Mga Nobela
Maikling Kwento

Mga Genre

Romance×
Lahat
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Mga Tauhan

36
Billionaire×
Lahat
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Teenager
Twins
Badgirl
Bully
Lawyer
Actor / Actress
Nanny
Agent
Professor
Triplets
Artist
OFW
Star
Warrior
Police
Detective
Medical Genius
Hunter
Hybrid
Gamer
Dragon
Ipakita pa

Kwento at Setting

40
Face-Slapping×
Lahat
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Love after Marriage
Second Chance
Age Gap
First Love
Office Relationship
Misunderstanding
Love-Triangle
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Flash Marriage
Divorce
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Harem
Immortal Hero
Sports
Kingdom Building
Ipakita pa

Tema

13
Drama×
Lahat
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Tragedy
Action
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Ipakita pa

Mga Web Novel na Drama Romance at mga Kuwentong Billionaire Face-Slapping

Tuklasin ang mga nobela at web novel na Romance na tampok ang Billionaire, na may Face-Slapping at Drama na mga kuwento. Mag-browse ng mga nakakaengganyong kuwento online at hanapin ang susunod mong babasahin.
I-filter sa

Salita ng nilalaman
Lahat<30k30k-50k50k-100k>100k
magbukod-bukod ayon sa

SikatRekomendasyonRatingNa-update
The Ruthless Billionaire's Little Maid - Romance nobela & mga-kwento
Lilianna Jade
Bata pa lamang ay lingid na sa kaalaman ni Victoria na isa siyang ampon. Napulot lamang siya ng kaniyang Lola Azon sa simbahan noong siya ay sanggol pa lamang at mula noong araw na iyon ay itinuring na siya nito bilang tunay na apo.  Makalipas ang halos dalawang dekada, dahil na rin ng katandaan ay dinapuan ng malubhang sakit ang matanda. Kulang na kulang ang kinikita nito sa pagtitinda ng tinapa at daing kaya nang magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa Maynila ay walang pagdadalawang isip na pumayag si Victoria. Lahat ay gagawin niya para sa kaniyang lola kaya kahit wala siyang kaalam-alam sa buhay doon ay handa siyang sumugal magkapera lamang. Ano nga kayang buhay ang naghihintay kay Victoria sa Maynila? Pera nga lamang kaya para sa kaniyang lola ang makukuha niya, o ang tunay din niyang pagkakakilanlan? Saan nga kaya siya nagmula? Nasaan ang tunay niyang pamilya?
215
Angel's Angelic Face  - Romance nobela & mga-kwento
Athena Beatrice
Nasunog ang buong mukha ni Angel Gagmaitan dahil sinunog ng kabit ng kanyang asawa ang kanyang mukha. Buti na lang at may tumulong sa kanya, si Loid Dela Fuente. Pero, ang pagtulong palang iyon ay may kapalit.
10
252
Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me - Romance nobela & mga-kwento
Eliana Asher
“Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo, Darius. Isang buwan lang bilang tunay na asawa ko at ama ni Lia. Pagkatapos, palalayain na kita." Isang simpleng pakiusap lang iyon, kapalit ng natitira niyang dignidad. Alam ni Elara na hindi siya minahal ni Darius. Pinakasalan lang siya nito dahil nabuntis siya at iniutos iyon ng lolo nito. Tiniis niya ang malamig nilang pagsasama para sa anak nilang si Lia. May end-stage renal disease si Lia, at dalawang buwan na lamang ang taning ng buhay niya. Ngunit nalaman ni Elara na pinili ni Darius na ibigay ang kidney nito sa anak ni Ivory—ang babaeng tunay nitong mahal. Sa matinding pagkadismaya, isang huling pakiusap ang hiniling ni Elara: maging tunay na asawa at ama si Darius sa loob ng isang buwan. Tinanggap ni Darius iyon, kahit inakala niyang desperadong paraan lang iyon para pigilan siyang umalis. Ngunit nagbago ang lahat sa loob ng isang buwan. Unti-unting binihag ng ngiti ni Elara at lambing ni Lia ang puso ni Darius. Dahil doon, tuluyan siyang naguluhan. Pagkaraan ng isang buwan, umalis si Elara dala ang anak sa America. Naging matagumpay ang transplant ni Lia sa tulong ng isang anonymous donor. Makalipas ang dalawang taon, bumalik si Elara bilang sikat na jewelry designer at may-ari ng sariling luxury brand. Doon niya nalaman na ang donor ni Lia ay si Kenzo—ang bilyonaryong half-brother at mortal na kaaway ni Darius. Nang mabalitaan ni Kenzo na ikakasal na sina Darius at Ivory, napangisi ito. “Gusto mong gumanti, Elara? Pakasalan mo ako.” Balak niyang gawing double wedding ang kasal—para makita ang mukha ni Darius habang si Elara ang naglalakad sa altar para sa kanya. Pero paano kung matanto ni Darius na si Elara pala ang gusto niyang pakasalan? Ipaglalaban ba niya? O huli na para sa isang pagkakataon?
10
335
FROM NANNY TO MOMMY - Romance nobela & mga-kwento
Strawberry Akiko
Si Marisol ay isang dalagang puno ng pangarap—mga pangarap na unti-unting nawasak matapos mamatay ang kanyang ama. Ang tanging hangarin niya ay mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang ina, ngunit nagbago ang lahat nang makilala nito ang isang lalaki at muling mag-asawa, para bang naging ibang tao na ito. Ang dating pinakamamahal na anak ay unti-unting naging kinasusuklaman ng sarili niyang ina, na nilamon ng selos dahil sa pagmamahal ng kanyang asawa sa kanilang anak. Lalo pang lumala ang lahat nang mapilitan si Mirasol na tumakas sa kanilang bahay upang makaiwas sa tangkang pang-aabuso ng kanyang stepfather. Habang naghahanap siya ng matitirhan at ng bagong simula, hindi niya inaasahang makikilala niya ang isang misteryosong lalaki sa isang tulay…
188
The Billionaire's Undercover Maid - Romance nobela & mga-kwento
AMATA
Para matakasan ang fixed marriage na pinipilit ng gahaman niyang tiyuhin, walang ibang paraan si Samantha Villamonte—isang mayamang tagapagmana—kundi ang magtago. Sa isang biglaang desisyon, nagpanggap siyang katulong sa nag-iisang lugar kung saan hinding-hindi siya hahanapin ng pamilya niya—ang mansyon ng mga Montemayor, ang mortal na karibal ng kanilang angkan sa negosyo. Pero ang akala niyang ligtas na taguan, mas mapanganib pala. Ang bago niyang amo ay si Zachary "Zach" Montemayor—isang ruthless at cold-blooded CEO na kilalang perfectionist at walang pakundangan kung magsisante ng empleyado. Sa loob ng mansyon, kailangang magpakumbaba ni Samantha at itago ang totoong pinagmulan niya para lang makasabay sa bigat ng trabaho at sa bagsik ng kanyang amo. Hindi nagtagal, nalaman din ni Zach ang totoong pagkatao ng bago niyang maid. Pero imbis na isumbong ito sa mga awtoridad o sa pamilyang naghahanap sa kanya, nakakita ang bilyonaryo ng magandang pagkakataon para sa isang negosyo. Bibigyan niya ng proteksyon ang takas na heiress—kapalit ng mga mahahalagang shares sa kumpanya kapag nabawi na nito ang kanyang posisyon. Habang sumusunod si Samantha sa mga striktong patakaran ni Zach, unti-unting nagbabago ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ang mga gabi ng pagtatago at ang kanilang lihim na kasunduan ay nauwi sa isang atraksyon na pareho nilang hindi mapigilan. Ngunit paano paninindigan ni Samantha ang kanyang pagpapanggap kung ang mga kaaway niya ay unti-unti nang nakakapasok sa mismong teritoryo ng kanyang protector?
269
His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE - Romance nobela & mga-kwento
MaoMao
Hindi inakala ni Kayena na mawawala sa kaniya ang pagka birhen sa loob ng banyo ng eroplano at ang masakit ay nakuha pa ito ng isang estranghero! Pilit niya na sana itong ibabaon sa limot ngunit muli silang nagtagpo ng lalaki na walang iba kundi si Terrence Montero— ang lalaking gustong ipakasal sa kaniya ng ama pero, ito pala ang boyfriend ng matalik niyang kaibigan. Sa kabilang banda, para kay Terrence ay isa lang siyang babaeng gustong akitin siya para sa pera kaya labis siya nitong kinamumuhian. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nalaman pa rin nito na siya ang babaeng nakaniig nito sa loob ng eroplano. “That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement. Magagawa niya pa bang itago ang lahat kung ito na mismo ang nakatuklas sa totoo o patuloy niyang ipagdidiinan na hindi siya ang babaeng iyon sa kapakanan ng kaibigan niya?
274
Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo - Romance nobela & mga-kwento
EMNOTYOU
Isang gabi, duguan at tumatakas si Althea "Thea" Dimaculangan sa mga taong gustong bumili sa kanyang buhay. Sa gitna ng desperasyon, literal siyang bumagsak sa tapat ng sasakyan ng isang lalaking hindi marunong maawa. Si Marcus Aurelius Montenegro—isang makapangyarihang bilyonaryo na kilalang malamig, suplado, at ayaw na ayaw na hinahawakan siya ng kahit sinong babae. Sa takot na maibalik sa impiyernong tinakasan, naging personal na kasambahay si Thea sa mansyon ni Marcus. Isang buwan lang ang palugit sa kanya ng bilyonaryo—huwag magpapakalat-kalat, huwag magnanakaw, at higit sa lahat, huwag siyang hahawakan. Pero paano kung isang gabi, sa gitna ng matinding bangungot, ang takot na takot na bilyonaryo mismo ang humila sa kanya sa kama at nakiusap na huwag siyang aalis? Paano mo tatakasan ang isang gintong kulungan kung ang mismong may-ari nito ang ayaw kang pakawalan?
217
I Slept With My Sister's Scumbag Lover - Romance nobela & mga-kwento
Pen&Paper
Nang mag-uumaga na, saka lang naglaho ang maulap na alaalang binalot ng matamis na panaginip. Buhay na buhay pa sa isip ni Austin ang bawat yakap, halik, at ang paulit-ulit niyang pag-amin ng pag-ibig para kay Veronica, ang tanging babaeng matagal na niyang pinapangarap. Akala niya, iyon na ang pinakamasayang gabi ng buhay niya. Pero sa pagputok ng araw, tila bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig. Dahil ang babaeng kausap at kasama niya sa dilim buong gabi... ay hindi ang babaeng inaakala niya.
16
THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY  - Romance nobela & mga-kwento
Darkchoco
"The only thing worse than a broken promise is a secret you can't afford to keep." ​Sa loob ng ilang taon, nagtiis si Deneve bilang isang asawang hindi pinapahalagahan. Siya ang kumayod at sumalo sa lahat ng responsibilidad para sa tamad niyang asawa na si Julius. Pero ang sukli ng lahat ng sakripisyo niya? Nahuli niya itong nakikipagtalik sa mismong kababata niyang si Bianca. Umalis si Deneve na wasak ang puso, bitbit ang isang lihim na hindi niya kailanman binalak ipaalam sa asawa, buntis siya. ​Apat na taon ang lumipas, malaki na ang pinagbago ni Deneve. Dahil sa stress at hirap ng buhay, lumobo ang timbang niya at naging isang losyang na single mom na nagpupumilit buhayin ang anak niyang si Hope. Sa kabilang banda, si Julius ay isa nang multi-milyonaryong tech CEO, sikat, matagumpay, at kasama pa rin ang kabit nitong si Bianca. Ang akala ni Deneve, tuluyan na siyang nakawala dahil hindi na siya hinabol ng lalaki at hindi na rin sila nag-file ng annulment. ​Pero mali siya. ​Nang aksidente silang magkita sa isang mall, hindi nakalagpas kay Julius ang pagkakapareho ng mga mata niya sa anak ni Deneve. At dahil madiskarte si Deneve at walang official birth certificate ang bata, gagamitin ni Julius ang yaman at kapangyarihan niya para alamin ang totoo. Bibilhin niya ang kumpanyang ina-apply-an ng asawa, bibigyan ito ng malaking sweldo, at ikukulong si Deneve sa isang kontratang hindi nito pwedeng takasan. ​Nasa iisang hawla na ulit sila. Hanggang kailan maitatago ni Deneve ang anak niya sa lalaking dumurog sa kanya? At hanggang saan ang kayang gawin ni Julius kapag napatunayan niyang sa kanya ang batang pilit itinatanggi ng asawa niya?
10
191
Back Off, I'm Marrying Your Uncle! - Romance nobela & mga-kwento
Eliana Asher
Akala ng lahat, isang mahirap at ordinaryong babae lamang si Kiara. Walang nakakaalam na siya pala ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Remington Group. Tinanggap ni Kiara ang pagsubok na ibinigay ng kanyang Papa. Sa loob ng apat na taon, namuhay siya nang simple para patunayang naiiba si Calvin sa ibang lalaki. Naniniwala siyang mamahalin siya nito kahit wala siyang pera at pangalan. Pero nang pagtaksilan siya ni Calvin, tuluyan nang napagod si Kiara. Iniwan niya ang asawa at bumalik sa buhay na matagal niyang tinalikuran. Sa kanyang kaarawan, ipakikilala siya bilang bagong CEO ng Remington Group. At sa harap ng buong pamilya Harrison, siya mismo ang tatapos sa billion-dollar project na minsan niyang ibinigay sa kanila. Pero may isa pang lihim si Kiara—may anak sila ni Calvin na matagal niyang itinago. Desidido siyang ilayo ang bata sa lalaking nagtaksil at sumira sa puso niya. Nang malaman ni Calvin ang tungkol sa kanilang anak, ginawa niya ang lahat para mabawi ang mag-ina. Kung kailan determinado na siyang agawin muli ang puso ni Kiara, saka naman dumating ang makapangyarihan at mortal na kaaway niyang uncle na si Raymond Maxwell—ang lalaking handang tanggapin si Kiara at ang anak nito nang walang kapalit. Sa harap mismo ni Calvin, lumuhod si Raymond at inalok si Kiara ng kasal. Tumingin si Kiara sa dati niyang asawa at malamig na ngumiti. “I’m sorry, Calvin. Pakakasalan ko ang uncle mo.”
230
FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE  - Romance nobela & mga-kwento
Xielyne J.
Sa gabi ng kaniyang ika-18 kaarawan, gumuho ang buong mundo ni Audrey Cayetano. Sa likod ng engrandeng selebrasyon, lihim siyang nilason ng anak ng kaniyang madrasta, at ipinain sa isang planong sisira sa kaniyang pangalan. Ngunit sa pagtakas niya, hindi niya inaasahang mapupunta siya sa silid ng isang misteryosong lalaki… isang pagkakamaling magbabago sa kaniyang kapalaran magpakailanman. Kinabukasan, natuklasan niya ang mas masakit na katotohanan—ang kaniyang ama, ang taong pinaniwalaan niyang kakampi niya, ay isa palang traydor na matagal nang ninanakaw ang lahat mula sa kaniyang pamilya. Tinapon, pinahiya, at iniwan… pinili ni Audrey na mawala. Ngunit makalipas ang apat na taon, muli siyang bumalik—hindi na bilang mahina at inosenteng dalaga, kundi bilang isang babaeng handang bawiin ang lahat. Kasama ang kaniyang anak… at ang lihim na maaaring magpabagsak sa lahat ng sumira sa kaniya. Ngunit paano kung ang misteryosong lalaking minsang tumulong sa kaniya… ay ang parehong taong muli niyang makakaharap? At ang taong makakatulong sa kaniyang anak? Sa laban ng pag-ibig, kapangyarihan, paghihiganti at pag-asa—sino ang tunay na magwawagi?
10
247
The Billionaire's Bride Secret Husband  - Romance nobela & mga-kwento
Emerald Greene
Isang construction worker at isang CEO, langit at lupa, kahirapan at karangyaan. May mabubuo bang pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao na malayo ang agwat ng estado sa buhay? O mababago niyon kung puso na ang magdidikta?
275
PREV
12
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status