แชร์

Chapter 6

ผู้เขียน: Mariposa30
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-17 20:50:42

Katatapos kong kumain, nanatili muna ako sa sala habang nagpapahinga. Ayoko munang magmadali dahil baka bigla na naman akong mahilo. Sapat na ang sakit ng ulo ko kanina. Ayoko namang umabot sa puntong kailangan na namang mag-alala ni Sir Vlad at ipatawag pa niya ang doktor.

Maya-maya, may narinig akong kumakatok sa main door.

Napalingon ako.

May bisita?

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang babaeng halos kaedad ko lang. Nakasuot siya ng beige na polo s
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 6

    Katatapos kong kumain, nanatili muna ako sa sala habang nagpapahinga. Ayoko munang magmadali dahil baka bigla na naman akong mahilo. Sapat na ang sakit ng ulo ko kanina. Ayoko namang umabot sa puntong kailangan na namang mag-alala ni Sir Vlad at ipatawag pa niya ang doktor.Maya-maya, may narinig akong kumakatok sa main door.Napalingon ako.May bisita?Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang babaeng halos kaedad ko lang. Nakasuot siya ng beige na polo shirt at itim na pantalon.Ngumiti siya sa akin."Hi! Ikaw si Klea?""Yes. Ikaw?""Riza."Iniabot niya ang kamay niya at agad ko naman iyong tinanggap."Nice to meet you!""Nice to meet you, too.""Employee rin ako sa hotel pero sa cafe ako nakaassign. Pero kapag wala si Manang Esme, ako ang pumapalit sa kanya sa pag-aasikaso dito sa bahay ni Sir Vlad.""Ah, ganoon ba? Ibig sabihin, dito pala talaga naka-assign si Manang Esme?"Tumango siya. "Nandito ako para ituro sa'yo ang mga dapat mong gawin

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 5

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko sa mukha ko ang pagtama ng sinag ng araw mula sa bintana.Inunat ko ang mga braso ko at bumuntong-hininga habang ninanamnam ang malambot na kama.Ang sarap talaga ng tulog ko.Pero sandali.Napakunot ang noo ko at bumangon. Tumingin ako sa paligid. Tahimik ang staff quarters. Wala na ang mga kasama ko sa kwarto.Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng unan.11:15AM.Napakurap ako."What?!"Halos mahulog ako sa kama sa sobrang gulat.Late na ako!Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho at mukha yatang mapapatalsik na ako!"Manang Esme!" malakas kong tawag. "Bakit hindi mo ako ginising?!"Siyempre, walang sumagot.Napahawak ako sa noo ko."Grabe ka naman, Manang. Iniwan mo talaga akong matulog nang ganito kahaba?"Agad akong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo.Wala nang skincare routine. Wala nang pagtingin sa salamin nang sampung beses.Maligo. Magbihis. Magsuklay.Tapos!Sa loob lang ng ilang minuto, nakasuot na ako ng beige un

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 4

    “Eto, Klea. Ito ang uniform mo. Magpalit ka na para maipakita ko sa iyo ang mga dapat mong gawin.”Iniabot sa akin ni Manang Esme ang isang nakatiklop na damit na kulay beige.Tiningnan ko iyon.“Manang, ito po talaga ang uniform natin?”“Oo. Bakit?”“Wala po bang ibang kulay? Like pink?”Napatawa siya. “Iha, magtatrabaho ka rito, hindi ka sasali sa fashion show.”Napanguso ako.Sayang naman. Kahit man lang sana pastel pink. Mas bagay iyon sa complexion ko.“Magpalit ka na. Hihintayin kita rito.”Pumasok ako sa banyo at ilang minuto ring pinagmasdan ang sarili sa salamin matapos isuot ang uniform.Klea.Iyon na ang pangalan ko ngayon.Hindi Celestia Del Rance, ang unica hija ng isang mayamang pamilya na sanay na may mga taong nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan niya.Napabuntong-hininga ako.“Good luck, Klea. Sana makaligtas ka sa trabahong ito.”“Aba! Bagay sa iyo ang uniform!”Iyon agad ang bati ni Manang Esme nang lumabas ako.“Talaga po?”“Oo. Ang ganda mo iha. Para kang mode

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 3

    “Sir Vlad, sure po ba kayong dito na kayo kakain? Ayaw n’yo pong ihatid ko na lang sa room n’yo ang breakfast n’yo?”Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang sa staff kitchen. Medyo may edad na siya, maayos ang pagkakatali ng buhok at nakasuot ng malinis na uniporme. Mukhang isa siya sa mga matagal nang nagtatrabaho rito.Sir Vlad?Ah. So, Vlad pala ang pangalan niya.Vlad. Parang pangalan ng murderer sa horror movie. Vlad the Bloody.Napatingin ako kay Vlad. Kasalukuyan siyang tumutusok ng hotdog gamit ang tinidor habang kalmadong ngumunguya.Kung ako ang tatanungin, mas bagay sa kanya ang pangalan ng isang bida sa teleserye. Iyong tipong mayaman, gwapo, tahimik, at may underground organization sa likod ng pagiging businessman.Okay. Stop, Celestia.Masyado ka nang maraming iniisip.“No, Manang Esme. I’m fine here. Besides, I’ll personally interview my applicant. She’s applying as a housekeeper here.”Applicant?Ako ba 'yon?Bigla akong napatuwid ng upo. Muntik ko pang mabitawan ang

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 2

    Kinabukasan, pagdating namin sa San Narciso Port, halos malusaw ako sa init. Maaga pa pero masikat na ang araw. Maalikabok ang paligid, amoy gasolina at hilaw na isda. Pero ako, si Celestia, naka-all black hoodie pa rin, shades on, at naka-face mask. Nakasuksok ako sa pagitan ng dalawang drum ng diesel at isang sakong gulay habang hinihintay ang pag-alis ng motorbanca papuntang Isla Satelmo."Disente ka pa rin, girl. Kahit nasa likod ka ng kamote, high fashion pa rin 'yan," bulong ko sa sarili.Hindi ako pwedeng mapansin ng kahit sino. Baka may makakilala sa akin at isumbong ako kay Daddy. Ayoko rin sanang makipag-usap sa kahit na kanino, pero bakit tila may gumugulo sa utak ko?"Focus. Huwag na nating balikan ang gabing 'yon. Ang abs. Ang bukol. Ang... ugh."Napapikit ako at kinurot ang sarili."No, Celestia. This is not the time to fall in love with a handsome man with pecs."Biglang may kumalabog sa kahoy na boarding platform."Aalis na, sakay na!" sigaw ng bangkero.Isa-isang nag

  • The Billionaire's Naughty Housekeeper   Chapter 1

    Celestia's POV"Pakibilisan naman po, pakibilisan," bulong ko habang pilit na sumisingit sa siksikang pila ng mga pasahero sa pier.Nakasuot ako ng hoodie mula sa all-black jacket ko, shades, facemask, sneakers, fitted jeans, at designer sling bag. Halos nababangga ko na ang mga tao sa pagmamadali, pero wala akong pakialam. Kung maabutan ako ng mga tauhan ni Daddy, goodbye freedom, hello forced business partner at arranged marriage with a matandang billionaire na sa tingin ko ay malapit nang kainin ng lupa."Miss, may pila po tayo," reklamo ng isang babae."Sorry po, emergency. May sakit po ang lola ko sa barko," bulong ko habang kunwari'y nagpipigil ng luha.Sinamantala ko ang pagkagulat niya at mabilis na dumiretso, halos tumatakbo na ako.Almost there… kaunti na lang…Hanggang sa may nabangga akong isang matigas, mainit, at malapad na bagay.Literal na parang pader ang nasalubong ko. Pero hindi ito pader. Isa itong dibdib. Malapad. Maskulado. At mabango.Napaatras ako at nanlaki a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status