The Billionaire's First Love

The Billionaire's First Love

By:  Michelle Vito  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
7 Mga Ratings
169Mga Kabanata
14.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

“Papunta na tayo sa exciting part,” mapanukso ang tonong sabi ni Natalia rto. Wala siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi iparamdam kay Timothy kung gaano kasakit para sa kanya ang kataksilang ginawa nito. Unti-unti niyang kinalas ang butones ng suot niyang blusa. Tahimik lang si Matt habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi, “ Ibibigay ko saiyo ng buong-buo ang katawan ko. Damn, paligayahin mo ako. Paligayahin mo ako na para bang wala ng bukas. Gusto kong makalimutan ang kahayupang ginawa sa akin ni Timothy. Gusto kong kalimutan ang katarantaduhang ginawa nila sa akin,” nanginginig ang mga kalamnan na sabi niya rito. “Natalia. . .” “Angkinin mo ako, patunayan mo na hindi lang si Timothy ang lalaki sa mundo!” Yamot na sabi niya rito.

view more
The Billionaire's First Love Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Jules Benedict Oblefias
exciting ito...more power
2023-08-02 17:05:26
0
user avatar
Jean Jean
sobrang ganda po ng kwento.. bawat episode nakaka excite ung kahit ikaw na ngbabasa sa story tlaga ma iimagine mo ang bawat character ng story... excited napo ako sa ending ng story ni Matt and Natalia.. more episodes update po.
2022-08-25 00:26:58
3
user avatar
Eloisa Capistrano
update please
2022-08-24 15:57:43
3
default avatar
Corazon
update po pls
2022-08-06 13:50:33
2
user avatar
Marlo Vito
maganda ang kwento at nakakasabik ang mga eksena
2022-06-04 11:44:29
2
user avatar
Jules Benedict Oblefias
exciting ... I feel thrilled...
2022-06-01 09:56:57
1
user avatar
Mimi Ku
sana po ay magustuhan nyo ang bago kong handog sa inyong nobela. thanks
2022-05-29 18:35:50
2
169 Kabanata
CHAPTER 1
  Nasa kusina si Natalia at naghihiwa ng mga sangkap na kanyang lulutuin para sa kanilang pananghalian nang marinig niya ang pagdating ng isang sasakyan.  Ang Papang naman niya ay nagkakape, sisilipin sana niya kung sino ang dumating ngunit mabilis na tumayo ang kanyang ama, “Ako nalang.  Asikasuhin mo na lang ang pagluluto mo,” sabi nitong tila natataranta nang lumabas ng kusina.            Maya-maya ay naulinigan niyang bumukas ang pinto sa salas.            “Maniningil na ako ng pagkakautang mo, Mr. Delgado!” Dinig niyang sabi ng tinig ng isang lalaki, ramdam niya ang authority sa tono ng pananalita nito.            Ano na naman bang pagkakautang ang kailangan kong bayaran?  Diyos ko naman, makukuba na ako sa pagtratrabaho sa kababayad sa utang ni
Magbasa pa
CHAPTER 2
“GUSTO ninyong makabayad?  Isanla mo sa akin ang panganay mo, Mr. Delgado!”             Mula sa kanyang kuwarto ay dinig na dinig ni Natalia ang sinabing iyon ng panauhin ng kanyang Papang.  Nagpupuyos ang kanyang kalooban.  Gustong-gusto na niyang sugurin ito at sampalin.  Ano bang akala nito sa kanya?            Hindi siya makapaniwalang may mga taong kagaya nito na kulay itim na ang budhi.              Maging ang kanyang Papang ay nabigla sa sinabi nito.            “Mr. Sy. . .” Anang Papang niya, umiiyak itong lumuhod sa harapan ng lalaki, “Matt, pagbigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.”            &l
Magbasa pa
CHAPTER 3
“TEN MILLION PESOS ang halaga ng kwintas na ito?” Hindi mapaniwalang bulalas ni Natalia habang isinusuot sa kanya ni Alysson ang kwintas na gawa sa white gold at mga diamante.            “Oo kaya ingatan mo,”  sagot ni Alysson sa kanya, “Yang kabuuan mong bihis, kasama ang bag at sapatos mo, pati na rin yang gown at mga alahas mo, humigit kumulang nasa 45 million pesos.”            Bahagya siyang nasamid, “45 million pesos?” May pait sa mga labing napangiti siya, konting-konti na lang at katumbas na iyon ng halaga ng inutang ng Papang niya.  Napatingin siyasa suot niyang kumikinang na bracelet.  Ang mahal pala ng mga alahas na ito and yet ipinagkakatiwala lang ito sa aking ipasuot ni Mr. Sy?            “Naghihin
Magbasa pa
CHAPTER 4
“SIRA ULO talaga ang pinsan ko, magdadala ng napakagandang babae dito sa party pagkatapos, iiwan lang mag-isa?” Dinig ni Natalia na sabi ng lalaki nang lapitan siya nito saka ngumisi sa kanya, “By the way, I’m Dean. Matt’s cousin,” may pagkapreskong sabi nito sa kanya. Kung idedescribe niya ang kilos at pananalita nito ay para itong batang version ni Robin Padilla. Palagay niya ay nasa 30’s lang din ito, chinito, matangkad at guwapo ring gaya ni Matt. Tipid na ngiti lang ang isinukli niya dito, ni hindi niya ibinigay ang pangalan niya. Bahagya pa siyang umisod palayo rito para iparamdam na hindi siya interesadong makipagkwentuhan dito. Umisod naman palapit sa kanya ang lakaki, “Bakit ba parang takot na takot ka, hindi naman ako sira ulo. Kung merong dapat katakutan ditto pagdating sa pagiging babaero, si Matt iyon, hindi ako.” Nakangiting sabi nito sa kanya saka nilingon ang kinaroroonan ni Matt, “Tingnan mo oh, isinama ka dito pagkatapos, ibang babae ang k
Magbasa pa
CHAPTER 5
“DAMN, wala akong magawa. Saan ako kukuha ng 70 million pesos?” Parang wala sa sariling sabi ni Timothy habang nakatitig sa kawalan, tangan ang isang bote ng beer, “Pakiramdam ko, wala akong kwentang boyfriend!” Nilapitan ni Dela ang kaibigan, “Maiintindihan naman siguro ni Natalia ang sitwasyon mo, Tim. Alam naman nya na wala kang ganun kalaking pera.” “Kung tutuusin, kapag ibenenta ko itong property ko, at humingi ako ng tulong kina Mommy, baka makabuo ako ng 70 million pesos. Pero alam mo naming hindi gusto nina Mommy si Natalia. Besides, parang ang hirap I-give up nitong bahay ko. Alam mo naman kung anong paanong pagtratrabaho ang ginawa ko, maipatayo ko lang itong bahay na ito.” “Alam ko, saka ang estimation ko sa bahay na ito, nasa twenty million lang, hindi pa rin sapat. At palagay mo, magpapautang ang parents mo saiyo?” May pait sa mga labing napangiti ito, “Hindi si Natalia ang pangarap nilang makatuluyan mo, Tim.” Halos paanas lang n
Magbasa pa
CHAPTER 6
GINISING si Natalia nang mga katok mula sa pinto ng kanyang silid. Nagmamadali niyang pinagbuksan iyon. “Good morning Maám,” nakangiting bati ng patpating katulong na si Vicky, sa lahat ng mga maid dito sa mansion, dito pinakapanatag ang kalooban niya. “Pinapababa na po kayo ni Sir.” “Pakisabi, hindi ako kakain,” akmang isasara na niya ang pinto ngunit mabilis nito iyong napigilan. “Ma’am, kumain na po kayo. Huwag po kayong maghunger strike,” Nakikiusap na sabi nito sa kanya. “Hindi ako kakain hanggang. . .” “Maa’m maawa na po kayo sa akin, ang sabi ni Sir, aawasin niya sa sweldo ko bawat araw na hindi kayo kumakain,” Mangiyak-ngiyak na sabi nito sa kanya, “Kilala ko po si Sir. Tinototoo nun lahat ng sinasabi nya.” Naningkit ang kanyang mga mata, “Talagang napakawalanghiya ng amo mo!” Nagngingitngit na sabi niya. “Ang totoo, mabait naman po si Sir. Masama lang talagang magalit,” mahinang sabi nito sa
Magbasa pa
CHAPTER 7
NANGUNOT ANG NUO NI ELENA nang pagbukas ng pinto sa kanya ng lalaki ay mapansin niya ang isang nakatapis na babae sa likod nito at tantiya niya ay tatatapos lamang magsex ng mga ito. She was not born yesterday. Kung ito ang boyfriend ng babaeng nagngangalang Natalia, ibig sabihin ay wala pang isang buwan simula nang iuwi ang Natalia na iyon sa bahay ni Matt ay pinagtataksilan na kaagad ito ng boyfriend nito? “Are you Timothy Cruz?” Tanong niya sa lalaking nakausot ng boxer shorts. Tumango ito. Napaismid siya, “Pwede bang magbihis ka muna ng disente? Hihintayin kita sa kotse after. Gusto kitang makausap.” May authority sa tonong sabi niya dito “Tungkol saan?” “Tungkol kay Natalia!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niya itong tinalikuran at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.“SINO SIYA? Anong kinalaman niya kay Natalia?” Nag-aalalang tanong ni Dela kay Timothy habang nagsusuot ito ng pantalon at tshirt. As much as possible a
Magbasa pa
CHAPTER 8
“MA’AM pinatatawag po kayo ni Sir sa salas,” sabi ng maid na si Vicky nang sunduin siya nito sa kuwarto. “Nandyan po sa ibaba ang boyfriend ninyo!” Napabalikwas siyang bigla. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong bumaba sa salas. Inabutan niya si Timothy na kausap ni Matt. Masayang-masayang niyakap niya ang kasintahan at siniil ng halik sa mga labi. “Tim,” mangiyak ngiyak na sabi niya. “Dala ko na ang 70 million kabayaran sa pagkakautang ng Papang mo. Iuuwi na kita.” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang binata, “S-San ka kumuha ng pera? Don’t tell me ibeneta mo ang. . .” Tuluyan na siyang napaiyak, hindi niya akalaing gagawin ni Timothy ang lahat para sa kanya, “Sabi ko na nga ba, talagang mahal na mahal mo ako!” walang pagsidlan ng kagalakang sabi niya rito saka taas ang baba na bumaling siya kay Matt, “See, I told you, hindi ako magtatagal dito,” puno ng pagmamayabang na sabi niya rito saka hinila na ang kasintahan, “Tara na
Magbasa pa
CHAPTER 9
HALOS maubos na ni Timothy ang laman ng whisky. Pakiramdam niya ay napakainutil niyang tao, ni hindi man lamang niya naipaglaban si Natalia. Inihilamos niya ang kamay sa mukha, kanina ay gustong-gusto na niyang suntukin si Matt. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi man lamang niya naipaglaban si Natalia. Bakit ba hindi siya ipinanganak na mayaman at makapangyarihan? “Tim, ginawa mo na ang best mo,” sabi ni Dela, hinagod nito ang likuran niya, “ I guess, hindi ka na susumbatan ni Natalia, at least naging mabuti kang boyfriend sa kanya.” “Talaga ba?” May sarcasm sa tonong tanong niya sa kaibigan. “Tim, hindi ka pwedeng maging martir na lang sa kanya. Look, pati negosyo mo naapektuhan na dahil sa mga problemang dala ni Natalia at ng pamilya nya. Tama ang parents mo, Tim. Kalimutan mo na si Natalia. Nandito naman ako para saiyo,” malambing na sabi nito, “Huwag mong sayangin ang buhay mo sa taong wala ng ginawa kundi magdala ng pr
Magbasa pa
CHAPTER 10
NAGDIDILIM ang paningin na pinagsasampal niya si Timothy, “Hayup ka!!! Hayup ka!” Galit na salit na sigaw niya rito saka napopoot na tiningnan niya si Dela, “I thought you were my friend. Akala ko talagang concern ka sakin!” sabi niyang napaismid, “Wala ka rin palang ipinagkaiba sa mga ahas mong kamag-anak!” Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang tumakbo apartment nito. “Natalia, let me explain!” Sabi ni Timothy habang hawak ang isang braso niya. Hinila niya ang suot nitong kwintas na regalo niya dito nuong third year anniversary nila. Sayang din iyon, hindi nito deserve ang kwintas na ilang buwan niyang pinaghirapang pag-ipunan. “Natalia. . .” Sinampal niya ito ng ubod lakas, “Explain mong mukha mo!” Umiiyak na sabi niya rito saka nagmamadali nang sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Hindi siya makapaniwala. Hanggang ngayon ay parang nasa utak pa rin niya ang kahindik-hindik na nasaksihan niya kanina. Bakit ang tanga-tanga k
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status