เข้าสู่ระบบDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko sa mukha ko ang pagtama ng sinag ng araw mula sa bintana.
Inunat ko ang mga braso ko at bumuntong-hininga habang ninanamnam ang malambot na kama. Ang sarap talaga ng tulog ko. Pero sandali. Napakunot ang noo ko at bumangon. Tumingin ako sa paligid. Tahimik ang staff quarters. Wala na ang mga kasama ko sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng unan. 11:15AM. Napakurap ako. "What?!" Halos mahulog ako sa kama sa sobrang gulat. Late na ako! Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho at mukha yatang mapapatalsik na ako! "Manang Esme!" malakas kong tawag. "Bakit hindi mo ako ginising?!" Siyempre, walang sumagot. Napahawak ako sa noo ko. "Grabe ka naman, Manang. Iniwan mo talaga akong matulog nang ganito kahaba?" Agad akong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo. Wala nang skincare routine. Wala nang pagtingin sa salamin nang sampung beses. Maligo. Magbihis. Magsuklay. Tapos! Sa loob lang ng ilang minuto, nakasuot na ako ng beige uniform. Mabilis kong inayos ang buhok ko at naglagay ng kaunting lip balm. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. "Okay, Celestia. You can do this." Huminga ako nang malalim. "Late ka lang. Hindi ka naman kriminal." Pero nang makita ko ulit ang oras sa cellphone ko, napamura ako nang mahina. "Forget it. You're doomed." Paglabas ko ng staff quarters, agad kong hinanap si Manang Esme. Baka nasa kusina lang. O baka nasa laundry area. "Manang Esme?" Naglakad ako papunta sa kusina pero wala siya roon. Sumilip din ako sa laundry area at sa maliit na staff office. Wala talaga. Mabuti na lang at may nasalubong akong babaeng staff na may dalang mga tuwalya. "Excuse me po. Nakita n'yo po ba si Manang Esme?" "Si Manang Esme? Wala siya ngayon. May sakit daw." Natigilan ako. "May sakit?" "Oo. Maaga siyang umalis. Nagpaalam siya na hindi muna makakapasok, umuwi siya sa kanila." Napabuka ang bibig ko. Kaya pala! Naku, kawawa naman si Manang Esme. Nagkasakit yata siya dahil sa konsumisyon sa'kin. Sana gumaling agad siya. Pero sandali... Kung wala siya, sino ang magtuturo sa akin ng mga gagawin ko? "Nasaan po ang ibang staff?" tanong ko. "May briefing sila kaninang alas-diyes pa. Sa likod ng resort. Tapos na yata ngayon." "Alas-diyes?" Tumango siya. Napapikit ako. Goodbye, career. "Thank you po!" Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa likod ng resort. Pagdating ko roon, halos hingalin ako. May ilang staff na nag-aalisan na. Ang iba naman ay nag-uusap habang inaayos ang kani-kanilang gamit. At sa gitna nila ay nakita ko si Vlad. Nakatayo siya habang may kausap na isang lalaki. Naka-long sleeves siya na bahagyang nakatiklop ang manggas. Maayos ang tindig at seryoso ang mukha. Napahinto ako. Ay, naku. Siya pa talaga ang naabutan ko. Sakto namang napalingon siya sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong umatras. "You're late." Iyon agad ang bungad niya nang makalapit ako. Napangiti ako nang alanganin. "Good morning, Sir." Tiningnan niya ang relo niya. "It's almost noon." Napangiti ako nang mas malapad. "Yes, Sir. Pansin ko nga." Napakunot ang noo niya. Talaga naman, Celestia. Iyon pa ang naisagot mo? "Do you have a reason for being late?" Napalunok ako. Ano kayang magandang dahilan? Hindi puwedeng sabihin na ang sarap ng tulog ko. Hindi rin puwedeng sisihin ang unan ko dahil masyado itong komportable. Kailangan ko ng mas kapani-paniwalang dahilan. Bigla kong hinawakan ang sentido ko at bahagyang napapikit. "Actually, Sir..." "What?" "Medyo... nahihilo po ako." Bahagya akong yumuko at hinawakan ang dibdib ko. "Parang nasusuka rin po ako." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Are you sick?" Hindi naman talaga, pero puwede na rin. "Siguro po Sir. Masama na po ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang." Technically, totoo naman iyon. "Have you eaten?" Napahinto ako. Ay. Hindi pa nga pala. "Hindi pa po Sir." "Why?" "Kasi..." Napaisip ako. Dahil late ako? Dahil tinanghali ako ng gising? "Kasi nga po masama ang pakiramdam ko." Tumango siya nang bahagya. "Then you should go and..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Biglang umikot ang paningin ko. Sa totoo lang, hindi ko na kailangang mag acting. Parang may sariling amusement park ang utak ko sa sobrang hilo. Pero dahil sanay akong mag-drama, naisip kong samantalahin ang pagkakataon. "Sir... Parang..." Hinawakan ko ang noo ko at dahan-dahang napapikit. "Umiikot ang paligid ko..." Perfect. Very convincing. Pero bago ko pa maituloy ang award-winning performance ko, tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko. "Miss Klea!" Iyon na lang ang narinig ko bago tuluyang dumilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang huling naaalala ko ay ang mukha ni Vlad na tila nagulat nang bigla akong bumagsak. Pagkatapos noon, wala na. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame. Malaking chandelier. Malambot na sofa. Sandali... Bakit may chandelier? At bakit parang hindi ito ang kisame ng staff quarters? Unti-unti akong bumangon. Napahawak ako sa sentido ko nang bahagyang umikot ang paningin ko. "Easy." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. At doon ko nakita si Vlad. Nakaupo siya sa isang armchair sa hindi kalayuan, hawak ang isang baso ng tubig. Napakurap ako. Tumingin ako sa kanya. Tumingin ako sa paligid. Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Sir?" "You're awake." "Nasaan po ako?" "My house." Napatingin ako sa paligid. "Your house?" Tumango siya. "You're in my living room." Dahan-dahan akong napasandal sa sofa. Wait. What? Bakit ako nasa bahay niya? At bakit hindi na lang ako iniwan sa resort? "Bakit ako nandito?" tanong ko. "You fainted." Napahawak ako sa dibdib ko. "I fainted?" "Yes." "Totoo po?" Bahagya siyang tumango. Napatingin ako sa sarili ko. Maayos pa rin ang uniform ko, kahit medyo gusot na. "Paano ako napunta dito?" "I carried you." Natigilan ako. "B-binuhat mo ko Sir?" Nanlalaki ang mata ko. "Yes." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Celestia, congratulations. Hindi ka pa nga nakakapagtrabaho nang maayos, disney princess treatment agad. Pero teka... Hindi ba dapat ikinahiya ko iyon? Agad kong inayos ang pagkakaupo ko. "I'm sorry, Sir. Hindi ko sinasadya." "How are you feeling now?" "Medyo ayos na po." "Have you eaten?" Napayuko ako. "No, Sir." Napabuntong-hininga siya at itinuro ang mesa sa gilid. "There's food. Eat first." Napatingin ako roon. May nakahandang kanin at ulam, sandwich, prutas, at isang baso ng juice. Biglang kumalam ang tiyan ko. Finally. Someone understands my suffering. Kinuha niya ang baso ng tubig at iniabot sa akin. "Drink this first." "Thank you, Sir." Uminom ako ng kaunti. "Next time, make sure you eat before going to work." "Yes, Sir." "And don't wait until you faint before telling someone you're not feeling well." Napayuko ako. "Yes, Sir." Noted. Next time, magdadala ako ng sandwich. Nang matapos akong uminom, saka siya nagsalita. "Manang Esme is sick, so she won't be reporting to work for a while." "Yes, Sir. May nagsabi nga po sa'kin." "Since she's the one assigned to guide you, there won't be anyone available to supervise your work at the resort for now." Napatingin ako sa kanya. "You'll temporarily work here." Napatigil ako. "Here?" "Yes, here in my house." Napatingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan. "Bakit po Sir?" "The work here is lighter. I don't want you doing too much while you're still recovering. Besides, Manang Esme won't be around to guide you at the resort." Natahimik ako sandali. Ibig sabihin, dito ako magtatrabaho? Sa bahay niya? Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang ang mukha niya habang hinihintay ang sagot ko. "Is that okay with you?" tanong niya. Agad akong ngumiti. "Of course, Sir. Wala pong problema." At wala rin naman akong choice, 'di ba? "Good. For now, finish your food and rest." Tumayo siya at inayos ang manggas ng kanyang damit. "Don't force yourself to work today." "Yes, Sir." Bago siya tuluyang umalis, muli siyang lumingon. "And Klea?" "Yes, Sir?" "Next time, don't be late." Napalunok ako. "Yes, Sir. Hindi na po mauulit." Tumango siya bago tuluyang umalis. Nang mawala siya sa paningin ko, saka ako napahawak sa dibdib. "Thank goodness." Napatingin ako sa pagkain. Kinuha ko ang sandwich at kumagat. Habang ngumunguya ako iniisip ko pa rin ang nangyari. Si Vlad ang bumuhat sa akin. Dinala niya ako sa bahay niya. At ngayon, dito na ako pansamantalang magtatrabaho. Napangiti ako habang ngumunguya. "Well, Celestia. Hindi masamang development 'yan." Bigla akong natigilan at umiling. "No, no, no. Focus! You're here to hide, not to fall in love with your employer," bulong ko. Muli akong kumagat. Pero habang nakatingin ako sa malaking bahay na iyon, hindi ko maiwasang mapaisip. Mukhang mas magiging interesting ang buhay ko rito. At sana lang, hindi na ako mahimatay ulit. Dahil kung mangyari man iyon, baka sa susunod ay sa mismong kama na ni Vlad ako magising. Napailing ako. Celestia! Behave!Katatapos kong kumain, nanatili muna ako sa sala habang nagpapahinga. Ayoko munang magmadali dahil baka bigla na naman akong mahilo. Sapat na ang sakit ng ulo ko kanina. Ayoko namang umabot sa puntong kailangan na namang mag-alala ni Sir Vlad at ipatawag pa niya ang doktor.Maya-maya, may narinig akong kumakatok sa main door.Napalingon ako.May bisita?Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang babaeng halos kaedad ko lang. Nakasuot siya ng beige na polo shirt at itim na pantalon.Ngumiti siya sa akin."Hi! Ikaw si Klea?""Yes. Ikaw?""Riza."Iniabot niya ang kamay niya at agad ko naman iyong tinanggap."Nice to meet you!""Nice to meet you, too.""Employee rin ako sa hotel pero sa cafe ako nakaassign. Pero kapag wala si Manang Esme, ako ang pumapalit sa kanya sa pag-aasikaso dito sa bahay ni Sir Vlad.""Ah, ganoon ba? Ibig sabihin, dito pala talaga naka-assign si Manang Esme?"Tumango siya. "Nandito ako para ituro sa'yo ang mga dapat mong gawin
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko sa mukha ko ang pagtama ng sinag ng araw mula sa bintana.Inunat ko ang mga braso ko at bumuntong-hininga habang ninanamnam ang malambot na kama.Ang sarap talaga ng tulog ko.Pero sandali.Napakunot ang noo ko at bumangon. Tumingin ako sa paligid. Tahimik ang staff quarters. Wala na ang mga kasama ko sa kwarto.Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng unan.11:15AM.Napakurap ako."What?!"Halos mahulog ako sa kama sa sobrang gulat.Late na ako!Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho at mukha yatang mapapatalsik na ako!"Manang Esme!" malakas kong tawag. "Bakit hindi mo ako ginising?!"Siyempre, walang sumagot.Napahawak ako sa noo ko."Grabe ka naman, Manang. Iniwan mo talaga akong matulog nang ganito kahaba?"Agad akong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo.Wala nang skincare routine. Wala nang pagtingin sa salamin nang sampung beses.Maligo. Magbihis. Magsuklay.Tapos!Sa loob lang ng ilang minuto, nakasuot na ako ng beige un
“Eto, Klea. Ito ang uniform mo. Magpalit ka na para maipakita ko sa iyo ang mga dapat mong gawin.”Iniabot sa akin ni Manang Esme ang isang nakatiklop na damit na kulay beige.Tiningnan ko iyon.“Manang, ito po talaga ang uniform natin?”“Oo. Bakit?”“Wala po bang ibang kulay? Like pink?”Napatawa siya. “Iha, magtatrabaho ka rito, hindi ka sasali sa fashion show.”Napanguso ako.Sayang naman. Kahit man lang sana pastel pink. Mas bagay iyon sa complexion ko.“Magpalit ka na. Hihintayin kita rito.”Pumasok ako sa banyo at ilang minuto ring pinagmasdan ang sarili sa salamin matapos isuot ang uniform.Klea.Iyon na ang pangalan ko ngayon.Hindi Celestia Del Rance, ang unica hija ng isang mayamang pamilya na sanay na may mga taong nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan niya.Napabuntong-hininga ako.“Good luck, Klea. Sana makaligtas ka sa trabahong ito.”“Aba! Bagay sa iyo ang uniform!”Iyon agad ang bati ni Manang Esme nang lumabas ako.“Talaga po?”“Oo. Ang ganda mo iha. Para kang mode
“Sir Vlad, sure po ba kayong dito na kayo kakain? Ayaw n’yo pong ihatid ko na lang sa room n’yo ang breakfast n’yo?”Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang sa staff kitchen. Medyo may edad na siya, maayos ang pagkakatali ng buhok at nakasuot ng malinis na uniporme. Mukhang isa siya sa mga matagal nang nagtatrabaho rito.Sir Vlad?Ah. So, Vlad pala ang pangalan niya.Vlad. Parang pangalan ng murderer sa horror movie. Vlad the Bloody.Napatingin ako kay Vlad. Kasalukuyan siyang tumutusok ng hotdog gamit ang tinidor habang kalmadong ngumunguya.Kung ako ang tatanungin, mas bagay sa kanya ang pangalan ng isang bida sa teleserye. Iyong tipong mayaman, gwapo, tahimik, at may underground organization sa likod ng pagiging businessman.Okay. Stop, Celestia.Masyado ka nang maraming iniisip.“No, Manang Esme. I’m fine here. Besides, I’ll personally interview my applicant. She’s applying as a housekeeper here.”Applicant?Ako ba 'yon?Bigla akong napatuwid ng upo. Muntik ko pang mabitawan ang
Kinabukasan, pagdating namin sa San Narciso Port, halos malusaw ako sa init. Maaga pa pero masikat na ang araw. Maalikabok ang paligid, amoy gasolina at hilaw na isda. Pero ako, si Celestia, naka-all black hoodie pa rin, shades on, at naka-face mask. Nakasuksok ako sa pagitan ng dalawang drum ng diesel at isang sakong gulay habang hinihintay ang pag-alis ng motorbanca papuntang Isla Satelmo."Disente ka pa rin, girl. Kahit nasa likod ka ng kamote, high fashion pa rin 'yan," bulong ko sa sarili.Hindi ako pwedeng mapansin ng kahit sino. Baka may makakilala sa akin at isumbong ako kay Daddy. Ayoko rin sanang makipag-usap sa kahit na kanino, pero bakit tila may gumugulo sa utak ko?"Focus. Huwag na nating balikan ang gabing 'yon. Ang abs. Ang bukol. Ang... ugh."Napapikit ako at kinurot ang sarili."No, Celestia. This is not the time to fall in love with a handsome man with pecs."Biglang may kumalabog sa kahoy na boarding platform."Aalis na, sakay na!" sigaw ng bangkero.Isa-isang nag
Celestia's POV"Pakibilisan naman po, pakibilisan," bulong ko habang pilit na sumisingit sa siksikang pila ng mga pasahero sa pier.Nakasuot ako ng hoodie mula sa all-black jacket ko, shades, facemask, sneakers, fitted jeans, at designer sling bag. Halos nababangga ko na ang mga tao sa pagmamadali, pero wala akong pakialam. Kung maabutan ako ng mga tauhan ni Daddy, goodbye freedom, hello forced business partner at arranged marriage with a matandang billionaire na sa tingin ko ay malapit nang kainin ng lupa."Miss, may pila po tayo," reklamo ng isang babae."Sorry po, emergency. May sakit po ang lola ko sa barko," bulong ko habang kunwari'y nagpipigil ng luha.Sinamantala ko ang pagkagulat niya at mabilis na dumiretso, halos tumatakbo na ako.Almost there… kaunti na lang…Hanggang sa may nabangga akong isang matigas, mainit, at malapad na bagay.Literal na parang pader ang nasalubong ko. Pero hindi ito pader. Isa itong dibdib. Malapad. Maskulado. At mabango.Napaatras ako at nanlaki a







