Share

Seducing My Overweight Wife
Seducing My Overweight Wife
Author: Cinnamon

Prologue

HILAM pa sa luha ang mga mata ng dalagang si Hannah nang maramdaman niya ang lamig na dulot ng malakas na aircon sa buong silid. Nanunuot iyon sa kaniyang balat na nakapagpadagdag lamang sa nararamdaman niyang kaba.

Nasa loob siya ng isang malaking study room ng pamilya Fernando habang nakaupo sa harap ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas.

"Our deepest condolences, hija," saad ng matandang lalaki, the chairman of the well-known airline company in the Philippines and in Asia—the Delta Empire. Iyon ang naaalala niyang sabi ng mommy niya noong bata pa lamang siya.

"S-salamat po," tugon niya rito matapos magbaba ng tingin. Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. 

Tumikhim ang matanda. "We know that this is not the right time to talk about something like this, but we want you to marry my grandson as soon as possible."

Dahil sa narinig, mabilis siyang nag-angat ng mukha. Ang totoo ay hindi na nabigla pa si Hannah sa narinig na sinabi ni Chairman Fernando. Noong nabubuhay pa kasi ang mga magulang niya ay madalas na nilang sabihin sa kaniya na balang araw, magpapakasal siya sa apo ng chairman ng pinakasikat na airline company sa bansa.

Business partners ang mga Fernando at ang mga magulang niya, at family friend na rin. Nagkasundo ang mga ito na ipakasal siya sa nag-iisang apo ng chairman kapag dumating ang araw na may mangyaring masama sa mga magulang niya—at ngayon na nga ang araw na iyon.

Gusto niya sanang magsalita pero naunahan siya ng takot. Ayaw niyang pumayag sa kasal pero kapag hindi siya um-oo, wala na siyang mapupuntahan pa.

Wala nang pamilya si Hannah dahil nag-iisang anak lamang siya. Ganoon din ang kaniyang mga magulang, kapwa nag-iisang anak ang mga ito kaya nang may mangyaring masama sa kanila, naiwan siyang mag-isa. Iyon din ang dahilan kung bakit hinabilin siya ng mga ito sa Pamilya Fernando.

Sa totoo lang ay walang problema sa dalaga ang magpakasal. Ang inaalala niya lang ay ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Paano kung hindi siya nito matanggap? Paano kung hindi siya magustuhan? Paano kung tumanggi ito at magalit? Natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. 

Mula sa sariling mga kamay, nabaling ang tingin niya sa malaking salamin sa kaniyang kaliwa, malapit ito sa nag-iisang salamin na bintana ng kuwartong iyon. Para kay Hannah, walang dahilan para pumayag ang CEO ng Delta Empire na magpakasal sa kaniya—napakataba niya, overweight, obese, o iyong madalas ikutya ng mga tao sa katulad niya—baboy.

Sino ba namang lalaki ang nasa tamang pag-iisip ang papayag na bigla na lang makasal sa isang tulad niya?

"Hijo! Finally, you're here!"

Natigilan siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Andrea, ang nakatatandang anak ng Chairman. Ito rin ang pinakamatalik na kaibigan ng mama niya sa Pamilya Fernando. 

Nilingon niya ang pintuan ng silid at doon ay nakita niya ang pamilyar na mukha ng isang lalaking nakatayo habang nakasuot ng pang-opisinang damit. Mariin itong nakatitig sa kaniya habang blangko ang mukha—si Rafael Alejandro Fernando—ang CEO ng Delta Empire—ang lalaking kailangan niyang pakasalan.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lynechar Ocon
wla pa po bang update nito
goodnovel comment avatar
Flordelis Samson Apordo
Saan po mababasa yong andriano's fat baby author ...
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Hanna wag mo naman maliitin Ang sarili mo Chubby is the new sexy na ngayon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status