แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Mariposa30
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-17 05:19:06

Kinabukasan, pagdating namin sa San Narciso Port, halos malusaw ako sa init. Maaga pa pero masikat na ang araw. Maalikabok ang paligid, amoy gasolina at hilaw na isda. 

Pero ako, si Celestia, naka-all black hoodie pa rin, shades on, at naka-face mask. Nakasuksok ako sa pagitan ng dalawang drum ng diesel at isang sakong gulay habang hinihintay ang pag-alis ng motorbanca papuntang Isla Satelmo.

"Disente ka pa rin, girl. Kahit nasa likod ka ng kamote, high fashion pa rin 'yan," bulong ko sa sarili.

Hindi ako pwedeng mapansin ng kahit sino. Baka may makakilala sa akin at isumbong ako kay Daddy. Ayoko rin sanang makipag-usap sa kahit na kanino, pero bakit tila may gumugulo sa utak ko?

"Focus. Huwag na nating balikan ang gabing 'yon. Ang abs. Ang bukol. Ang... ugh."

Napapikit ako at kinurot ang sarili.

"No, Celestia. This is not the time to fall in love with a handsome man with pecs."

Biglang may kumalabog sa kahoy na boarding platform.

"Aalis na, sakay na!" sigaw ng bangkero.

Isa-isang nagsimulang sumakay ang mga pasahero.

Dahan-dahan akong sumingit sa likod.

"Here. This is my spot. Behind the engine."

Habang pinipilit kong ipuwesto ang sarili ko sa gilid ng bangka, narinig ko ang boses ng bangkero.

"Sir, dito na po kayo sa unahan."

Napalingon ako.

Oh, no!

Eto na naman siya. Ang lalaking ayaw ko nang makita pero tila ayaw rin akong tantanan ng tadhana.

Tumambad sa paningin ko ang pamilyar niyang katawan. Nakasuot siya ng navy blue shirt na hapit sa katawan at dark khaki shorts, may dalang duffel bag. At siyempre, nandoon pa rin ang signature niyang magulong buhok na parang gulo rin sa puso ko ngayon.

Si Mr. Chest-and-Bukol.

"Thank you," sagot niya bago umupo sa unahan ng bangka.

Mabilis akong nagtago, halos mapasubsob pa sa sako ng gulay.

"Seryoso?! Pati dito? Anong multo ang sumusubaybay sa akin?! Akala ko ba tago life tayo? Bakit may abs ulit?!"

Habang unti-unting umaandar ang bangka, hindi ako mapakali. Para akong nasa isang spy movie. Kailangan kong manatiling tahimik. No eye contact. No movement. At higit sa lahat, no bukol memory recall.

Pagdating namin sa Isla Satelmo, mainit na mainit ang sikat ng araw. Ramdam ko ang alinsangan habang unti-unting lumalapit ang bangka sa dalampasigan.

Sa malayo, tanaw ko ang mapuputing buhangin, mga punong niyog na marahang sumasayaw sa hangin, mga kubo, iilang bahay at structures.

Isang paraiso.

Tahimik, malayo sa sibilisasyon, at perpekto para sa mga gustong magtago.

Pero ako? Hindi ko halos ma-appreciate ang ganda ng paligid. Mas iniisip ko kung paano ko maiiwasan si Mr. Bukol in navy blue na nakaupo sa unahan ng bangka.

Pagkahinto ng bangka, mabilis akong tumayo. Aalalayan pa sana ako ng lalaki pero agad akong umiwas.

Lumapag ang designer sneakers ko sa buhangin.

"Finally," bulong ko habang tumitingin sa paligid. "At least dito, walang bodyguard. Walang forced marriage. Walang..."

Abs.

"Ugh! Tumigil ka nga, utak!"

Lumapit ako sa isang mangingisda.

"Manong, puwede po bang magtanong?"

"Oo, iha. Anong atin?" magiliw niyang sagot.

"Si Aling Graciela po? Saan po ang bahay niya?"

Napakamot siya ng ulo.

"Ah, kamag-anak ka ba niya?"

Tumango ako. "Parang ganoon na nga po. Dati ko siyang yaya."

"Pasensya ka na, iha... pumanaw na si Aling Graciela. Isang buwan na rin. Wala na siyang bahay dito, may nakabili na ng islang 'to."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

"W-what?" mahina kong bulong. "Hindi ko man lang nabalitaan."

Tumango ako at naramdaman kong may luha nang namumuo sa gilid ng mga mata ko. Agad ko iyong pinunasan gamit ang manggas ng hoodie ko.

"Salamat po, Manong."

Habang naglalakad ako palayo, napansin kong talagang tahimik ang isla. Iilang bahay lang ang naroon, kalat-kalat, at iilan din ang estrukturang mukhang hotel sa buong lugar.

Naglakad ako sa isang building na tingin ko ay hotel. Kailangan kong kumuha ng room.

Nang malapit na ako ay agad kong nabasa ang pangalan ng hotel. 

Isla Satelmo-Romano Hotel

Pagpasok ko sa lobby ng hotel, agad akong dumiretso sa reception.

Aircon, check.

Walang amoy daing, check.

Puwedeng-puwede!

"Miss, can I avail one deluxe room?" tanong ko agad. Medyo pormal pa rin ang tono ko kahit pagod na pagod na ako.

Ngumiti ang receptionist. 

"Do you have reservation Ma'am?"

Napailing ako.

"Oh, I'll check first Ma'am kung may available na room."

Tumango ako, at ilang saglit na naghintay.

"Okay po, Ma'am. May one available deluxe room pa. For how long are you going to stay?"

I smirked. "For as long as I want. Hanggang magunaw ang mundo."

"Po?"

"Biro lang," sagot ko sabay ngiting nakakaloko. "Let's say... one month."

"Noted po. Sandali lang po, Ma'am."

Kumuha siya ng papel at bumalik pagkaraan ng ilang minuto.

"Ito po ang total. Bayad po muna, Ma'am. Wala po kaming credit card, cash only. Naka-indicate po sa counter."

Biglang tumigil ang mundo ko.

"Wait, what? Hindi kayo tumatanggap ng credit card?!"

"Sorry po, policy talaga ng boss namin."

"Seriously? Anong klaseng hotel 'to? 1980s? Sabihin mo sa boss mo, magsara na lang kayo kung ayaw n'yong tumanggap ng modern payment methods! Lilipat na lang ako sa ibang hotel!"

At doon, sa eksaktong sandaling iyon, narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Bakit kami magsasara?"

Biglang natahimik ang paligid.

Napatingin ako sa receptionist na tila napatayo dahil sa kaba. Maging ang aircon ay parang humina sa biglang pagbabago ng atmosphere.

Dahan-dahan akong lumingon.

At ayun siya.

Nakatayo sa likuran ko, bitbit ang duffel bag, suot pa rin ang navy blue shirt, at may ganoon ding charming smirk.

Mr. Chest-and-Bukol. In full glory.

"Kung gusto mong lumipat ng hotel, go," dagdag niya. "Pero FYI, wala namang ibang hotel dito sa Isla Satelmo. This is a private island, you should have at least booked a reservation."

Napalunok ako habang nakatitig sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.

Shet. Ano ba 'tong napasukan ko?

Akala ko safe na ako basta makalayo sa Manila. Akala ko sapat na ang tago-life plan kasama ang mga kamote, bayong, at hangin ng dagat.

Pero ngayon.

Wala akong cash na pambayad, walang kwarto, at walang karapatang maging maarte.

Pero siyempre, si Celestia Del Rance ako. Hindi pwedeng mawalan ng dignity kahit amoy pawis na ang kilikili ko sa kaba.

Biglang nagbago ang tono ng boses ko. From elite brat to probinsyanang api sa teleserye.

"A-actually, Sir... nagbibiro lang po ako," sabi ko sabay hawak sa dibdib. "Ang totoo... wala talaga akong credit card. Wala rin po akong pera..."

Tahimik ang lobby. Napatigil ang receptionist sa ginagawa niya.

Napakunot naman ang noo ng lalaki at bahagyang itinagilid ang ulo. Mukhang interesado siya sa sasabihin ko.

"Nasunugan po kasi kami. Wala na rin akong pamilya," patuloy ko habang pilit na pinipiga ang luha sa mga mata ko. "Wala akong ID. Wala akong gamit. 'Etong bag ko? Galing lang 'to sa donation sa evacuation center..."

Tumahimik ako sandali para bigyan ng diin ang drama ko.

Pero biglang kumalam ang tiyan ko.

Oh my God. Ang tunog ng tiyan ko. Live. HD pa nga.

Tumaas ang kilay ng lalaki.

"Halatang hindi ka pa kumakain."

"Hindi pa nga po, Sir," sagot ko habang pilit na ngumingiti at hinahaplos ang tiyan ko. "Gutom na gutom na po ako. Pero hindi ako namimilit. Kung puwede lang... kung may trabahong available dito sa hotel... kahit dishwashing lang po. Kaya ko 'yan. Marunong din po akong maglinis, mag-mop, magtanggal ng amoy ng daing..."

Jusko, baka maniwala siya. Hindi pa ako nakakahawak ng mop ever!

"Dishwashing, huh?" tanong niya habang nakatitig sa akin.

"Sir, I'm... desperate. Masipag po ako. Marunong akong... mag-smile sa guests."

Sabay demo ako ng pa-cute. May head tilt, slight tear sa mata, at konting buntong-hiningang pang-telenovela.

Tahimik siyang nakatingin sa akin.

Pagkatapos, bigla siyang tumawa.

"Okay."

OMG. Tanggap na 'ko?!

Ngumiti siya at sumenyas sa akin.

"Follow me."

"Ha? As in... saan?"

"Sa kitchen."

Napalunok ulit ako.

"S-sir... maghuhugas na po ba ako ng plato? Hindi pa ako mentally ready."

"Hindi," natatawang sagot niya. "Papakainin muna kita. Hindi naman ako heartless."

Pagpasok namin sa maliit na staff kitchen, agad kong naamoy ang freshly cooked sinangag, itlog, at tuyo.

Napasinghap ako.

Ugh, amoy na naman ng danggit. Pero bakit bigla akong natakam?

Umupo ako sa silya habang kumukuha siya ng pinggan at inilagay sa harap ko ang kaluluto lang na almusal.

"Kumain ka na."

Tinitigan ko muna siya bago nagsalita.

"Sir... promise hindi ko papatulan 'to kung hindi lang ako gutom na gutom."

"Kumain ka na, para makapaghugas ka na ng plato," biro niya bago tumawa.

Tinusok ko ang itlog at sumubo ng sinangag.

At habang ngumunguya ako...

"OMG."

Napatingin siya sa akin.

"Bakit?"

"Bakit ang sarap nito? Sinangag lang 'to pero may lasang... comfort. May lasang freedom!"

Tumawa siya at umupo sa kabilang silya.

"Bakit, nakakulong ka ba dati?"

"Muntik na," bulong ko habang patuloy na ngumunguya.

Tahimik siyang nakatingin sa akin. Napansin ko ang maliit na ngiting unti-unting sumilay sa mga labi niya.

At hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Hindi ko pa alam kung sino talaga ang lalaking ito.

Ang alam ko lang, tatlong beses na kaming pinagtagpo ng tadhana.

Is it destiny?

Please, Celestia. Huwag mong sabihing dito na magsisimula ang love story mo.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 6

    Katatapos kong kumain, nanatili muna ako sa sala habang nagpapahinga. Ayoko munang magmadali dahil baka bigla na naman akong mahilo. Sapat na ang sakit ng ulo ko kanina. Ayoko namang umabot sa puntong kailangan na namang mag-alala ni Sir Vlad at ipatawag pa niya ang doktor.Maya-maya, may narinig akong kumakatok sa main door.Napalingon ako.May bisita?Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang babaeng halos kaedad ko lang. Nakasuot siya ng beige na polo shirt at itim na pantalon.Ngumiti siya sa akin."Hi! Ikaw si Klea?""Yes. Ikaw?""Riza."Iniabot niya ang kamay niya at agad ko naman iyong tinanggap."Nice to meet you!""Nice to meet you, too.""Employee rin ako sa hotel pero sa cafe ako nakaassign. Pero kapag wala si Manang Esme, ako ang pumapalit sa kanya sa pag-aasikaso dito sa bahay ni Sir Vlad.""Ah, ganoon ba? Ibig sabihin, dito pala talaga naka-assign si Manang Esme?"Tumango siya. "Nandito ako para ituro sa'yo ang mga dapat mong gawin

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 5

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko sa mukha ko ang pagtama ng sinag ng araw mula sa bintana.Inunat ko ang mga braso ko at bumuntong-hininga habang ninanamnam ang malambot na kama.Ang sarap talaga ng tulog ko.Pero sandali.Napakunot ang noo ko at bumangon. Tumingin ako sa paligid. Tahimik ang staff quarters. Wala na ang mga kasama ko sa kwarto.Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng unan.11:15AM.Napakurap ako."What?!"Halos mahulog ako sa kama sa sobrang gulat.Late na ako!Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho at mukha yatang mapapatalsik na ako!"Manang Esme!" malakas kong tawag. "Bakit hindi mo ako ginising?!"Siyempre, walang sumagot.Napahawak ako sa noo ko."Grabe ka naman, Manang. Iniwan mo talaga akong matulog nang ganito kahaba?"Agad akong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo.Wala nang skincare routine. Wala nang pagtingin sa salamin nang sampung beses.Maligo. Magbihis. Magsuklay.Tapos!Sa loob lang ng ilang minuto, nakasuot na ako ng beige un

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 4

    “Eto, Klea. Ito ang uniform mo. Magpalit ka na para maipakita ko sa iyo ang mga dapat mong gawin.”Iniabot sa akin ni Manang Esme ang isang nakatiklop na damit na kulay beige.Tiningnan ko iyon.“Manang, ito po talaga ang uniform natin?”“Oo. Bakit?”“Wala po bang ibang kulay? Like pink?”Napatawa siya. “Iha, magtatrabaho ka rito, hindi ka sasali sa fashion show.”Napanguso ako.Sayang naman. Kahit man lang sana pastel pink. Mas bagay iyon sa complexion ko.“Magpalit ka na. Hihintayin kita rito.”Pumasok ako sa banyo at ilang minuto ring pinagmasdan ang sarili sa salamin matapos isuot ang uniform.Klea.Iyon na ang pangalan ko ngayon.Hindi Celestia Del Rance, ang unica hija ng isang mayamang pamilya na sanay na may mga taong nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan niya.Napabuntong-hininga ako.“Good luck, Klea. Sana makaligtas ka sa trabahong ito.”“Aba! Bagay sa iyo ang uniform!”Iyon agad ang bati ni Manang Esme nang lumabas ako.“Talaga po?”“Oo. Ang ganda mo iha. Para kang mode

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 3

    “Sir Vlad, sure po ba kayong dito na kayo kakain? Ayaw n’yo pong ihatid ko na lang sa room n’yo ang breakfast n’yo?”Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang sa staff kitchen. Medyo may edad na siya, maayos ang pagkakatali ng buhok at nakasuot ng malinis na uniporme. Mukhang isa siya sa mga matagal nang nagtatrabaho rito.Sir Vlad?Ah. So, Vlad pala ang pangalan niya.Vlad. Parang pangalan ng murderer sa horror movie. Vlad the Bloody.Napatingin ako kay Vlad. Kasalukuyan siyang tumutusok ng hotdog gamit ang tinidor habang kalmadong ngumunguya.Kung ako ang tatanungin, mas bagay sa kanya ang pangalan ng isang bida sa teleserye. Iyong tipong mayaman, gwapo, tahimik, at may underground organization sa likod ng pagiging businessman.Okay. Stop, Celestia.Masyado ka nang maraming iniisip.“No, Manang Esme. I’m fine here. Besides, I’ll personally interview my applicant. She’s applying as a housekeeper here.”Applicant?Ako ba 'yon?Bigla akong napatuwid ng upo. Muntik ko pang mabitawan ang

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 2

    Kinabukasan, pagdating namin sa San Narciso Port, halos malusaw ako sa init. Maaga pa pero masikat na ang araw. Maalikabok ang paligid, amoy gasolina at hilaw na isda. Pero ako, si Celestia, naka-all black hoodie pa rin, shades on, at naka-face mask. Nakasuksok ako sa pagitan ng dalawang drum ng diesel at isang sakong gulay habang hinihintay ang pag-alis ng motorbanca papuntang Isla Satelmo."Disente ka pa rin, girl. Kahit nasa likod ka ng kamote, high fashion pa rin 'yan," bulong ko sa sarili.Hindi ako pwedeng mapansin ng kahit sino. Baka may makakilala sa akin at isumbong ako kay Daddy. Ayoko rin sanang makipag-usap sa kahit na kanino, pero bakit tila may gumugulo sa utak ko?"Focus. Huwag na nating balikan ang gabing 'yon. Ang abs. Ang bukol. Ang... ugh."Napapikit ako at kinurot ang sarili."No, Celestia. This is not the time to fall in love with a handsome man with pecs."Biglang may kumalabog sa kahoy na boarding platform."Aalis na, sakay na!" sigaw ng bangkero.Isa-isang nag

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 1

    Celestia's POV"Pakibilisan naman po, pakibilisan," bulong ko habang pilit na sumisingit sa siksikang pila ng mga pasahero sa pier.Nakasuot ako ng hoodie mula sa all-black jacket ko, shades, facemask, sneakers, fitted jeans, at designer sling bag. Halos nababangga ko na ang mga tao sa pagmamadali, pero wala akong pakialam. Kung maabutan ako ng mga tauhan ni Daddy, goodbye freedom, hello forced business partner at arranged marriage with a matandang billionaire na sa tingin ko ay malapit nang kainin ng lupa."Miss, may pila po tayo," reklamo ng isang babae."Sorry po, emergency. May sakit po ang lola ko sa barko," bulong ko habang kunwari'y nagpipigil ng luha.Sinamantala ko ang pagkagulat niya at mabilis na dumiretso, halos tumatakbo na ako.Almost there… kaunti na lang…Hanggang sa may nabangga akong isang matigas, mainit, at malapad na bagay.Literal na parang pader ang nasalubong ko. Pero hindi ito pader. Isa itong dibdib. Malapad. Maskulado. At mabango.Napaatras ako at nanlaki a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status