Longing for my Ex-Wife's Return
gigil na gigil na sambit niya.
“Kung totoo ngang hindi pa processed ang divorce papers nina kuya at ate, isa pa ring Walton si Ate Arya, mama. Asawa pa rin siya ni kuya at may karapatan siya sa kung anumang mga assets lalong-lalo na sa katawan at pagmamahal ni kuya. Hindi mo ba naintindihan ang buong article, mama? May kakayahan si Ate Arya na ipakulong sina Kuya Damon at Greta lalo na kung masusuportahan ng solid evidence ang claim niya. Sa puntong ito, hindi tayo dapat nagagalit sa kaniya. Kailangan natin siyang kumbinsihin na huwag ituloy ang kasong adultery kina kuya dahil kapag nagkataon, parehong hihimas ng rehas ang unico hijo mo at ang kabit niya,” seryosong sabi ni Dionne.