เข้าสู่ระบบHindi lamang nila gustong kunin ang Greenzone Development. Gusto rin nilang siguraduhing wala na akong kahit anong pagkakataong makabangon at lumaban.Gusto nilang mawalan ako ng pera, ng karera, ng pangalan, at ng tiwala sa sarili. Gusto nilang ako pa ang lumitaw na kontrabida sa kwentong sila naman ang may kagagawan.“Ang kakapal talaga ng mukha nila!” nanggigigil na bulalas ni Aunt Rose Ann.“Hindi nila alam kung sino ang binabangga nila,” galit ding wika ni Uncle Marco.“Tama,” seryosong sagot ni Dad. “Ang problema, alam na alam nila kung sino si Kimmy. Alam nilang matalino ka, masipag, at may buong kakayahang magpatakbo ng korporasyon. Ang akala lang nila... dahil minahal mo si Jeff, kaya nilang diktahan at kontrolin ang bawat galaw mo.”Tumingin siya sa akin nang diretso sa mga mata. “Pero ibang-iba na ang sitwasyon ngayon, Kimmy.”Hindi ako sumagot agad.Sa loob ng maraming taon, naniwala ako na ang pagmamahal ay nangangahulugang kailangan mong maging maunawain at magtiis sa la
Marahang pinisil ni Mom ang aking nanginginig na mga kamay.“Iyon muna ang pinakamahalaga sa ngayon, anak.”Makalipas ang ilang minuto, pormal nang inilabas ni Liam ang ilan sa mga dokumentong nakalap ng kanilang grupo.Hindi niya agad ipinakita ang mga sensitibong video. Sa halip, ipinaliwanag muna niya nang maayos kung paano nila inayos ang bawat ebidensiya at kung aling mga rekord ang kailangan pang dumaan sa beripikasyon.“Una sa lahat, ang tungkol sa relasyon nina Jeff at Dorothy,” panimula ni Liam. “May mga leaked message threads silang dalawa na malinaw na nagpapakita na matagal na silang may itinatagong relasyon. May mga pagkakataon ding magkasama sila sa mga lugar na wala namang kinalaman sa corporate work.”“Hindi ba pwedeng idahilan ni Jeff na tungkol lamang iyon sa negosyo?” pag-aalinlangan ko.“Puwede niyang sabihin ang kahit anong gusto niya sa korte,” sagot naman ni Luke. “Kaya hindi natin pwedeng basta-basta ilatag ang mga kuha nang walang malinaw na konteksto. Ihahamb
“Alam ko, Dad,” mahinahon ngunit may paninindigang sagot ko. “Pero sa ngayon, ayoko nang makipagtalo o mag-aksaya pa ng panahon kay Jeff tungkol sa bagay na iyan. Ang gusto ko lang malaman sa ngayon ay kung ano ang mga nakuha ninyong ebidensiya.”Nagkatinginan ang dalawa kong kapatid na sina Luke at Liam.Pagkatapos ay ngumisi nang bahagya si Liam. “Ate, kung iyon lang pala ang gusto mong malaman, mayroon kaming napakagandang balita para sa 'yo.”Umupo siya nang diretso sa tapat ko at inilapag ang makapal na folder sa ibabaw ng mesa. “Nakuha na namin ang lahat ng pinakamahahalagang ebidensiya laban sa kanila.”Napatingin ako sa kaniya nang may halong pag-asa. “Lahat?”“Halos buo na ang puzzle, Ate. Nakuha namin ang mga leaked message threads, ang mga tawag at audio recordings, at pati na rin ang mga CCTV/video footage na malinaw na nagpapakita ng tunay na relasyon nina Jeff at Dorothy. At ang pinakamaganda sa lahat... may mga kuha rin kaming nagpapakita at nagpapatunay kung paano nila
POV: KimmyPagpasok ko pa lamang sa pintuan ng bahay ng aking mga magulang ay agad kong napansin ang kakaibang katahimikan sa loob ng malawak na salas.Nandoon ang aming buong pamilya.Nakaupo si Dad sa mahabang sofa habang may hawak na makakapal na legal documents. Katabi niya si Mom na tahimik na nakikinig sa itinuturo ni Uncle Marco. Si Aunt Rose Ann naman ay may hawak na tasa ng mainit na tsaa, samantalang ang mga kapatid kong sina Luke at Liam ay nakaupo sa magkabilang panig ng mesa, nakaharap sa kani-kanilang laptop at mga folder.At sa isang sulok ng sofa, naroon ang lalaking anim na araw ko nang asawa—si Zach.Kaswal ang suot niyang puting polo at maitim na pantalon. Hawak niya ang isang tasa ng kape habang nakatitig sa pintuan, na para bang matagal na niya akong hinihintay.Nang magtagpo ang aming mga mata, bahagya siyang ngumiti nang may kaunting lambing.“Hey, wife.”Napahinto ako sa aking kinaroroonan.Hindi ko pa rin talaga nasasanay sa tawag na iyon.Wife.Asawa.Anim na
Marahil iyon pa rin ang dahilan ng kaniyang panggagago. Marahil ay hindi pa rin siya handang tanggapin na hindi kami magpapakasal sa munisipyo bago ang gala.Pero hindi ba sinabi ko na sa kaniyang pakakasalan ko siya pagkatapos ng IPO launch? Hindi ba nangako na ako sa kaniya? Ano pa ba ang eksaktong gusto niyang gawin ko?Napailing ako at muling tumitig sa blangkong screen ng telepono.Wala na akong ipinadalang mensahe. Hinding-hindi ko siya hahabulin. Kung gusto niyang magtampo at magmaktol sa isang sulok, bahala siya sa buhay niya.Bukas na ang IPO Gala Night. At sa gabing iyon, mas mahalaga ang milyun-milyong dolyar ng mga investors kaysa sa kaniyang mga walang-saysay na emosyon.Makalipas ang ilang minuto, lumabas ako sa aking opisina at nakita kong nakaupo si Dorothy sa sofa habang hawak ang larawan ng kaniyang napiling gown.“Ready ka na ba para bukas, Dorothy?” tanong ko.Ngumiti siya nang buong-tamis. “Almost, Jeff. Kailangan ko na lang magpaayos ng buhok at makeup sa parlor
Sa screen ng telepono ko, ipinakita niya ang dalawang napakagandang gown. Ang isa ay itim na hapis na hapis sa kaniyang katawan. Ang isa naman ay kulay champagne na may maliliit na kristal na kumikinang sa ilalim ng liwanag.“Yung champagne,” mabilis kong sagot.“Really?”“Oo, mas bagay sa balat mo at mas mukhang elegante.”“Pero mas sexy ako kapag itim ang suot ko, Jeff.”Napatawa ako sa kaniyang vanity. “Dorothy, hindi ka pupunta roon para makipagpaligsahan sa kung sino ang pinakasexy sa ballroom.”“Then what should I do?”“Make every single person in that room look at you with envy.”Napangiti siya nang matamis. “Now we're talking.”“Gusto kong kapag pumasok tayo sa grand ballroom, sa atin lang nakatutok ang lahat ng mga mata.”“Us?”“Oo. Sa ating dalawa.”Ilang segundo siyang napatitig sa akin sa screen bago marahang tumango. “Okay, champagne dress it is.”Pinutol ko ang tawag dahil may pumasok na mahalagang utos mula sa event organizer.Pagkatapos kong maayos ang ilang prayoridad
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n







