Tiningnan ni Hunter si Richard mula ulo hanggang paa. Saglit siyang natigilan, parang pamilyar ang mukha ng lalaking ito, ngunit hindi niya agad ma-pinpoint kung saan niya nakita.Magsasalita na sana siya nang nagsalita si Richard sa isang malamig at may ngiting mapanukso."Sinasabi ko na nga ba... may kakaiba sa'yo, Mendoza. Ang bait mo kanina, parang Santo."Ngumisi si Mendoza, ngayon ay wala nang pagtatago."Ano sa tingin mo? Gagawin ko talaga 'yon?" sabay tawa."Tingin mo ba isa kang bigshot para pagsilbihan kayo ng ganyang klase ng serbisyo?" panunuya niya.Sabay tumawa si Zaidee, nanunuya, at agad sumakay sa panglalait."Akala niyo naman talaga special kayo, 'no?" ani Zaidee, sarkastiko. "Ay nako, napaka-dali n'yong maniwala! Bigyan kayo ng bagong kama, konting apology, tulo na agad laway n'yo sa tuwa. Paawa effect pa itong matanda," tumingin siya kay Marcela. "Akala mo kung sinong reyna!""At ikaw naman," pinandilatan niya si Richard. "Akala mo action star, hintayin mo na lang
Huling Na-update : 2025-06-03 Magbasa pa