เข้าสู่ระบบ
Celestia's POV
"Pakibilisan naman po, pakibilisan," bulong ko habang pilit na sumisingit sa siksikang pila ng mga pasahero sa pier. Nakasuot ako ng hoodie mula sa all-black jacket ko, shades, facemask, sneakers, fitted jeans, at designer sling bag. Halos nababangga ko na ang mga tao sa pagmamadali, pero wala akong pakialam. Kung maabutan ako ng mga tauhan ni Daddy, goodbye freedom, hello forced business partner at arranged marriage with a matandang billionaire na sa tingin ko ay malapit nang kainin ng lupa. "Miss, may pila po tayo," reklamo ng isang babae. "Sorry po, emergency. May sakit po ang lola ko sa barko," bulong ko habang kunwari'y nagpipigil ng luha. Sinamantala ko ang pagkagulat niya at mabilis na dumiretso, halos tumatakbo na ako. Almost there… kaunti na lang… Hanggang sa may nabangga akong isang matigas, mainit, at malapad na bagay. Literal na parang pader ang nasalubong ko. Pero hindi ito pader. Isa itong dibdib. Malapad. Maskulado. At mabango. Napaatras ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko. Good Lord! Para siyang hinugis mismo ng Diyos. Matangkad, tan, at may buhok na medyo magulo in a charming kind of way. "Miss, okay ka lang?" tanong niya sa baritonong boses. Medyo seryoso ang tono pero malambing ang mga mata. For a moment, parang tumigil ang mundo ko. Sumikip ang dibdib ko, pero hindi dahil sa kaba. Dahil... grabe. Ang gwapo niya! Mas gwapo pa sa mga ex ko. Kung naging loyal lang sana sila. Aist. Para siyang naglalakad na model sa commercial ng pabango. O tipong male lead sa mga music video. Napatanga ako sandali. Parang nakalimutan kong magsalita. "Ahh…" Pero biglang bumalik sa utak ko ang imahe ng itim na SUV, ng tatlong bodyguard na may earpiece, at ng Daddy kong siguradong galit na galit ngayon dahil tinakbuhan ko ang pakikipagkita sana namin sa magiging business partner niya at sa bilyonaryong gusto niyang ipakasal sa akin. "Oh my gosh! Sorry!" bigla kong sigaw sabay ikot sa gilid ng lalaki. "Ang laki kasi ng dibdib mo, hindi ka madaling iwasan, promise!" At tulad ng hangin, mabilis akong naglaho sa gitna ng mga pasahero. Naiwan ko siyang nakatayo roon, nakakunot ang noo. Pagkapasok ko sa loob ng barko, halos hingalin ako sa pagmamadali. Tinanggal ko ang shades ko at bahagyang natawa habang nagtatago sa likod ng vending machine. "Ano 'yon? Prince Charming with pectoral muscles? Nakaka-inis! Hindi pa ako ready sa love life, tapos ganoon ka-gwapo? Hay naku, Celestia. Focus. Takas muna. Kilig later," bulong ko sa sarili. Agad kong tinungo ang hallway ng barko habang iniikot ang mga mata. Hawak ko ang ticket ko at hinanap ang room na nakalaan sa akin. Sa isip ko, may sarili akong kwarto. 'Yung may puting bedsheet, complimentary robe, at soft jazz na tumutugtog sa background. Pero pagdating ko sa harap ng pintuang bakal na may faded na numerong basta na lang ipininta, napatigil ako. Tiningnan ko ulit ang ticket. Tumitig. Binaligtad. Tumitig ulit. "Shet... Bakit dito? Bakit pang-mahirap ang deck ko?" Gusto ko sanang batuhin ng Dior perfume ang p***o, pero naalala kong wala nga pala akong dalang gamit kundi ang sling bag ko, cellphone, at credit card. Biglang may sumalubong na boses ng babae mula sa loob ng kwarto. "Ah, Miss? Dito ka rin ba?" tanong nito. Nakatayo siya sa gilid ng p***o, nakasuot ng pink na bestidang floral at may hawak pang bayong na amoy daing. Hayup na Klea. Dito ako matutulog? With Bayong Girl? Napapikit ako at agad na dinukot ang cellphone sa designer sling bag ko. Pilit kong ikinukubli ang pagkadismaya habang lumilinga-linga sa paligid. "Sumagot kang babae ka! Kundi ipapadukot kita sa mga tulisan! Sagot na!" paulit-ulit kong bulong habang hinihintay na sagutin ng kaibigan ko ang tawag. Sa wakas, sumagot din siya. "Oh Celes! Ano na, kumusta ka diyan? Nakaalis ka na?" masayang tanong ni Klea. Malamang naka-aircon habang umiinom ng tea sa bahay nila sa Forbes. "Anak ka ng sampung delubyo naman na babae ka!" bungad ko agad, pabulong pero galit. "Bakit ganito ang deck ko? Hindi na nga kita mapapatawad sa kinuha mong public fare na ticket, tapos ganito rin ang tutulugan ko?" "Girl, 'di ba sinabi ko na sa'yo, mas safe ka diyan!" sagot niya, deadma sa emote ko. "Mas hindi iisipin ng daddy mo na sasakay ka sa public fare na barko dahil alam niyang napaka-arte mo." "Arte? Hello? High standards 'yun, hindi arte. May difference." "Kung private ang kinuha ko, mas mahuhuli ka. 'Yun lang 'yon, Celes. Be thankful." "Oo na, tanggap ko na ang explanation mo. Pero yung ganito ang tutulugan ko? Parang bodega ng sardinas na walang sardinas pero amoy danggit? Hindi ko talaga kaya." "Celes, isipin mo na lang. Kapag nag-utos ang daddy mo sa mga tauhan niya, sure akong sa mga VIP cabin sila unang maghahanap. Hindi sa deck ng mga… poor... alam mo na." Tumawa pa siya sa kabilang linya. "You should thank me." Napairap ako nang sobra. "Thank you? I'll thank you kapag nakalabas ako ng buhay mula rito nang hindi nangangamoy danggit!" Tahimik akong napahawak sa ulo ko. Nakakainis man aminin, may punto ang kaibigan ko. "Fine. Logical ka. Pero hindi ako emotionally prepared," buntong-hininga ko. Biglang sumabat ang boses ni Bayong Girl mula sa loob ng kwarto. "Miss, ilalagay mo na ba ang gamit mo?" Tumingala ako sa kisame at pinisil ang sentido. "Celestia, anak ng alta sosyedad, heiress ng Del Rance Group, fashion icon sa debut mo, ngayon ay roommate ka na ni Bayong Girl na amoy danggit. Kaya mo 'to!" bulong ko sa sarili. Tumango ako, pilit na ngumiti, at dahan-dahang pumasok sa loob ng kwarto. Wala naman akong choice. Kailangan kong makarating sa Isla Satelmo, ang islang malayo sa mainland, walang signal, walang masyadong turista, at perfect hiding place. Matagal nang ikinukuwento sa akin ng dati kong yaya na si Yaya Graciela ang tungkol sa islang iyon. Tahimik daw doon at hindi masyadong napupuntahan ng mga tao. Kaya naisip kong iyon ang pinakaligtas na lugar para magtago. Pero hindi ko talaga kinaya. "Hindi ako makakatulog sa amoy ng pinatuyong danggit. Chanel No. 5 ako, hindi Daing No. 2!" reklamo ko sa sarili habang tinatakpan ang ilong gamit ang manggas ng hoodie ko. Tahimik kong binuksan ang p***o at lumabas ulit ng deck. Dala ang designer sling bag ko at, siyempre, ang attitude ko, umakyat ako patungo sa upper deck ng barko kung saan mas malamig, mas tahimik, at mas amoy hangin kaysa ulam. Tumayo ako sa pinakadulo, sa isang madilim na bahagi malapit sa bay railing kung saan bihirang pumunta ang mga pasahero. Doon ko pinakawalan ang bigat ng dibdib ko kasabay ng malamig na hanging humahampas sa mukha ko. "Hays... namimiss ko na agad ang room ko. Yung feather pillows ko at mini bar. Yung wine sa tabi ng kama." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad. "Ano ba 'to, Celestia? Bakit ba kasi gusto akong ipakasal ni Dad? Ayoko pang mag-asawa, noh! I'm only twenty-five! Hindi pa ako sawa sa party, sa shots, sa paglalasing habang sumasayaw sa countertop!" Sa sobrang frustration, umakyat ako sa railing na para bang nagdedeklara ng kalayaan mula sa arranged marriage. Itinaas ko ang kamay ko sa ere at pumikit. "I'm Celestia Del Rance. Bitch, but rich. I'm the Queen of the World," bulong ko. Tahimik ang paligid. Tanging hampas ng mga alon ang naririnig ko. Sa malayo, tanaw ko ang mga ilaw mula sa baybayin ng bayan ng San Narciso, ang huling hintuan ng barko bago ako sasakay ng motorbanca patungong Isla Satelmo. Pero bago ko pa maituloy ang dramatic moment ko, may biglang nagsalita sa likuran ko. "Miss… if you have a problem, you can talk to me. I'm here. Don't waste your life." Napalingon ako, gulat na gulat. "The water is so cold. Baka may pating pa sa tubig… tapos kainin ka." "Wait… what?" kunot-noo kong tanong. Sino ba 'tong drama king na 'to? Sinubukan kong ayusin ang hood ng jacket ko na nililipad ng hangin. Pero sa pagsapo ko rito, nadulas ako. Ang sapatos ko, basang railing, at dramatic pose? Bad combination! "Aaaaaaahhh!" Napahiyaw ako nang matumba ako patalikod. Pero bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig, may dalawang kamay ang mabilis na sumalo sa akin at sabay kaming bumagsak sa sahig. Eksakto sa kanyang... "Oh my..." napasinghap ako. Nakahiga ako sa dibdib ng lalaki. Nang bahagya ko siyang lingunin, nakilala ko siya kaagad. Yup. Siya ulit. Ang gwapong nabangga ko sa pier kanina. Ang living, breathing perfume commercial. "Shet… ang tigas!" bulong ko. "Ang tigas ng… dibdib mo." Pero bigla akong natigilan. May... may iba pang matigas. Parang hindi lang dibdib ang matigas kundi pati... Napasinghap ako. "OMG." Mabilis akong tumayo na para bang sinilaban. "Are you alright?" tanong niya, habang tumatayo. "Okay lang ako, okay lang ang hair ko, okay lang ang dignity ko kahit medyo naiwan siya sa sahig," mabilis kong sagot habang naglalakad paatras. Hindi ko pa siya matingnan nang diretso. Hindi dahil sa hiya. Kundi dahil sa... Hindi ako ready for that bulge! Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tumakbo ako nang dire-diretso at nagkubli sa likod ng vending machine. Halos mawalan ako ng hininga sa katatawa at pagkabigla. "Ano 'yon?! Prince Charming, Deck Edition?! May abs, may accent, may bukol pa?!" Tinakpan ko ang mukha ko habang ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Focus, Celestia. Takas muna. Landi soon.Katatapos kong kumain, nanatili muna ako sa sala habang nagpapahinga. Ayoko munang magmadali dahil baka bigla na naman akong mahilo. Sapat na ang sakit ng ulo ko kanina. Ayoko namang umabot sa puntong kailangan na namang mag-alala ni Sir Vlad at ipatawag pa niya ang doktor.Maya-maya, may narinig akong kumakatok sa main door.Napalingon ako.May bisita?Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang babaeng halos kaedad ko lang. Nakasuot siya ng beige na polo shirt at itim na pantalon.Ngumiti siya sa akin."Hi! Ikaw si Klea?""Yes. Ikaw?""Riza."Iniabot niya ang kamay niya at agad ko naman iyong tinanggap."Nice to meet you!""Nice to meet you, too.""Employee rin ako sa hotel pero sa cafe ako nakaassign. Pero kapag wala si Manang Esme, ako ang pumapalit sa kanya sa pag-aasikaso dito sa bahay ni Sir Vlad.""Ah, ganoon ba? Ibig sabihin, dito pala talaga naka-assign si Manang Esme?"Tumango siya. "Nandito ako para ituro sa'yo ang mga dapat mong gawin
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko sa mukha ko ang pagtama ng sinag ng araw mula sa bintana.Inunat ko ang mga braso ko at bumuntong-hininga habang ninanamnam ang malambot na kama.Ang sarap talaga ng tulog ko.Pero sandali.Napakunot ang noo ko at bumangon. Tumingin ako sa paligid. Tahimik ang staff quarters. Wala na ang mga kasama ko sa kwarto.Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng unan.11:15AM.Napakurap ako."What?!"Halos mahulog ako sa kama sa sobrang gulat.Late na ako!Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho at mukha yatang mapapatalsik na ako!"Manang Esme!" malakas kong tawag. "Bakit hindi mo ako ginising?!"Siyempre, walang sumagot.Napahawak ako sa noo ko."Grabe ka naman, Manang. Iniwan mo talaga akong matulog nang ganito kahaba?"Agad akong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo.Wala nang skincare routine. Wala nang pagtingin sa salamin nang sampung beses.Maligo. Magbihis. Magsuklay.Tapos!Sa loob lang ng ilang minuto, nakasuot na ako ng beige un
“Eto, Klea. Ito ang uniform mo. Magpalit ka na para maipakita ko sa iyo ang mga dapat mong gawin.”Iniabot sa akin ni Manang Esme ang isang nakatiklop na damit na kulay beige.Tiningnan ko iyon.“Manang, ito po talaga ang uniform natin?”“Oo. Bakit?”“Wala po bang ibang kulay? Like pink?”Napatawa siya. “Iha, magtatrabaho ka rito, hindi ka sasali sa fashion show.”Napanguso ako.Sayang naman. Kahit man lang sana pastel pink. Mas bagay iyon sa complexion ko.“Magpalit ka na. Hihintayin kita rito.”Pumasok ako sa banyo at ilang minuto ring pinagmasdan ang sarili sa salamin matapos isuot ang uniform.Klea.Iyon na ang pangalan ko ngayon.Hindi Celestia Del Rance, ang unica hija ng isang mayamang pamilya na sanay na may mga taong nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan niya.Napabuntong-hininga ako.“Good luck, Klea. Sana makaligtas ka sa trabahong ito.”“Aba! Bagay sa iyo ang uniform!”Iyon agad ang bati ni Manang Esme nang lumabas ako.“Talaga po?”“Oo. Ang ganda mo iha. Para kang mode
“Sir Vlad, sure po ba kayong dito na kayo kakain? Ayaw n’yo pong ihatid ko na lang sa room n’yo ang breakfast n’yo?”Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang sa staff kitchen. Medyo may edad na siya, maayos ang pagkakatali ng buhok at nakasuot ng malinis na uniporme. Mukhang isa siya sa mga matagal nang nagtatrabaho rito.Sir Vlad?Ah. So, Vlad pala ang pangalan niya.Vlad. Parang pangalan ng murderer sa horror movie. Vlad the Bloody.Napatingin ako kay Vlad. Kasalukuyan siyang tumutusok ng hotdog gamit ang tinidor habang kalmadong ngumunguya.Kung ako ang tatanungin, mas bagay sa kanya ang pangalan ng isang bida sa teleserye. Iyong tipong mayaman, gwapo, tahimik, at may underground organization sa likod ng pagiging businessman.Okay. Stop, Celestia.Masyado ka nang maraming iniisip.“No, Manang Esme. I’m fine here. Besides, I’ll personally interview my applicant. She’s applying as a housekeeper here.”Applicant?Ako ba 'yon?Bigla akong napatuwid ng upo. Muntik ko pang mabitawan ang
Kinabukasan, pagdating namin sa San Narciso Port, halos malusaw ako sa init. Maaga pa pero masikat na ang araw. Maalikabok ang paligid, amoy gasolina at hilaw na isda. Pero ako, si Celestia, naka-all black hoodie pa rin, shades on, at naka-face mask. Nakasuksok ako sa pagitan ng dalawang drum ng diesel at isang sakong gulay habang hinihintay ang pag-alis ng motorbanca papuntang Isla Satelmo."Disente ka pa rin, girl. Kahit nasa likod ka ng kamote, high fashion pa rin 'yan," bulong ko sa sarili.Hindi ako pwedeng mapansin ng kahit sino. Baka may makakilala sa akin at isumbong ako kay Daddy. Ayoko rin sanang makipag-usap sa kahit na kanino, pero bakit tila may gumugulo sa utak ko?"Focus. Huwag na nating balikan ang gabing 'yon. Ang abs. Ang bukol. Ang... ugh."Napapikit ako at kinurot ang sarili."No, Celestia. This is not the time to fall in love with a handsome man with pecs."Biglang may kumalabog sa kahoy na boarding platform."Aalis na, sakay na!" sigaw ng bangkero.Isa-isang nag
Celestia's POV"Pakibilisan naman po, pakibilisan," bulong ko habang pilit na sumisingit sa siksikang pila ng mga pasahero sa pier.Nakasuot ako ng hoodie mula sa all-black jacket ko, shades, facemask, sneakers, fitted jeans, at designer sling bag. Halos nababangga ko na ang mga tao sa pagmamadali, pero wala akong pakialam. Kung maabutan ako ng mga tauhan ni Daddy, goodbye freedom, hello forced business partner at arranged marriage with a matandang billionaire na sa tingin ko ay malapit nang kainin ng lupa."Miss, may pila po tayo," reklamo ng isang babae."Sorry po, emergency. May sakit po ang lola ko sa barko," bulong ko habang kunwari'y nagpipigil ng luha.Sinamantala ko ang pagkagulat niya at mabilis na dumiretso, halos tumatakbo na ako.Almost there… kaunti na lang…Hanggang sa may nabangga akong isang matigas, mainit, at malapad na bagay.Literal na parang pader ang nasalubong ko. Pero hindi ito pader. Isa itong dibdib. Malapad. Maskulado. At mabango.Napaatras ako at nanlaki a







