad ng binata sa nakabukas niyang likuran. She’s wearing a backless red dress na nagpalutang sa maputi at makinis niyang balat sa likurang bahagi at nagpalantad sa makinis at bilugan niyang mga hita dahil sa maiksing tabas nito.
“Payag naman akong dahan-dahanin lang kung iyon ang gusto mo,” tugon ni Sabrina nang makabawi at kumalas sa lalaki. Tumayo at ipinatong ang hawak pa ring alak sa maliit na mesa malapit sa higaan ng binata.
Nakasunod naman dito ang mga tingin ng binata habang bumabangon mula sa sahig. Nang tuluyang makabangon ay itinulak nito ang pinto gamit ang isang paa at humakbang papalapit kay Sabrina na ngayo’y nakasandal sa mesa. Hawak nito ang basong natagpuan sa mesa at tinagayan ng alak.
“Nagkahiwalay ba kayo ni Seth?” tanong ni Adrian. Nakapagkit ang blankong mga tingin nito kay Sabrina. Biglang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot si Sabrina. Parang naging hindi tama ang desisyon niyang puntahan ang lalaki sa silid nito.
“Nagkahiwalay ba kayo ng boyfriend mo kaya nandito ka upang gumanti?” Tanong ulit ni Adrian. Malakas at may diin ang bawat katagang binitawan nito.
Napatango si Sabrina para ikumpirma kay Adrian ang nais nitong malaman. Natahimik naman ito at napatigil sa tangkang paglapit habang matiim na nakatingin sa kanya. Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nila.
Saglit lamang iyon dahil pagkatapos ng ilang sandali ay biglang hinablot ni Adrian ang mga braso ni Sabrina at isinandal ito sa pader. Sinibasib niya ito ng halik habang ang mga kamay ay naglalakbay sa likurang bahagi ng katawan ng dalaga. May tila kuryenteng bumalot sa katauhan ng dalaga na siyang dahilan para mapaliyad ito at lalong napadiin ang pagkakadikit ng katawan kay Adrian. Gusto mang magsisi sa kapangahasang ginawa pero huli na ang lahat para bawiin pa ni Sabrina ang ginawang pagpunta sa silid ng binata.
“This is what you want, right?” Wika ni Adrian nang saglit na inihiwalay ang mga labi mula sa mapupulang labi ni Sabrina.
Akmang tutugon si Sabrina nang muling inangkin ni Adrian ang kanyang mga labi at buong-lakas na ibinuwal sa kama ang kanilang mga katawan. Hindi alam ni Sabrina kung paanong nakalapit sa kama dahil sa nakakaliyong sensasyon na lumukob sa kanyang katawan dala ng maiinit na labi at haplos ng binata.
Tila saglit siyang nawala sa katinuan na hindi man lang namalayan kung paanong nahubad ni Adrian ang kanyang suot. Tanging ang kapiranggot niyang suot na panloob ang natira na nagtatago sa kanyang pinakainiingatang pagkababae. Naikuros niya ang mga braso sa dibdib nang makaramdam ng ginaw dala ng malamig na dampi ng hangin mula sa nakabukas na air-conditioner.
“Take them away.” Wika ni Adrian sabay inalis ang mga brasong nakatakip sa dibdib ni Sabrina. N*******d na rin ito at tangng pang-ibaba ang natitira.
“I—”
“Ayaw mo? ‘Di ba at ito naman ang gusto mo kaya pagbibigyan kita.” Putol ni Adrian sa mga nais pang sabihin ni Sabrina gamit ang kanyang mga labi na muling sinibasib ang kanyang bahagyang nakaawang na mga labi. Bahagyang napaigtad si Sabrina nang maramdaman ang mainit na palad ni Adrian na sinakop ang nakatakip pa niyang pagkababae.
Saglit na napakunot ng noo si Adrian dahil sa reaksyon ni Sabrina pero bigla ring nabago ang ekspresyon nito at itinuloy ang gustong gawin sa dalaga. Ipinasok niya ang palad mula sa gilid ng kapirasong tela at nilaro ang perlas ng dalaga. Napaungol si Sabrina at tila may sariling buhay ang kanyang mga braso na kumapit sa leeg ng binata habang ang mga balakang ay kusa ring gunalaw. Sumasabay sa sa ritmo ng mga daliri ni Adrian na ginagalugad ang kanyang hiyas.
Wala silang kamalay-malay na may dalawang matang nakamasid sa kanila sa maliit na siwang ng pintuan at nakalolokong napangisi.
Habang nasa ospital si Sabrina, hindi nawawala sa tabi niya si Adrian. Pinanindigan nito ang sinabing kasintahan niya ang dalaga kaya dapat lang na andon siya para bantayan ito. Inaalalayan niya ang dalaga sa pagpunta sa palikuran o kahit sa paglinis ng katawan hanggang sa pagbihis. Nahihiya man si Sabrina pero wala siyang magawa dahil hindi siya maaring magkikilos kahit sa pag-upo dahil baka bumukas ang tahi ng kanyang operasyon.Hapon nang mapasilip sa bintana ng kanyang silid si Sabrina. Kitang-kita mula roon ang hilera ng mga stalls ng nagbebenta ng mga pagkain sa bakuran ng ospital. Napalunok siya nang maamoy ang mga nilulutong pagkain. Nakaramdam siya ng gutom dahil mula paglabas niya ng operating room ay hindi pa siya nakakain. “Hayaan mo, kapag naghilom na ang sugat mo, ililibre kita ng marami at masasarap na pagkain,” wika ni Adrian na ikinalingon ni Sabrina sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ang binata habang nakataas ang isang kilay na parang nagpapahiwatig na kita at ramd
“I’m sorry! Nakalimutan kong takot ka pala sa dilim,” wika ni Adrian. Dahan-dahan niyang ibinalik sa higaan si Sabrina saka tumayo at hinawi ang kurtina para magkaroon ng liwanag ang silid. Napatakip naman saglit ng mukha si Sabrina dahil sa liwanag na bumaha sa loob ng silid. “Pero bakit ka umalis sa meeting niyo, eh hindi pa pala tapos?”“Wala naman kaming gaanong ginagawa kaya naisip kong tingnan ka dito. Malapit lang naman kaya anytime makakabalik ako kaagad.”Gumuhit ang guilt sa mukha ni Sabrina. “Pasensiya na kung nakaabala ako, Adrian.”“Girlfriend kita kaya sino pa ba ang magbabantay sa ‘yo dito gayong magkasama tayo?” seryosong tugon ni Adrian.Nagulat si Sabrina dahil sa naging tugon ni Adrian. Kailanman ay hindi niya itinuring ang sarili bilang girlfriend ng binata at lalong hindi niya hiniling na ituring siya nitong kasintahan. Nakapagtataka para sa kanya ang harap-harapang pagsabi ng binata na kasintahan siya nito pero wala siyang panahon o sa tamang huwisyo para mag-uu
Pagkatapos ipaliwanag ni Adrian kay Sabrina kung bakit kailangan niyang ilabas ang masamang hangin sa katawan ay pinilit naman ng huli kahit hirap at nahihiya siyang gawin sa mismong harapan ng binata. Halos kulay-kamatis ang kanyang mukha sa pamumula dahil sa mga bagay na hindi naman sana dapat nilang pag-usapan. “Kailangan mong maglakad para makatulong sa muscles mo at ma-i-push siya palabas,” mungkahi ni Adrian para matulungan ang dalaga. “Masakit na nga ang operasyon ko na nandito lang ako sa bed tapos paglalakarin mo pa ako?” reklamong muli ni Sabrina. “Sandali, tutulungan kita. Maghintay ka lang dito,” wika ni Adrian. Ilang saglit lang ay bumalik si adrian dala ang isang maliit na palanggana na hindi alam ni Sabrina kung saan niya kinuha. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na sidetable at ibinabad doon saglit ang tuwalya hanggang mabasa at pinigaan. “Para saan ‘yan at saan nanggaling ang mga ‘yan?” usisa ng dalaga na walang ideya sa ginagawa ni Adrian. “Para mailabas mo
Unti-unting nawala ang galit at sama ng loob ni Sabrina kay Adrian. Hindi na rin namumula ang ilong niya sa kakaiyak dahil palaging nasa tabi niya ang binata para alalayan siya at tinutulungang malibang dahil sa mga kwento nito.“Sumasakit ba?” tanong ni Adrian nang makitang napangiwi ang dalaga. “Konting tiis lang. Nawala na ang bisa ng anesthesia kaya mararamdaman mo na siya ngayon. Mga dalawang araw lang naman at magiging okay na ang sugat mo,” dagdag pa ni Adrian.“Madali lang sa ‘yong sabihin ‘yan kasi hindi naman ikaw ang nakaranas ng ganitong operasyon.”Hindi na pinatulan ni Adrian ang mga sinasabi ni Sabrina dahil ayaw niyang maging dahilan para magkakomplikasyon ang sugat nito na dulot ng operasyon.Hindi naman mapalagay si Sabrina dahil sa biglang pagsulpot ng isang bagay sa kanyang isipan. “Adrian, nakita mo ba ang sugat ko sa operasyon? Malaki ba? Maayos ba ang pagkakatahi? Baka malaki ang maiwan nitong peklat sa tiyan ko,” wika ni Sabrina na napapangiwi sa isiping may pe
Kalagitnaan ng gabi, nagising si Sabrina dahil sa matinding pananakit ng tiyan, sa bandang puson. Sa pag-aakalang dumating ang kanyang buwanang-dalaw, kaya mbilis siyang bumangon at pumasok ng banyo para magpalit ng panloob pero malinis ito nang kanyang hinubad. Napabilang siya ng araw at pitong araw pa bago ito dumating base sa cycle nito. Isa pang pinagdududahan niya ay baka dahil sa pagkain na kinain niya sa hapunan kaya sumakit ang kanyang tiyan. Lalong tumitindi ang sakit kaya muli siyang nahiga at namilipit sa sakit. Tagaktak na rin ang kanyang pawis. Naisip niyang tumawag ng tulong pero nahihiya siyang estorbohin ang iba kaya wala siyang nagawa kungdi tawagan si Adrian.Kaagad na tinanggap ang kanyang tawag pero wala siyang narinig ni isang salita mula sa kabilang linya. Alam niyang andon lang si Adrian, makikinig ng sasabihin niya.“Adrian. . .ugh! Dalhin mo. . .ako sa ospital. . .Mga katagang nasambit ni Sabrina bago panawan ng ulirat dahil hindi na niya kinaya ang tindi n
Ang totoo hindi naman nagtagal ang usapan nina Adrian at Anne. nakalimutang i-charge ng binata ang mobile phone kaya namatay ito ng kusa habang kausap pa niya ang dalaga. Saka lamang niya na-i-charge ang kanyang phone nang nasa eroplano na siya. Hindi pa rin iyon ang rason para maalala niyang i-inform si Sabrina na nasa airport na siya at iyon ang pagkakamali niya. Pinuntahan niya ito para humingi ng paumanhin pero mukhang nasa tuktok pa ng matinding galit at pagkapahiya ang dalaga kaya hindi niya ito makausap ng maayos.Hindi alam ni Bernard kung ano ang sasabihin. Naiintindihan niya ang sitwasyon at ang galit ni Sabrina dahil kung tutuusin sobrang laki ng dahilan para siya magalit. Hindi niya alam kung paanong pagkasunduin ang dalawa dahil wala sa hulma ng pagkatao ni Adrian ang suyuin si Sabrina. Si Sabrina naman ay nilalamon pa ng matinding galit dahil sa dinanas na pagkapahiya at muntik pang maiwanan ng flight.“Hayaan mo na munang lumamig ang ulo ni Sabrina,” nasabi ni Bernard k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen